Ang Spirit Tamer Bone Flute ng Thousand Beast City ay nagagawang kontrolin ang libong Spirit
Beasts, nagagawa nito na mapasunod at tawagin ang hindi mabilang na Spirit Beasts. Ngunit
ang epekto ng Spirit Tamer Bracelet ay hindi ganoon kalakas. Ang Spirit Tamer Bracelet ay
magagamit lamang sa isang Spirit Beast at ayon sa uri ng Spirit Tamer Bracelet ang uri ng Spirit
Beast na kaya nitong kontrolin.
At dahil si Fan Zhuo ay isang Ring Forger, matindi ang kaniyang interes sa Spirit Tamer
Bracelet, kaya naman, bago sila naghiwalay, ay nagtungo siya kay Jun Wu Xie upang tanungin
ito kung kaya nito makakuha ng isa sa pagpasok nito sa Thousand Beast City.
Ang Spirit Tamer Bracelet ay isang lihim na mahigpit binabantayan ng Thousand Beast City.
Kahit na humingi ng tulong sa kanila si Qu Ling Yue, hindi pa rin maganda na tahasan silang
humingi kay Qu Ling Yue ng isang Spirit Tamer Bracelet. Wala iyong pinagkaiba sa pagnakaw
ng isang pamana ng pamilya.
Natatandaan ni Jun Wu Xie ang hiling ni Fan Zhuo, ngunit nang banggitin ni Xiong Ba ang
paksa, ay hindi siya nagpakita ng kahit anong pagbabago sa kaniyang ekspresyon.
Ang mga karwahe ay mabagal na dumagundong sa Thousand Beast City, at ang dakilang
karilagan sa loob ng siyudad ay dahan-dahan na nagdadaan sa mga mata ni Jun Wun Xie.
Matapos ang ilang sandali, ang karwake ay huminto sa tapat ng isang bahay, at madaling
lumabas ng karwahe si Xiong Ba.
Isang binata na nakasakay sa isang magandang kabayo ang lumitaw ng mga sandaling iyon sa
tapat ni Xiong at ng karwahe.
Itinaas ni Xiong Ba ang kaniyang ulo at tumingin sa binata na nakaupo sa ibabawa ng kabayo,
at ang kaniyang kilay ay nagsalubong.
Ang binata ay mayroong kaakit-akit na anyo at ito ay mukhang nasa disiotso o disnuwebe ang
edad. Mula ng ito ay magpakita, ang kaniyang tingin ay hindi naalis sa karwahe, hindi pinansin
si Xiong Ba na naunang lumabas mula sa karwahe.
At nang makita ng binata si Qu Ling Yue na lumabas mula sa karwahe, ang kaniyang mata ay
biglang nagliwanag at bumaba ito mula sa kabayo, ang mukha ay puno ng ngiti habang siya ay
tumatakbo palapit kay Qu LIng Yue.
Subalit, si Qu Ling Yue ay hindi pansin ang binata na nagpakita. Ang kaniyang sulyap ay
nakatuon kay Jun Xie na dahan-dahang lumalabas ng mga sandaling iyon sa karwahe.
"Naging mahirap ang paglalakbay na iyon, malamang iyon ay naging mahirap sa'yo." sabi ni
Qu Ling Yue, nakangiti siyang nakatingin kay Jun XIe. At dahil ipinagkakatiwala niya ang lahat
ngayon kay Jun XIe, hindi niya namamalayan na ang kaniyang atensyon ay nakatuon lamang
kay Jun Xie.
"Hindi naman gaano." walang ekspresyon na sagot ni Jun Wu Xie.
Ang binata na ngiting-ngit ay narating ang tabi ng karwahe nang makita niya si Qu Ling Yue na
matamis ang ngiti kay Jun Xie na palabas palang mula sa karwahe. Nakita niya na ang
mukhang iyon ay hindi pamilyar ngunit si Qu Ling Yue at ang binata ay tila magkasundo. Ang
ngiti sa mukha ng binata ay nabura at bakas sa mga mata ang pagkadisgusto.
"Ling Yue!" biglang tawag ng binata.
Nang marinig ni Qu Ling Yue ang tumawag sa kaniya ay madali niya itong nilingon, at nakita
niya ang binata na tila baluktot na nakangiti.
"Lin Feng? Bakit ka nandito?" gulat na tanong ni Qu Ling Yue habang nakatingin kay Lin Feng
na nakatayo sa kaniyang harapan at may baluktot na ngiti sa mukha.
Si Lin Feng ay ang anak ng Clan Hall Chief ng Icy Frost, si Lin Que, at ito ay pareho ang edad kay
Qu Ling Yue.
Natawang nagsalita si Lin Feng: "Narinig ko mula sa aking ama na ika'y nagbalik na. Nabalitaan
ko na nagtamo ka ng matinding pinsala noong ika'y nasa Fire Country, at ako ay lubhang nag-
alala. Ngunit hindi ako pinahintulutan ng Grand Chieftain na magtungo doon. Kaya nang
marinig ko ang balita na ngayon ang iyong pagbabalik, ay nagmadali akong pumunta dito
upang makita ka. Ling Yue, ano ang tunay na nangyari doon sa Fire Country? Paanong nangyari
na ika'y napinsala sa iyong pagsali sa Spirit Battle Tournament? Ayos na ba ang iyong
pakiramdam ngayon?" habang siya ay nagsasalita, humakbang siya paharap at bakas sa
mukha ang pag-aalala, balak tingnan ang kondisyon ni Qu Ling Yue.
Wala sa sarili na humakbang paatras si Qu Ling Yue, bakas sa mukha ang asiwang ngiti habang
sinasabi: "Mas maayos na ako ngayon. Lahat iyon ay ipinagpapasalamat ko kay Jun Xie na
nakaligtas ako sa kapahamakan at nakauwi akong ligtas dito." nang matapos sabihin iyon,
lumingon siya kay Jun XIe na nakatayo sa tabi niya at ngumiti dito.