Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 961 - Thousand Beast City (7)

Chapter 961 - Thousand Beast City (7)

Nagpalitan ng tingin si Qu Ling Yue at Xiong Ba. Nakita nilang mayroong paghanga para kay

Jun Xie si Qu Wen Hao at matapos maisip ang bagay na iyon ng ilang sandali, bigla ay lumapit

si Qu Ling Yue kay Qu Wen Hao at may ibinulong sa tainga nito.

Ang maamong ngiti ni Qu Wen Hao sa kaniyang labi ay napalis at habang patuloy si Qu Ling

Yue sa pagpapaliwanag, ang gulat sa kaniyang mata ay mas lalong tumitindi.

"Ling Yue! Ikaw ay naging mapangahas ngayon!" Hindi makapaniwala si Qu Wen Hao sa

kaniyang mga narinig. Isiniwalat ni Qu Ling Yue kay Jun Xie lahat ng mga nangyayari sa

Thousand Beast City at inimbitahan pa niya ito sa Thousand Beast City upang tulungan sila!

Bagama't hinahangaan ni Qu Wen Hao si Jun Wu Xie sa taglay nitong katalinuhan at pagiging

madiskarte, ngunit mula sa kaniyang mga narinig, si Jun Xie ay isang hamak na bata lamang.

Ang krisis na nangyari sa Thousand Beast City ay natipon na ng may ilang taon at lihim silang

nag-isip at ilang beses na nagtangka upang maresolba nila iyon ngunit lagi silang bigo. At

ngayon, si Qu Ling Yue ay inilalagay lahat ng kaniyang pag-asa sa isang hamak na bata na may

murang edad at sa mga mata ni Qu Wen Hao, iyon ay isang malaking pakikipagsapalaran para

kanilang gawin.

Kinagat ni Qu Ling Yue ang kaniyang labi at sinabi: "Father, kung mayroong ibang paraang par

sa atin, ang iyong anak ay hindi rin susuong sa isang malaking pakikipagsapalaran, ngunit…"

"Ito'y kabaliwan! Alam mo ba kung gaano kalaking panganib ang maaaring mangyari kapag

ang bagay na ito'y nalaman ng iyong Great Grandaunt? Tungkol sa mapang iyon, tanging ang

apat na Clan Hall Chiefs at ako lamang ang dapat nakakaalam tungkol doon. Hindi niya alam

na may alam ka tungkol doon. Kung malalaman niyang ikinalat mo sa labas ang impormasyon

tungkol dito, siguradong hindi ka niya mapapatawad." sumakit ang ulo ni Qu Wen Hao sa pag-

iisip. Ang kaniyang anak ay laging mabait at masunurin simula noong bata pa ito at ang

malaman na sumuong ito sa isang delikadong hakbang ay talagang nagpagulat sa kaniya.

"Kung naging mapangahas akong gawin ito, kung gayon ay hindi ako natatakot na malaman

niya. Father! Nais mo ba talagang magpatuloy tayo na ganito? Kung saan pinapanood natin si

ina at ang iba pa na nahihirapan? Matagal na nga nating hindi nakikita si ina… at nangungulila

na ako sa kaniya." yumuko si Qu LIng Yue, biglang pumiyok ang boses niya.

Bagama't ang taong iyon ay nagpapalaya ng grupo ng mga tao kada buwan upang magbalik

doon, ngunit bihira niyang pinababalik ang ina ni Qu Ling Yue. Sa nakalipas na limang taon ay

hindi nila nakita ang ina ni Qu Ling Yue maski isang beses. Ang taong iyon ay tila sinasadya ito,

pinahihintulutan ang mga taong nagbabalik doon na ibalita na ang asawa ng Grand Chieftain

ay nasa mabuting kalagayan, ngunit hindi kailanman niya pinabalik sa asawa at anak kahit

isang araw man lang.

Sa isip ni Qu Ling Yue, naroon ang mga alaala niya at ng ina noong siya ay bata pa, at kahit may

katagalan na rin na hindi sila nagkita, mas matimabng pa rin ang dugo kaysa sa tubig, kaya

bakit hindi siya mangungulila sa kaniyang ina?

Ang mga binitawang salita ni Qu Ling Yue ay tumagos sa puso ni Qu Wen Hao at nagdulot iyon

ng matinding sakit. Ang pinakamamahal niya higit sa kaniyang buhay, ay ang kaniyang asawa

at anak lamang. Ngunit ngayon ang kaniyang asawa ay bihag, at hindi na siya umasa na

magsasama sila sa ngayon. Ang makita sila pareho ay isang kalabisan na hiling.

Ang paghihiwalay na ito sa pagitan ng mag-asawa, ay isang karayom na nakalagak sa puso ni

Qu Wen Hao!

"Ngunit naisip mo man lang ba, gaanong nakakatakot ang kahihinatnan nito kapag ang bagay

na ito ay nakarating sa iyong Great Grandaunt? Ikaw at si Jun Xie ay hindi niya mapaptawad,

pati ang mga taong bihag niya ay mapapahamak! Kung magkataon na siya ay magalit, at

saktan niya ang mga taong iyon, paano ko masasagot iyon sa lahat ng mgakapatid natin sa

siyudad na ito?" nahihirapang sabi ni Qu Wen Hao, ang mga mata ay mariing nakapikit. Hindi

sa hindi niya inisip na gawin ang lahat upang maghiganti, ngunit kailangan niyang isaalang-

alang na hindi lamang ang kaniyang asawa ang bihag.

Nang minsan, ang mga tao ng Thousand Beast City ay inisip na lumaban at iyon ay kanilang

ginawa. Ngunit, nang sumunod na araw, ang mga taong lumaban ay nakita ang walang buhay

na katawan ng kanilang mga asawa at anak na itinapon sa labas ng tarangkahan ng Thousand

Beast City. Ang madugo at nakakahilakbot na pangitain nang araw na iyon, ay nanatili sa isipan

ng mga tao hanggang sa araw na ito.

Upang masiguro ang kaligtasan ng kanilang mga kapamilya, wala silang magawa kundi

sumunod sa utos ng taong iyon. Ang mga tao ay mahina o takot, ngunit kailangan nilang

sumuko sa kasunduan kapalit ang kaligtasan ng kanilang pamilya.