Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 959 - Thousand Beast City (5)

Chapter 959 - Thousand Beast City (5)

"Kalimutan na natin iyon. Huwag na natin pa pag-usapan. Ang aming Young Miss ay kababalik

lamang at kailangan ko iyon ipaalam sa Grand Chieftain. Qing Yu, ayusin mo ang tutuluyan ni

Young Master Jun sa Fiery Blaze Hall. Young Master Jun, ako ay aalis muna." ang pakitunguhan

ang bastos na si Lin Feng sa kanilang pagbabalik, ay nagdulot ng disgusto kay Xiong Ba. Mabuti

na lamang at si Jun Xie ay hindi iyon pinansin at dahil doon kaya naibsan ang kaniyang

pakiramdam.

Tumango si Jun Wu Xie.

Si Feng Yue Yang ay umalis upang magtungo sa kaniyang tirahan habang si Xiong Ba ay

sinamahan si Qu Ling Yue patungo sa tahanan ng Grand Chieftain, at si Jun Wu Xie ay sinundan

si Qing Yu upang makapasok sa Fiery Blaze Hall.

Si Qing Yu ay ang Deputy Clan Hall Chief ng Fiery Blaze at bagaman hindi siya maihahambing

sa isang tao na nasa trenta, o kuwarenta anyos ang edad, nagagawa naman niyang hawakan

ang mga bagay sa kalmado at maayos na paraan, na nakikitungo at kumakalma sa sumasabog

na si Xiong Ba.

Sa pangunguna ni Qing Yu, ang miyembro ng Fiery Blaze Clan ay nalaman na isang batang

bisita ang dumating sa kanilang Clan Hall, at sila ay malugod at palakaibigan kay Jun Xie.

"Maaaring manirahan si Young Master Jun sa silid na ito. Magtatalaga ako ng tao upang

magdala ng pagkain at upang ika'y makapagpahinga muna. Kung may kailangan ka, sabihin mo

lamang sa kahit kanino sa aming kapatid sa loob ng Clan Hall." nakangiting sabi ni Qing Yu.

Patungkol sa mataas na kakayahan ni Jun Xie, siya ay may matinding pagpapahalaga at

admirasyon kay Jun Xie.

"Salamat." tumango si Jun Wu Xie.

Matapos ay mabilis nang umalis si Qing Yu.

Naupo sa loob ng silid si Jun Wu Xie at ang pusang itim ay likas na tumalin sa lamesang nasa

harap niya. Si Lord Meh Meh naman ay kinikiskis ang kaniyang sarili sa gilid ng bukong-bukong

ni Jun Wu Xie.

"Meow."

[Ang dagang tinatawag na Lin Feng ay may matinding poot laban sa iyo]

Nakatitig ang pusang itim kay Jun Wu Xie habang tamad na dinidilaan ang kaniyang kamay.

Maging ito ay napansin ang poot na mayroon si Lin Feng sa kaniya.

"Huwag mo siyang pansinin." hindi karapat-dapat bigyan ng pansin ni Jun Wu Xie si Lin Feng at

kung hindi siya yayamutin ni Lin Feng, hindi siya dapat mabahala dito.

"Meow?"

[Ano ang sunod mong gagawin?]

"Sandali." saad ni Jun Wu Xie, ang mata ay naningkit.

Upang maayos ang krisi na kinakaharap ng Thousand Beast City, ang tanging paraan upang

makalaya ay mahanap ang mga tao na dinukot. Pagkatapos mailigtas ang mga taong iyon, ay

wala nang magagamit ang mga tao mula sa Twelve Palaces na panakot sa Thousand Beast

City.

"Si Hua Yao at ang iba pa ay naghiwa-hiwalay upang magtungo sa iba't ibang lugar sa labas ng

Thousand Beast City at ayon kay Qu Ling Yue, sa katapusan ng buwan, isang grupo na naman

muli ng mga bihag ang dadalhin sa Thousand Beast City at dadalhin muli ang grupo ng mga tao

na pinalaya sa buwang iyon. Sa oras na makita nila ang mga bihag na dinadala, si Fei Yan at

ang iba pa ay malalaman kung saang direksyon ito nanggaling at sa kanilang pag-alis ay

magagawa nila itong sundan."

Bago kumilos ang kalaban, ay hindi balak ni Jun Wu Xie na alertuhin ang ahas sa damuhan.

Susubukan niyang kumalap ng mas maraming bakas sa loob ng Thousand Beast City.

May isang punto lang siyang nais tiyakin ngayon. At iyon ay kung ilan ang mga tao mula sa

tWelve Palaces ang naroon sa Thousand Beast City at kung ang mga kasama niya at ang

Thousand Beast City ay magagwa silang talunin.

"Meow."

Ang pusang itim ay iwinasiwas ang kaniyang buntot at hindi na nagsalita pa.

Mula sa nakikita nito, si Jun Wu Xie ay naglalaro ng isang mapanganib na laro. Ang gantimpala

kung sila ay magtatagumpay ay malaki, ngunit sa kabilang banda, ang pagkabigo ay katumbas

ng matinding panganib.

Sinamahan ni Xiong Ba si Qu Ling Yue sa tahanan ng Grand Chieftain.

Ang kasalukuyang Grand Chieftain ng Thousand Beast City, si Qu Wen Hao, ay halos nasa

singkwenta anyos, ang tatay ni Qu Ling Yue. Ang mukha ay maaliwalas, ang mata ay matalas at

buhay na buhay. Kungdi lang sa dalawang hibla ng puting buhok sa kaniyang sentido, kung

pagbabasehan ang kaniyang hitsura, mapagkakamalan itong nasa trenta anyos lamang.

Kapapasok lamang ni Qu Ling Yue sa tahanan ng Grand Chieftain nang maglakad palait si Qu

Wen Hao.

"Father!" nang makita ni Qu Ling Yue ang kaniyang ama, ang mahigpit na tali sa kaniyang puso

ay madaling lumuwag.

"Masaya akong nagbalik ka, masaya akong nagbalik ka." sabi ni Qu Wen Hao, bumakas ang

isang ngiti sa maaliwalas at maliwanag na mukha.