Chapter 90 - UNANG SAMPAL

Ang mga gamot sa panahon ngayon ay malapit ang pagkakahawig sa tradisyonal na chinese medicine na gawa ni Jun Wu Xie sa kaniyang naunang mundo. Kahit na hindi niya kayang gumawa ng western medicine, ang chinese medicine ay madali na lang sa kaniya.

Nanunuod lang ang itim na pusa habang ipinoproseso isa-isa ang mga halamang gamot. Ang lahat ng ito'y pamilyar sa kaniya dahil dati pa man ay nasaksihan niya na ito.

Sa nakalipas na isang dekada, hindi ba't ito naman talaga ang ginagawa ni Jun Wu Xie? Ang magkulong sa isang silid at trabahuin ang napakaraming uri ng halamang gamot?

Sa isang silid naman, malamig na nakatingin si Bai Yun Xian kila Mo Xuan Fei at Mo Qian Yuan habang nagbabatuhan ng matatalim na salita.

Dapit hapon na, mayamaya lamang ay palubog na ang araw. Ang Imperial City ay kumikinang dahil sa bakas ng papalubog na araw at mas lalong nagpaganda sa palasyo.

"Gaano katagal ako maghihintay?" Tumingin si Mo Xuan Fei sa kalangitan at nauubusan na ng pasensya.

Mahigit kalahating araw na silang nag-aantay at wala pa din si Jun Wu Xie. Ang hinala niya pa nga ay para protektahan ito, inutusan ni Mo Qian Yuan ang mga tauhan para itago ito.

"Ubos ang pasensya?Kapatid?" Patuyang inangat ni Mo Qian Yuan ang kaniyang kilay at mapang-asar na nakangiti.

Tinutukoy ni Mo Qian Yuan ang background ni Bai Yun Xian. Hindi niya na din mapigilan ang sarili at nakalimutan niya na ang estado ng Crown Prince.

"Ito ay pamamahay ng Crown Prince, kung saan kayo magmamataas at kung saan din walang hindi makakaalam sa mga galaw niyo. Sana lang wala kayong gagawin na ikakasira ng Qing Yun Clan. Baka lang naman kailangan kong ipaalala." Sagot naman dito ni Mo Xuan Fei.

"Nagtatago sa saya ng babae at nagmamalaki ka pa?" Isang malamig na boses ang narinig nila galing sa kung saan. Kahit na bakas ang pagkabata sa boses nito, ang bawat salita ay may diin at akala mo galing sa nagyeyelong tubig sa lamig ng pagkakabigkas.

Sa labas ng pinto, nakatayo si Jun Wu Xie at nasisinagan ng kahel na kulay ng palubog na araw. Ang kaniyang itsura sa puting roba na suot ay namumukod tangi. Ang itim nitong pusa na nasa balikat ay nakapagpadagdag sa nakakabighaning itsura nito. Sa kaniyang maliit na kamay ay hawak nito ang isang bote ng porcelain. Ang eksenang ito ay parang isang panaginip.

"Wu Xie." Wala sa sariling napatayo si Mo Qian Yuan. Sa ilalim ng malagintong paglubog ng araw ay sadyang napakaganda nito.

Iba rin ang epekto nito kay Mo Xuan Fei. Hindi naman nakaligtas sa paningin ni Bai Yun Xian ang pagkagat nito ng labi.

Pumasok si Jun Wu Xie sa silid at ipinatong ang bote sa mesa pagkatapos ay sunod na kinuha ang itim na pusa sa balikat nito, sabay umupo.

"Ito na ang kabayaran ko." Diretsong tiningnan nito si Bai Yun Xian at hindi man lang sinulyapan si Mo Xuan Fei.

Nagkunot ang noo ni Bai Yun Xian.

Natauhan lamang si Mo Xuan Fei nang makita ang disgusto sa mga mata ni Bai Yun Xian. Nilakasan niya ang kaniyang loob at nagtanong:" Ano ito?"

"Jade Dew pill." sagot naman ni Jun Wu Xie.

"..." Napaawang ang bibig ni Mo Xuan Fei. Ang buong akala niya ay palihim na nag-utos si Mo Qian Yuan para itago si Jun Wu Xie at heto siya pakalat kalat dito. Malakas pa ang loob nitong sabihing ang bote sa lamesa ay bote na naglalaman ng Jade Dew pills!

"Jun Wu Xie, sigurado ka ba sa sinasabi mo? Ito ay Jade Dew pills?" Kahit na patayin siya ngayon, hinding hindi siya maniniwala na kaya niyang gumawa ng Jade Dew pill.

"Masasagot at malalaman yan ni Bai Yun Xian." Hindi na nag-aksaya ng panahon si Jun Wu Xie na magpaliwanag.

Magsasalita sana si Mo Xuan Fei ngunit napigilan siya ng pagtayo ni Bai Yun Xian at kinuha ang boteng nakapatong sa mesa.

"Miss Jun, sinira ng iyong alagang pusa ang gamot ko at binalewala ko ito. Pero itong maglalagay ka ng kung ano sa boteng 'to at sasabihing ito ay Jade Dew pills? Iyan ay isang malaking insulto na sa Qing Yun Clan at hindi ko na ito papalampasin! Matalim na tinitigan nito si Jun Wu Xie.

Related Books

Popular novel hashtag