Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 968 - Isang Malupit na Uri ng Paligsahan (3)

Chapter 968 - Isang Malupit na Uri ng Paligsahan (3)

Ang mga mata ni Jun Wu Xie ay umaapaw sa nagyeyelo at kakila-kilabot na lamig. Napansin

niya na ng walang-awa na iwan ang kuneho sa battle stage ay nanabik itong tumingin sa

binatang nagmamay-ari sa kaniya. Hindi nito mawari kung bakit ang kaniyang tagapag-alaga ay

bigla na lamang siyang inilagay sa harap ng isang mabagsik at nakaktakot na Spirit Beast.

Takot na takot ito at nakaramdam ng sobrang pagkawala at kawalang magawa. Hindi nito alam

kung ano ang dapat gawin kaya naman niyakap nito ang mahahabang tainga at sinubukang

itago ang kaniyang sarili mula sa halimaw na hayop na kaniyang nasa harapan.

Ngunit sa patag at bukas na battle platform ang munting katawan nito ay nalantad na sa

matalim na mata ng mabagsik na tigre at tila alam ng tigre kung ano ang misyon nito. Bago pa

man magsimula ang laban ay ibinuka na nito ng malaki ang kaniyang panga at isang mababang

ungol ang pinawalan sa munting kuneho.

"Qing Yu." biglang tawag ni Jun Wu Xie.

Ano iyon?" sagot ni Qing Yu.

"Pinapahintulutan bas a Spirit Beast Arena na ihinto ang laban sa kalagitnaan?" tanong ni Jun

Wu Xie kay Qing Yu habang naktitig dito.

Nagulantang si Qing Yu dahil kaniyang naintindihan kung ano ang ibig sabihin ni Jun Xie.

Tumingin siya sa kuneho na nasa battle platform at umiling. "Maliban kung ang isang panig ay

ganap na wala nang kakayahan na lumaban o kaya ang nagmamay-ari sa kanila ay kusang

pinatigil ang laban, kung hindi man, ang laban ay hindi maaaring ihinto."

Naaawa rin siya sa kuneho ngunit mayroong patakaran ang Spirit Beast Arena na dapat sundin.

Naningkit ang mat ani Jun Wu Xie at bigla niyang dineklara: "Tulungan mo akong

magparehistro. Nais kong lumahok sa susunod na laban."

Hindi na niya matagalan pang panoorin ang malupit na pagpapakita ng walang kwentang

barbaridad na magpatuloy pa ng ganito.

Nanlaki ang mga mata ni Qing Yu habang hindi makapaniwalang napatitig kay Jun Xie. "Young

Master Jun anong sinasabi mo? Nais mo lumahok sa laban?" habang sinasabi iyon ay wala sa

kaniyang sarili na napatingin siya kay Lord Meh Meh na nakahiga sa mga braso ni Jun Xie. Sa

kaniyang nakikita ang tila tupang Spirit Beast na iyon ay walang pinagkaiba sa kuneho na

kasalukuyang nasa battle platform. Parehong hindi nagtataglay ang mga ito ng abilidad na

umatake at walang silbing Spirit Beasts sa labanan. Ang ilagay ang tupa sa battle arena ay

magrerersulta lamang sa kasawian nito.

"Oo." Sagot ni Jun Wu Xie.

Kaya mabilis na sinabi ni Qing Yun: "Young Master Jun huwag kang padalus-dalos! Maraming

maaring mangyari sa battle stage at imposibleng mahulaan ang maging resulta! Kapag ang

dalawang Spirit Beasts sa magkabilang panig ay naglaban, matinding pinsala at kamatayan ay

hindi maiiwasan. Nakikita ko na labis ang iyong pagmamahal at pagpapahalaga sa iyong Spirit

Beast. Sa mga labanan na tulad nito, mas makabubuting huwag ka na lamang lumahok."

Hindi sumagi sa isip ni Qing Yu na darating sa puntong maiisip iyon ni Jun Xie matapos lamang

makapanood ng halos kalahati pa lamang ng laban sa pagitan ng Spirit Beasts.

Kung ibang Spirit Beasts iyon maaaring mahabag lamang ito. Ngunit sa kahit anong paraan niya

man tingnan ito ay hindi niya makita na nagtataglay si Lord Meh Meh ng kahit anong

kapangyarihan sa pag-atake at ngayon ay kasalukuyang nakahiga sa mga braso ni Jun Xie at kay

gandang pagmasdan. Kung isang tuland nitong Spirit Beasts ang ilalagay sa battle arena, ano

ang maaaring mangyari dito?

"Nais ko lumahok." Saad ni Jun Wu Xie at ang kaniyang malamig at malinaw na mga mata ay

diretsong nakatingin kay Qing Yu.

Ang mga salita upang panghinaan ng loob si Jun Xie ay bumikig sa lalamunan ni Qing Yu at

nilunok niya iyon. Ang titig ni Jun Xie ay nagsasabi sa kaniyang hindi ito nagbibiro.

"Kung gayon... Sige. Kakausapin ko ang taong namumuno sa Spirit Beast Arena." Walang

magawa na buntong-hininga na saad ni Qing Yu. Ang dahilan ng pagparito ni Jun Xie sa

Thousand Beast City ay hindi dahil sa isang simpleng bagay lamang at ilang ulit siyang

pinaalalahanan ni Xiong Ba na bantayang maigi si Jun Xie. Ngunit... halos kalahating araw pa

lamang niyang binabantayan ang bata at ngayon pakiramdam niya ay madidismaya niya si

Xiong Ba.

Bigla niyang napagtanto na sa unang araw ni Jun Xie sa Thousand Beast City ay maaaring

dalhin nito sa kamatayan ang kaniyang Spirit Beast.

Ngunit dahil saw ala siyang magawa sa pagpupumilit ni Jun Xie, walang nagawa si Qing Yu

kungdi ang tumayo at irehistro si Jun Xie.

Ibinalik ni Jun Xie ang kaniyang tingin sa battle arena platform at tinignan ang kuneho.

Kumalembang ang kampana na hudyat na ang laban ay magsisimula na at ang mabagsik na

tigre ay biglang sumunggab sa nanginginig na kuneho!

Related Books

Popular novel hashtag