Nakaupo si Jun Wu Xie sa may bintana sa ikalawang palapag ng Immortal's Loft habang
pinapanood niya ang mga tao na nasa labas. Habang nakatitig sa kaniya si Lei Fan, siya ay
kalmadong nakatingin lamang dito, tila wala siyang kinalaman sa lahat ng iyon.\
Mabuti at masama, lahat iyon ay may katumbas.
Kung ang Heavens ay hindi pa naglapat ng parusa, hindi siya mangingimi na tumulong alang-
alang dito!
Patay na si Lei Fan. Sa harap ng Imperial Capital, kasama ang Empress at Prime Minister, ang
knailang mga ulo ay pinugot, at isinabit sa ituktok ng tarangkahan ng siyudad. Naglabas ng
kautusan ang Empress Dowager na ang katawan ng tatlong criminal ay itapon sa walang tanda
na libingan at wala sinuman ang kukuha o titipon ng kanilang mga labi, habang ang kanilang
mga ulo ay isasabit sa tarangkahan ng siyudad sa loob ng sampung taon, upang ihantad sa
malupit na hagupit ng mga elemento ng panahon, upang tanggapin ang parusa na igagawad ng
kalangitan.
Bagaman ang Empress Dowager ay hindi nakikialam sa mga pamamalakad ng Court, siya ay
napuno ng pagkapoot tagos hanggang sa buto dahil sa mga ginawa ng tatlong kriminal.
Nang dumating ang gabi, ang mga mamamayan ng Imperial City ay nahirapang makatulog.
Masyadong maraming kaganapan ng araw na iyon at bawat insidente ay mas kahindik-hindik
kaysa sa nauna. Hindi nila alam kung sino ang mamumuno sa Fire Country at ang tanging
magagawa lamang nila ay tahimik at matiyagang maghintay.
Kinabukasan, nag-utos ang Empress Dowager ng mga tauhan na dalhin ang Imperial Edict para
sa pagluklok sa trono at ang Dragon robe sa Immortal's Loft at upang ihayag ang Imperial
Decree ng First Emperor sa lahat, at sabihin sa lahat ng tao ng Fire Country na ang pagbitiw ng
Emperor ay dahil alinsunod sa hiling ng First Emperor ng kanilang angkan.
Ibabalik lamang nila ang trono ng Fire Country sa talagang nagmamay-ari ito.
Sinamahan ng Imperial Guards si Lei Chen na dala ang Imperial Jade Seal, ang Dragon Robe at
ang Imperial Decree patungo sa Immortal's Loft, ngunit sa kanilang pagdating doon, ang lugar
ay puno na ng mga tao mula sa siyudad.
Nang basahin ang kautusan ng First Emperor, ay kanilang napagtanto na ang posisyon ng
pagiging Emperor ng Fire Country ay ibibigay sa nagmamay-ari ng Ring ng Imperial Fire, at ang
pagkakakilanlan sa nagmamay-ari ng Ring ng Imperial Fire ay talagang nagpagulantang sa mga
tao.
Ang taong iyon ay ang parehong tao na namayagpag sa nagdaang Spirit Battle Tournament,
ang pangalan na yumanig ng paulit-ulit sa Imperial Capital, si Jun Xie!
Nang marinig nila ang resulta, ang mga tao ay nadaig ng pag-uusisa kaya silang lahat ay
madaling nagtungo doon upang makita ang mga kaganapan.
Subalit, ilang sandaling nakatayo si Lei Chen at ang Imperial Guards sa labas ng Immortal's Loft,
at matapos ang pagbasa ni Lei Chen ng kautusan sa pag-akyat ni Jun Xie sa trono, ay walang
sumilip mula sa loob ng Immortal's Loft.
Hindi napigilan ni Lei Chen na makaramdam ng pagkabagabag. Natatakot siya na tatanggihan
ni Jun Xie ang pagiging Emperor at naisip niya iyon kagabi kasama ang Empress Dowager, na
madaling ibigay na ang pamumuno kay Jun Xie, tulad ng paghahabol sa mga pato na nakadapo,
habang si Jun Xie ay nasa loob pa ng Imperial City. Kapag nagawa na niya ang pagpapahayag sa
publiko, ay mapipilitan na kunin ang pamumuno, gustuhin man niya o hindi.
Ngunit nakalipas na ang ilang sandali, ay hindi pa rin nakikita ni Lei Chen ang anyo ni Jun Wu
Xie.
Matapos niyang basahin sa ikatlong pagkakataon ang Imperial Edict, saka tumatakbong
lumabas ang katiwala ng bahay-panuluyan ng Immortal's Loft, at sa isang malakas na kalabog
siya ay lumuhod sa harap ni Lei Chen at sinabi: "Your Highness! Ang bagong Emperor... Ang
bagong Emperor ay nakaalis na dito kanina pa kasama ang kaniyang mga kasamahan!"
Napasighap sa takot si Lei Chen, ang kaniyang mga mata ay nanlaki tila ang mga iyon ay lalabas
na, hindi makapaniwala sa kaniyang narinig.
[Si Jun Xie... ay tumakas ng ganoon lamang?!!]
"Your Highness! Your Highness, ayos ka lang ba!? Guards! Ang Kamahalan ay hinimatay!"
…
Habang nagkakagulo sa Imperial Capital, si Jun Wu Xie at ang kaniyang mga kasama ay
nakaupo sa loob ng mga karwahe, nakasunod kay Qu Ling Yue at sa iba pa para sa kanilang
paglalakbay patungo sa Thousand Beast City.
Nakaupo sa loob ng karwahe, si Jun Wu Xie ay hindi na makita ang anumang bakas ng Imperial
Capital sa kaniyang likod.
Walang kamalay-malay na siya ay ginawa ng bagong Emperor ng Fire Country, at ang
iginagalang na titulo na Emperor ng Fire Country ay nakadugtong na sa kaniya. Hindi rin niya
alam , na isang araw sa hinaharap, ay kaniyang pamumunuan ang napakaraming hukbo ng Fire
Country, upang tapakan ang bawat sulok ng kalupaan, upang magpasiklab ng apoy ng giyera
saanman!