Chapter 903 - Singsing (2)

"Naaalala niyo ba ang mga nakasulat sa bahay na bato noon?" Tanong ni Jun Wu Xie. Ang kilay nito ay unti-unting nagsasalubong.

Agad na natahimik ang lahat, inaalala ang pangyayari sa bahay na bato. Makalipas ang ilang sandali, si Hua Yao ang unang nakaalala tungkol sa mga nakasulat sa bahay na bato. Sa itsura nito ay agad nitong napagtanto ang lahat.

"Ibig mong sabihin na ang lalaking nakulong sa Heaven's End Cliff ay may kaugnayan sa Fire Country?"

Inalis ni Jun Wu Xie ang singsing sa kaniyang daliri at inabot iyon ay Hua Yao. Sinuri naman iyon ng lahat.

Agad nakita ng grupo ang nakasulat doon na "Fire".

"Naaalala kong...nabanggit ng lalaki na siya ay Emperor ng isang bansa. Huwag mong sabihing...siya ay Emperor ng Fire Country? Dahil siya ay bigla na lang naglaho, kaya ngayon ay ang kasalukuyang Emperor ang nakaupo sa trono?" Nandidilat ang mga mata ni Qiao Chu dahil sa kaniyang naisip. Hindi niya kailanman naisip na ang napulot ni Jun Wu Xie sa Heaven's End Cliff noon ay may kaugnayan sa Fire Country.

"Hindi. Kung bibilangin mo ang panahong bumaba ang lalaking iyon sa Heaven's End Cliff, nasa isang-daang taon na ang nakakalipas. At ang kasalukuyang edad ng Emperor ay hindi tutugma doon." Agad na sagot ni Hua Yao na napapailing.

"Kahit pa may nauna pang Emperor bago sa Emperor ngayon, naroon pa rin ang kaugnayan nito sa Fire Country." Sagot naman ni Fan Zhuo.

Nagsalubong ang mga mata ni Fei Yan, nasa itsura nito ang malalim na pag-iisip tungkol sa mga pangyayari. Matapos ng ilang saglit ay bigla na lang itong bumulalas.

"Naaalala ko na!"

Bakas sa mukha ni Fei Yan ang pagkasabik at masaya niyang sinabi kay Jun Wu Xie: "Inobserbahan ko noon ang Fire Country at nagkaroon ako ng kaalaman tungkol sa mga dating namuno doon. Ang unang Fire Country's Emperor ng bloodline na ito ay ang lolo ng kasalukuyang Emperor. Pero hindi siya ang unang-unang namuno sa Fire Country. Ang una talagang Emperor ay ang nakakatandang kapatid nito ngunit ito ay bigla na lang naglaho. Nagkagulo sa Fire Country noon kaya naman ang lolo ng kasalukuyang Emperor ang naupo sa trono!"

"Base sa pagkakasabi mo, mukhang matagal na panahon na iyang nangyari. Anong koneksyon niyan sa kasalukuyan?" Tanong ni Fan Zhuo pagkatapos ay tumingin kay Jun Wu Xie.

Muling nagsalita si Jun Wu Xie: "Noong isang gabi, nang makaharap ko ang Grand Adviser sa Imperial Garden, saglit lang kaming nagbatian. Ngunit nang mapansin niya ang singsing sa daliri ko, sinabihan niya akong kailangan kong umalis agad ng Fire Country. Ang sabi niya, kapag nagtagal pa daw ako dito, hindi ko daw magugustuhan ang mangyayari at baka ikapahamak ko iyon. Ang una kong naisip ay ang tinutukoy niya ay ang tungkol sa kagustuhan ng Prime Minister na patayin ako. Ngunit naisip kong gusto akong patayin ni Lei Fan dahil nakita ko ang tunay niyang itsura. Pero base sa sinabi ni Wen Yu mapapahamak ako dahil sa singsing na ito."

Halata ngang ang panganib na tinutukoy ni Wen Yu ay hindi tungkol kay kay Lei Fan.

"Nakakapagtaka lang. Kahit pa na sa dating Emperor ang singsing na ito, ano naman ang ibig sabihin nito? Bakit gusto na tayong patayin ng Emperor dahil lang sa singsing na ito? Kung gusto niyang makuha ang singsing, pwede naman niyang hingin hindi ba?" Hindi pa rin naiintindihan ni Qiao Chu ang panganib na maidudulot ng singsing na iyon.

"Tungkol diyan ay hindi ko pa nasisigurado. Pero hindi ko pwedeng balewalain na lang ang mga sinabi ni Wen Yu. Posibleng may alam siya kaya pinaalalahanan niya ako." Saad ni Jun Wu Xie habang sinusuot muli ang singsing. Kahit na alam niya kung saan at kanino nagmula ang singsing na iyon, hindi niya pa rin lubusang naiintindihan kung bakit sinabihan siya ni Wen Yu na umalis agad siya ng Fire Country.

Related Books

Popular novel hashtag