Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 934 - Sampal Gamit Ang Hiram Na Kamay–Ang Ikalawang Anyo (4)

Chapter 934 - Sampal Gamit Ang Hiram Na Kamay–Ang Ikalawang Anyo (4)

Si Lei Xi ay napakabata pa ng mga panahong iyon at habang nakakubli sa likod ng

mga bato sa hardin nakita niya kung paano itinali ng

mga yunuko ang kaniyang ina habang nakasunod ang Emperatris.

Sa bisig ng Emperatris ay isang sanggol na nababalot ng dugo.

Ang sanggol ay ang ikaapat na prinsipe na si Lei Fan na kadadala lamang sa palasyo ng Emperatris. Napuno ng

takot si Lei Xi habang nakikita ang kaniyang ina na nakatali, gusto niyang lumabas upang tumakas.

Ngunit napagtanto niya na ang maliit na prinsipeng katulad niya ay walang magagawa kung kaya

nanatili siyang nakakubli.

Sa harap mismo ng kaniyang mga mata, nakita niya kung paano sinakal hanggang kamatayan ang kaniyang ina

ng isang yunuko. Ang walang buhay na katawan ng kaniyng ina ay itinali sa bato kasama ang sanggol at

itinapon sa lawa.

"Alam kong wala ako ng abilidad upang ipaghigante ang aking ina ngunit hindi ko na maatim na itago ang siketong ito kung kaya naghintay ako ng tamang pagkakataon. Hinintay ko ang araw kung

kailan magbubukas ang kalangitan para maipaghigante ko ang aking ina at kapatid! At ito ang araw na iyon!"

Ang mukha ni Lei Xi ay puno ng poot at galit na itinago niya ng mahabang panahon.

Matalino siya ngunit pinili niyang ipalabas na isa siyang mahinang prinsipe upang hindi siya paghinalaan ng Emperatris.

Mula sa pagiging pinakamatalinong prinsipe nanaging isang takotang walang kwentang prinsipe, ininda ni Lei

Xi ang pagpapahirap ng hindi nagsasalita. Naghintay lamang siya ng tamang panahon at ang araw na iyon ay ngayon!

"Ungh!!" nanlalaki ang mga mata ng Emperatris. Gusto nitong umalma at tumayo ngunit pinigilan siya ni Yuan Biao.

Hindi makapaniwala si Lei Fan sa mga sinabi ng kaniyang nakakatandang kapatid na kinamumuhian niya.

"Kasinungalingan! Nagsisinungaling ka!" si Lei Fan ay natataranta. umuhod siya agad sa harap ng

Emperador, umiiyak habang nag sabi, "Ama! Ama!

Nagsisinungaling lamang ang aking nakakatandang kapatid! Kung totoo ang sinasabi niya bakit buhay pa rin ako?! Sinasamantala niya lamang ang pagkakataon dahil bumagsak ang aking ina at

ginamit niya ang pagkakataong ito upang siraan ako!"

Kumunot ang noo ng Emperador. Punagisipan niya ang mga sinabini Lei Xi.

Ang taon kung kailan namatay ang ina ni Lei Xi, ang kaniyang katawan ay nakita sa mababaw na lawa sa hardin.

Ngunit huli na nang makita ang katawan nito, ang katawan nito ay halos

hindi na makilala dahil sa matagal na pagkakababad sa tubig. Nakilala lamang ito dahil sa suot nitong damit.

Malamig na tinapunan ng tingin ni Lei Xi si Lei Fan na umiiyak.

"Ipinipilit mo talagang lokohin si Ama sa iyong mga kasinungalingan!"

Mariing hayag ni Lei Fan, "isang paninira!"

Tumayo si Lei Xi at direktang tiningnan ang mga mata ng Emperador, "Ama! Alam ko kung

bakit pinipigilan mo ang iyong sarili. Pero mayroon akong patunay sa lahat ng mga sinabi ko!" Pagkasabi nito, inilabas niya ngang porselanang bote na nakatago sa kaniyang damit, ang kaniyang tingin ay nakatuon kay Lei Chen.

Ang boteng iyon ay ibinigay sa kaniya ni Lei Chen. Hindi niya alam kung anong laman ng

boteng iyon pero sinabi ni Lei Chen na iyon ang sisiguro sa katotohanan!

Dahil nakita niya ang walang awang pagpaslang sa kaniyang ina, itinago niya ang ang sikretong iyon kaya hindi niya mapapalagpas ang pagkakataong ito upang ipaghigante ang kaniyang ina!

Kahit hindi niya alam ang laman ng boteng iyon, isusugal niya pa rin ang buhay niya para sa pagkakataong ito!

Biglang tumakbo papunta si Lei Xi kay Lei Fan nanakaluhod sa sahig. Sumigaw sa takot si Lei Fan at

pilit na itinutulak palayo si Lei Xi. Ngunit hindi siya pinansin ni Lei Xi at binuksan ang bote at

ibinuhos ang laman samukha ni Lei Fan!