Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 938 - Ang Ikasampung Sampal (2)

Chapter 938 - Ang Ikasampung Sampal (2)

Nilibot ng mga mata ni Jun Wu Xie ang mukha ng Emperador at marahang nagtanong, "Ano sa tingin

mo?"

Nanigas ang katawan ng Emperador, tiningnan niya ang lahat sa loob ng silid. Ang kaniyang Emperatris,

ang kaniyang pinagkakatiwalaang opisyal ay trinaydor siya, ang dalawa anak niyang lalaki na hindi

naman pala niya biolohikal na anak…

Biglang nanlaki ang mga mata ng Emperador at dahan dahang nilipat ang tingin kay Jun Wu Xie at

biglang tumayo sa kaniyang trono!

"Ikaw! Ikaw ang may kagagawan ng lahat ng ito! Tamaba?!"

Hindi na sumalungat pa si Jun Wu Xie at tumango na lamang.

Naramdaman ng Emperador ang lamig na gumapang sa kaniyang likod.

Walang ekspresyon na nagsalita si Jun Wu Xie, "Kamahalan, huwag mong ipagkamali. Ang lahat ng ito ay

too. Ang ginawa ko lamang ay ang hukayin ang katotothanan na nakatago upang ipakita sa iyo.

NIsiniwalat ko lahat ng sikreto at panlilinlang sa iyo. Hindi ka ba magpapasalamat sa akin?"

Hindi makasagot ang Emperador at nanigas sa kaniyang kinatatayuan.

[Pasalamatan siya?]

[Inaasahan niya pang pasalamatan ko siya?]

Ang katotohan isiniwalat sa araw na ito ay sumira sa kaniyang magandang buhay. Ang kaniyang asawa,

ang kaniyang mga anak, ang kaniyang pinagkakatiwalaang opisyal, silang lahat ay trinaydor siya. At

ngayon, nalaman niya pa na hindi magkakaanak ang kaniyang mga bioklohikal na anak. Lahat ng ito ay

isang malaking sampal sa kaniya at isiniwalat ang lahat ng ito ni Jun Wu Xie sa loob lamang ng isang

araw!

Hindi man lang nakapaghanada ng sarili ang Emperador at basta na lamang isinampal sa mukha niya ang

lahat!

"Mga kawal! Patayin siya! Patayin niyo siya ngayon din!" Sa puntong iyon, ang taong gusto ng

Emperador na mawala ay hindi ang Emperatris, hindi ang punong ministro kung hindi ay si Jun Wu Xie!

Ang mga kawal ng palasyo ay nagising sa pagkakabigla dahil sa mga nalaman ng sumigaw ang Emperador

at umatake kay Jun Wu Xie na nakatayo sa likod ng Drunk Lotus.

Si Jun Wu Xie ay kalmadong nakatayo lamang sa gitna ng lahat ng nangyayari. Bigla niyang kinuha ang

isang putting bola at itinapon ito sa mga kawal!

Ang putting bola ay biglang sumabog at nagpakawala ng maliwanag at nakakabulag na ilaw. Lumaki ang

ilaw!

Pagkatapos, nawala ang nakakasilaw na ilaw.

Isang malaki at hindi kapanipaniwalang purong puti na Spirit Beast ang nakita nila sa loob ng silid! Ang

tangkad nito ay halos umabot na sa bubong ng palasyo!

Umulan ng bato at tinamaan ang mga kawal. Ang napakalaking katawan nito ay naging harang papunta

sa kay Jun Wu Xie.

Natakot ang mga kawal sa nakita, ang kanilang mga kamay ay nanginginig habang nakahawak sa

kanilang mga espada.

Hindi pa sila nakakita ng ganito kalaking Spirit Beats!

Si Lord Meh Meh ay ipinakita ang orihinal na anyo. Dahan dahang umaatras ang ga kawal palabas ng

pinto.

Nakabukas ang bibig ng Emperador sa napakaling Spirit Beast na nakikita, hindi makapaniwala rito.

Mahigit isang daang Imperial Spirit Guards at ang lahat ng ito ay hindi makalapit. Sa loob ng silid,

maliban kay Yuan Biao na sugatan na dahil sa Drunk Lotus, wala nang natirang kahit isang kawal sa loob.

"Jun Xie! Ano ba ang gusto mong gawin? Huwag mong sabihin sa akin na gusto mo lamang akong

patayin, ang Emperador ng Fire Country?" Namumutla ang emperador dahil walang natira kahit isa

upang protektahan siya!