Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 921 - Itaas Ang Tabing (5)

Chapter 921 - Itaas Ang Tabing (5)

Ang mga manggagamot ng imperyo ay mabilis na tumungo. Pagkatapos matanggap ng Emperador ang balita, hindi niya mabigyan ng maayos na pag estima ang kaniyang mga panauhin na sila Xiong Ba at ang mga kasama nito at dumiretso na patungo sa palasyo ng Emperatris kasama sila Xiong Ba. Isa sa mga nakasama doon ay si Jun Wu Xie na nagpanggap bilang si Qu Ling Yue.

Nang makapasok sila, nakita nila ang buong hukbo ng mga manggagamot ng imperyo na nakapalibot sa higaan habang si Lei Fan ay nakahiga rito, ang kaniyang mukha ay namumutla.

"Ano ang nangyari sa ika-apat na Prinsipe? Hindi niyo ba magagamot ang karamdaman ng ikaapat na Prinsipe? Kung hindi niyo magagamot ang karamdaman ng ika-apat na Prinsipe, lahat kayo ay ipapalibing ko ng buhay!" Madilim ang mukha ng Emperador, ang kaniyang boses ay puno ng galit at takot.

Nanginginig sa takot ang mga manggagamot, ang kanilang mga ulo ay nakatungo sa sahig.

Nawala ang kalmado at kahinahonan ng Emperatris habang walang tigil iton umiiyak sa tabi ng higaan ng prinsipe.

"Kamahalan! Kailangan mong sagipin si Little Fan!"

Tumango ang Emperador.

"Sisiguraduhin kong walang mangyayaring masama kay Little Fan."

Lihim na nagulat si Xiong Ba nang makita nito si Lei Fan, hindi niya napansin na ang kaniyang tingin ay lumipat kay Jun Wu Xie. Nakita nakita niya si Jun Wu Xie, malamig at walang interes na nakatayo sa isang tabi at walang kahit isang tao ang nakapansin sa presensiya nito. Dahil dito, si Xiong Ba ay hindi mapakali.

Inutusan muna ng Emperador ang mga manggagamot ng imperyo na suriing mabuti ang karamdaman ni Lei Fan bago nito ipinatawag ang mga bating na kasama ni Lei Fan upang siyasatin ang mga mga naganap sa hardin kanina.

Natakot ang mga bating sag alit na Emperador at ang tangi nilang magawa ay ang manginig habang nakaluhod na isinasalaysay ang mga nangyari sa hardin. Dumilim ang mukha ng Emperador nang marinig nito ang mga nangyari.

Si Lei Fan ay inatake sa hardin ng palasyo at nakita ito mismo ng mga guwardiya at si Lei Chen ay sapilitang pinainom ng hindi matukoy na likido. Ang pangyayaring ito ay tila sampal sa Emperador.

"Magpadala ng tauhan para libutin ang palasyo. Kahit anong mangyari, dapat mahuli ang mga mamamatay tao!" matigas n autos ng Emperador habang nagtatagis ang kaniyang mga bagang.

Sumunod ang mga bating sa utos, nanginginig pa rin sa takot.

Sa mga inilahad ng mga bating, natanto ng Emperador na walang kinalaman si "Qu Ling Yu" sa nangyari at hindi na nagsalita ng kung ano pa sa kaniya. Umupo ang Emperador sa tabi at puno ng pag-aalala na tiningnan si Lei Fan.

Sa kabilang banda, ang titig ni Xiong Bas a kay Jun Wu Xie ay puno ng walang humpay na katanungan. Maliban sa iilang tao, walang nakakaalam na si Jun Wu Xie ang nakikita nilang si Qu Ling Yu.

Ang lahat ng mga sinabi ng bating kanina ay malinaw na narinig ni Xiong Ba. Mukhang wala ngang kinalaman si Jun Wu Xie sa pangyayaring ito. Ngunit sa hindi malamang kadahilanan, hindi maiwasang isipin ni Xiong Ba na ang nangyari kay Lei Fan ay maaaring konektado kay Jun Wu Xie.

Sa lahat ng pagkakataon na maaring malagay sa panganib si Lei Fan, nangyari pa ito kung kailan siya at si Jun Xie ay magkasabay na umalis.

Hindi mapigilan ni Xiong Ba ang kabahan. Pumayag siya na dalhin si Jun Wu Xie sa palasyo dahil lamang sa pakiusap ni Qu Ling Yue at Lei Chen ngunit ayaw niyang malaman ng Emperador na ang pangyayaring ito ay maaaring maikonekta sa Thousand Beast City.

Mabuti na lamang at pinaniwalaan ng Emperador ang mga sinabi ng mga bating at hindi na nagtanong pa tungkol dito kung kaya nakahinga ng maluwag si Xiong Ba.

Sa ilalim ng nag-aalalang mata ng Emperador at sa lumuluhang Emperatris, ang manggagamot ng imperyo ay natapos na sa unang pagsusuri sa karamdaman ni Lei Fan at ang resulta ay higit na ikinagulat ng Emperador at Emperatris.

"Kamahalan, ang ikaapat na Prinsipe ay pinainom ng Blood of Kin."

Related Books

Popular novel hashtag