Ang lingid sa kaalaman ng lahat ay kung sino sa Immortals' Loft ang pakay ng Imperial Guards!
Ang mas nakakagulat pa doon ay ang pagpapakita ng Commander ng Imperial Guards na si Yuan Biao!
Dahil sa presensiya nito, naisip ng mga tao na malala ang sitwasyon.
"Ayon sa Mahal na Emperor, ang disipulo ng Zephyr Academy na si Jun Xie, ay sinaktan ang Fourth Prince sa Imperial Garden kagabi. Kaya naman kaming Imperial Guard Army ay nakatanggap ng utos na magpunta dito at arestuhin ang salarin!"
Tumalon pababa ng kabayo si Yuan Biao para basahin ang Imperial Edict. Ang laman noon awy walang iba kundi ang pagtuturo kay Jun Xie na di umano'y pinagtangkaang patayin si Lei Fan!
Sa oras na iyon ay gulat na gulat ang mga taong nakikiusyuso.
Ang Fourth Prince ang paboritong prinsipe sa lahat ng prinsipe ng palasyo. Buod pa doon ay labis itong pinoprotektahan ng Empress. Kaya sinong mag-aakalang mayroong malalakas-loob para saktan ang Fourth Prince!
Umingay ang bulong-bulungan ng mga tao.
Si Qiao Chu na nakatayo sa bintana ay malinaw na narinig ang lahat ng sinabi ni Yuan Biao. Nanlalaki ang kaniyang mga mata sa labis na gulat at galit. Pagkatapos ay humarap ito ay Jun Wu Xie.
"Sinaktan mo ba talaga si Lei Fan?"
Totoo ngang kagabi ay lumabas si Jun Wu Xie sa bulwagan pero dahil iyon sa utos ng Emperor. Pagkalabas niya ay nagtungo siya sa Imperial Garden kasama si Lei Fan ngunit mag-isa na lang itong bumalik. Nalaman nila kay Jun Xie mismo na pinababa niya ang bisa ng ginagamit ni Lei Fan na Face Changing Technique at walang ibang magawa si Lei Fan kundi ang takip-mukhang tumakbo paalis.
Umikot ang mga mata ni Jun Wu Xie na para bang nababagot itong sagutin si Qiao Chu, ngunit sa huli ay sumagot pa rin. "Si Little Black ang nagsaboy ng gamot sa kaniya ni hindi ko nga hinawakan kahit isang hibla ng buhok niya."
Kahit na kailangan niya talagang kumuha ng kasagutan sa misteryong naglalaro sa kaniyang isipan, alam niyang kailangan niya pa ring mag-ingat sa pagsasagawa noon.
"Ibig sabihin ay binibigyan ka ng Emperor ng maling paratang?" Nanlalaki pa rin ang mga mata ni Qiao Chu dahil sa labis na pagkagulat. Nangyayari nanaman ulit! Pang-ilang ulit na ba 'tong nangyari?! Talaga nga sigurong hindi sila magkasundo ni Jun Wu Xie!
Nagsalita si Jun Wu Xie: "Ang sinabing iyon ay naglalaman ng magkahalong katotohanan at kasinungalingan. Pero malinis nila iyong namanipula at ibinunton saakin ang lahat ng sisi."
Lahat ng nasa bulwagan kagabi ay alam na nagtungo siya sa Imperial Garden kasama si Lei Fan at alam din nilang hindi na kasamang bumalik ni Jun Xie si Lei Fan. Inanunsyo ni Wen Yu na masama ang pakiramdam ni Lei Fan...kaya naman kung pagtatagpi-tagpiin ang mga pangyayari, magmumukha talagang ginalaw ni Jun Xie si Lei Fan.
"Ang nagbasa ng kasulatang iyon ay ang Commander ng Imperial Guard Army?" Tanong ni Hua Yao at tinignan si Yuan Biao na nakatayo sa harap ng mga tauhan nito.
"Oo." Sagot ni Fei Yan.
"Siya ang lalaking lumapit noon kay Zhao Xun. Nung araw na iyon sa eskenita, siya ang lalaking gustong pumatay saakin nung magpanggap akong si Zhao Xun." Saad ni Hua Yao, magkasalubong ang mga kilay. Malinaw pa sa alaala nito ang mukhang iyon ni Yuan Biao.
"Gaya nga ng inaasahan, ang lahat ng ito ay plano na ng Emperor." Mapaklang tawa ni Fei Yan.
"Sa ngayon, mukhang pursigido nga ang Emperor na kunin si Little Xie. Inutusan niya pa ang Imperial Guard Army para dito. Sa nakikita ko, kailangan nating labanan ang Imperial Decree." Saad ni Fan Zhuo sabay ngisi. "Base sa nakikita ko, nakikini-kinita ko na ang susunod na mangyayari. Sa oras na kunin si Little Xie dito, papatayin lang siya ng mga ito. Para sa isang singsing, ano kaya ang sikretong nasa likod ng singsing para mabaliw ng ganito ang Emperor ng Fire Country?"
Huminga ng malalim si Fan Zhuo at humarap kay Jun Wu Xie: "Little Xie, kailangan mong umalis dito sa lalong madaling panahon. Hindi ka nila pwedeng makuha. Iba ang sitwasyon ngayon kumpara sa nauna. Sa oras na makuha ka nila, paniguradong kamatayan na ang naghihintay sa'yo."