Bahagyang naningkit ang mata ni Jun Wu Xie, walang bahid ng takot sa kaniyang mga mata. Sa sandaling iyon bago tumarak ang dalawang patalim sa kaniyang katawan, itinaas ni Jun Wu Xie ang kaniyang ulo at sa malamig na boses ay kaniyang sinabi "Sigurado ka?"
Natigagal ang dark robed man. Hindi niya maintindihan kung paanong nagagawa ng bata na maging kalmado pa rin sa ganitong pagkakataon.
At sa parehong sandali na itatarak ang dalawang patalim na tatapos kay Jun Wu Xie, isang matangkad na anyo ang biglang lumitaw sa harapan ni Jun Wu Xie! Ang dalawang patalim na nagliliwanag sa malamlam na ilaw at diretsong itatarak kay Jun Wu Xie ay biglang napahinto ng bagong dating gamit lamang ang dalawang daliri, at hindi na nagawang galawin pa ng isang pulgada!
Nakatitig ang dark robed men sa mabagsik na mukha ng lalaki na bigla na lamang lumitaw. Sigurado silang walang tao sa paligid nang pumasok sila kanina at maging ang bintana ay sarado pa. Saan nagmula ang lalaking ito?
"Ang inyong lingkod ay nahuli ng dating. Young Miss, kailangan ko ba mag-wan ng isang buhay?" nakakahindik ang sulyap ni Ye Sha sa dark robed men sa loob ng silid, sumasalamin sa mata nito ang pagpatay.
"Bukod sa kaniya, paslangin mo ang lahat." itinuro ni Jun Wu Xie ang pinuno ng mga lalaki.
"Masusunod!" mabilis na sagot ni Ye Sha.
Biglang nataranta ang black robed man, nasira ang kaniyang plano sa biglang paglitaw ni Ye Sha. Ngunit mabilis din siyang nakabawi at sinabi: "Patayin silang lahat!"
Sa isang saglit, siyam na dark robed men ang sumunggab kay Ye Sha. Naipuwesto na ni Ye Sha si Jun Wu Xie sa isang ligtas na lugar at kahit anong pag-atake ang gawin ng dark robed men, ay hindi nila magawang makalagpas sa depensa ni Ye Sha upang maisakatuparan ang pagpatay kay Jun Wu Xie, maski malapit man lang kahit isang pulgada.
Nakita ng pinuno ng dark robed men ang dalawang green spirit sa kaniyang mga tauhan na binali ni Ye Sha ang kanilang leeg at isang takot ang bumalot sa kaniyang puso. Ang lahat nang mga lalaking ito ay ang pinakamahuhusay na mersenaryo na pribadong inupahan ng Prime Minister, at lahat sila ay tinipon upang isagawa ang misyon at hindi kailanman dapat matalo maski minsan lang. Ngunit sino ang lalaking ito na bigla nagpakita sa silid?
Sa ilalim ng sunod-sunod na pag-atake ng napakaraming green at blue spirit, tila madali lamang niya itong napipigilan. At ang talagang ikinatatakot niya ay nagawa niyang patayin ang kaniyang mga tauhan sa isang nakakabilib na paraan!
[Gaano kalakas ang taong ito!?]
[Isa ba siyang indigo spirit?]
[Imposible!]
[Hindi lamang isang indigo spirit!]
Ang dark robed man mismo ay nagmamay-ari ng kapangyarihan ng isang indigo spirit. Mula nang kumilos si Ye Sha laban sa kaniyang mga tauhan, ay napagtanto niyang ang kapangyarihan ni Ye Sha ay di hamak na mas mataas sa kaniya at hindi iyon ganoon lang karami.
[Maaari kayang isang Purple Spirit?]
Nagulantang siya sa sarili niyang naisip ngunit wala siyang makita na kahit anong bakas ng spirit power kay Ye Sha.
Nagsimulang mataranta ng dark robed men nang makita niya na isa na naman sa kaniyang mga tauhan ang namatay sa ilalim ni Ye Sha. Nawalan ng pag-asa ang puso niya. Kung magpapatuloy na maging ganito, hindi lamang sila babagsak sa kanilang misyon, silang lahat din ay mamamatay sa lugar na iyon!
Hindi na niya kaya pang tumayo lamang doon!
Ang sulyap ng lalaki ay dumako kung saan naroon si Jun Xie. Naningkit ang kaniyang mga mata at mabilis niyang itinaas ang kaniyang patalim upang umatake kay Jun Xie.
Kahit mawalan pa siya ng ilan pang tauhan, kailangan niya pa ring mapaslang si Jun Xie!
Ang kaniyang indigo spirit ay nagliwanag at ang dark robed man ay handa ng paslangin si Jun Xie gamit ang lahat ng lakas na mayroon siya.
Malakas ang paniniwala niya, na sa oras na matamaan niya si Jun Xie ng isang makapangyarihang lakas mula sa isang indigo spirit katulad niya, ay wala nang pagkakataon na mabubuhay pa ito!
Subalit, habang papalapit siya kay Jun Xie, ang mata ni Jun Xie ay natuon sa kaniya. Sa maamong mukhang iyon, isang malamig na ngisi ang nakita.
Isang kakaibang pakiramdam ang gumapang sa puso ng dark robed man, ngunit kailangan niyang mapatamaan ito at wala na siyang oras na mag-isip pa!
"Ganiyan ka na ba kasabik sa iyong kamatayan?" nakakatakot ang boses na sambit ni Jun Wu Xie.