Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 925 - Sampal Gamit Ang Hiram Na Kamay – Ang Unang Anyo (1)

Chapter 925 - Sampal Gamit Ang Hiram Na Kamay – Ang Unang Anyo (1)

Ibinaba ni Jun Wu Xie ang kaniyang malamig na tingin habang nakaupo lamang sa isang tabi.

Ang tabing ng palabas ay nagsisimula pa lamang na umangat.

Sa loob ng palasyo ng Emperatris, makalipas ng ilang sandali mula ng makaalis ang Emperador, dahan

dahang nawala ang pagkataranta at naghuhumiyaw na pag-iiyak ng Emperatris habang tinuyo ang mga

luha sa kaniyang mukha. Kumunot ang noon g Emperatris habang tiningnan ang mga manggagamot ng

palasyo na nagbibigay ng lunas kay Lei Fan.

"Ang inyong paglilingkod dito ay hindi na kinakailangan, ni hindi niyo nga mabigyan ng lunas ang blood

of kin! Ako na ang gagawa ng paraan kaya lumabas na kayong lahat ngayon din!"

Dahil sa marahas na pagtrato, mabilis na umalis ang mga manggagamot ng palasyo.

Nang masiguro niyang nakasara na ang mga pinto, ang matigas na ekspresyon na ipinapakita ng

Emperatris ay nawala.

"Ina! Ina, iligtas mo ako! Ayokong mamatay! Hindi ko gustong mamatay!" Nakakaawang hinagpis ni Lei

Fan. Walang ibang nakakaalam sa kaniyang tunay na ama, ngunit malinaw na sa kaniya. Sinabi niya

lamang iyon kanina sa Emperador dahil sa takot niyang mailabas ang katotohanan at ngayong wala ng

ibang tao sa loob ng kaniyang silid, umaasa na lamang siya na ililigtas siya ng kaniyang ina.

Malungkot na umupo ang Emperatris sa tabi ni Lei Fan at hinawakan ang mga balikat nito. Nang

maramdaman niya ang poanginginig sa takot ng kaniyang anak, mas lalong naramdaman niya ang sakit

sa kaniyang puso.

Nagluwal din siya sa isang anak na lalaki noon ngunit namatay ito dahil sa isang aksidente. At dahil sa

pagkamatay ng kaniyang panganay na anak, mas minahal niya ng sobra si Lei Fan. Kung hindi dahil sa

katotohanan na hindi maililigtas ng Emperador si Lei Fan, hindi niya ito papaalisin ng ganoon.

"Little Fan, huwag kang matakot. Nandito ang iyong ina para sa iyo. Kailangan lang nating ang dugo ng

iyong ama hindi ba? Hindi ka maililitas ng Emperador, pero huwag mong kalimutan na kaya kang iligtas

ng tunay mong ama." Sabi ng Emperatris.

Saglit na nabigla si Lei Fan.

Ang kaniyang ama, biolohikal na ama, ay ang kasalukuyang punong ministro hindi ba?

"Ngunit… Ngunit paano si ama makakapunta rito sa palasyo?" tanong ni Lei Fan.

Malamig na tumawa ang Emperatris, "bilang Emperatris, mayroon akong pamamarran. Little Fan, huwag

ka nang mag-alala. Ang mga manggagamot ng imperyo na nasa tabi ng iyong ina ay marunong at

magagaling sa pagbigay ng lunas sa lason. At nagpadala na rin akong ng mga tao upang ipatawag ang

iyong ama at sigurado akong nakarating na sa kaniya ang balita. Kung kaya naman, huwag ka nang mag-

alala Little Fan. Hindi hahayaan ni Mama na may mangyaring masama sa iyo."

Habang nagsasalita ang Emperatris, marahang tinatapik niya ang balikat ni Lei Fan upang pakalmahin ito.

Pagkatapos marinig ang mga sinabi ng Emperatris, nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Lei

Fan. Ngunit nang maalala niyang muli ang lalaking nakasuot ng itim na roba, muling napuno ng takot ang

kaniyang puso.

"Ina! Sinabi ng lalaking nanakit sa akin na ang tanging makakaligtas lamang sa akin ay ang aking

biolohikal na ama. Huwag mong sabihin na… ang sikreto sa likod ng aking pagkakapanganak ay alam na

ng ibang tao?"

Nagulat ang Emperatris sa mga sinabi ng kaniyang anak. Ang namamagitan sa kanila ng punong mistro

ay walang nakakaalam maliban sa mga pinagkakatiwalaang katulong. Higit pa dito, iilang beses lamang

sila nagkita, lalo na ng maipanganak si Lei Fan, ang punong ministro ay halos hindi na pumunta upang

makipagkita sa Emperatris. Sa mga nakalipas na tao, naging maingat siya dahil natatakot siya na

malaman ito ng Emperador.

"Huwag mo nang isipin ang bagay na iyon, kung alam ng taong iyon an gating sikreto, ang tanging

gagawin niya lamang ay ang sabihin ito sa Emperador ngunit hindi niya ito ginawa kung kaya sigurado

akong ang tunay na misyon nito ay ang saktan ang Emperador at hindi ikaw." Sigurado ang Emperatris

na hindi nadiskubre ng iba ang relasyon niya sa punong ministro.

Dahil sa kumpiyansa at paniniguro ng Emperatris, si Lei Fan ay huminahon at itinuon ang atensiyon sa

kaniyang katawan.

Related Books

Popular novel hashtag