" At siya ay maghihinganti para sa walang katarungang pagdurusa. Kapag nalaman niya na nais siyang patayin na kaniyang ama, hindi siya magdadalawang isip na unahan ito upang mahuli nang hindi niya nalalaman." Ang mga mata ni Lei Chen ay nagpupuyos sa galit. Ang kaniyang lubos na pagtitiwala kay Jun Xie ay naging daan upang makita niya ang mangyayari sa hinaharap, na kung saan ang taong iyon ay mapapaalis sa trono.
Walang magawa si Wen Yu kundi umiling. Bagama't alam niya na si Jun Xie ay nagtataglay ng pambihirang kakayahan at itinuturing na mala- demonyong halimaw, ngunit siya ay bata pa lamang. Paano siya aasahan na tumindig laban sa pinuno ng bansa?
Pagbalik sa Imperial Palace, ang Emperor ay hind mapakali at nababagabag habang humahakbang ng paikot sa loob ng Imperial Study. Ang black robed man ay bigla na lamang nagpakita sa Imperial Study at nang makita niya ang kabado at takot na itsura ng Emperor, hindi na siy nagsalita.
Lubos ang pagaalala ng Emperor, hindi niya inaakala na ang nagmamay- ari ng Ring of Imperial Fire ay umiiral pa.
Ilang taon na ang lumipas simula nang maipasa ng dating Emperor ang kautusan at ang nakalap ay mananatili sa kamay ni Empress Dowager. Ninais ng Emperor na makuha ang kautusan at pagkatapos ay sisirain niya ito ngunit hindi niya ito magawa dahil naroon ang Empress Dowager at siya ay mayroong sikretong tagabantay na nagtataglay ng kakayahan na wala sa tauhan ng Emperor para ito ay makuha. MInsan na niyang sinubukan nakawin nang palihim ang Imperial Decree ngunit lahat ng kaniyang tauhan ay pinatay sa loob ng palasyo ni Empress Dowager nang walang nakakarinig. Sa mga ipinadalang tauhan ni Emperor, lima sa kanila ay nagtataglay ng blue spirit pugilists!
Bagama't sila ay may kakayahan, ang limang tauhan ay napaslang at hindi na matagpuan ang kanilang katawan. Magmula noon, ang Emperor ay lumayo na lamang mula kay Empress Dowager at iniisip niya na ang nagmamay-ari ng Ring of Imperial Fire ay hindi na magpapakita kailanman.
Subalit nang makita niya ang Ring of Imperial Fire sa kamay ni Jun Xie, napilitan ang Emperor na umalis at hindi bumalik.
Si Jun Xie ay malapit kay Lei Chen at kahit bihira lang magpakita si Empress Dowager sa Imperial Palace, sinusubaybayan niyang mabuti ang kaniyang nkatatandang apo, si Lei Chen, dahil hindi hahayaan ng Emperor na maupo siya sa trono ng Crown Prince ng mahabang panahon.
Nangangamba ang Emperor na kapag nalaman ng Empress Dowager ang patungkol dito, mapapalitan ang nagmamay-ari ng trono ng Fire Country.
Ang mas lalong bumabagabag sa Emperor ay ang Grand Adviser na si Wen Yu at sa tingin niya ay nakita na nito ang Ring of Imperial Fire sa kamay ni Jun Xie. Datapwa't nananatiling balance ang pananaw ni Wen Yu sa alitan sa kapangyarihan, gayunpaman ,siya ay naging Mater ni Lei Chen. Bagaman tinanggal na ni Lei Chen ang ugnayan sa pagitan nila, nangangamba pa rin ang Emperor na maaaring mabanggit ni Wen Yu kay Lei Chen ang patungkol dito, at dito na magtatatapos ang lahat.
Ang tanging magagawa n lamang niya ay kumilos ng mabilis upang maiwasan ang gusot. Kailangan niyang paslangin si Jun Xie sa madaling panahon upang makuha sa kaniya ang Ring of Imperial Fire at matiyak na hindi na ito magdadala sa kaniya ng anumang problema!
Ikaw! May kailangan akong ipagawa sa iyo!" Nakaisip ng plano ang Emperor at tumingin siya sa blacked robed man na nakaluhod sa lupa na ang mata sa makitid na siwang
"Hihintayin ko ang iyong utos Your Majesty."
" Gusto ko…
Sa mga sandaling iyon, may nagaganap na kaguluhan sa Empress Palace.
Nang ihatid si Lei Fan, wala na siyang malay, ngunit ang kaniyang mga kamay ay nakahawak sa kaniyang mukha. Nang makita ng Empress ang kaniyang kalagayan, pinaalis niya ang lahat ng ang mga nandoon at at ang naiwan lamang sa palace ay ang kaniyang makakatulong. Ibinaba niya ang mga kamay ni Lei Fan.
Nadurog ang puso ng Empress sa kaniyang nakita.
Malaki na ang ipinagbago ng itsura ni Lei Fan. Nawala na ang kaniyang kakisigan at ang lalaking nakahiga ngayon sa kama, kahit saan anggulo tingnan ay kamukhang kamukha niya ang Empress.
Inutusan ng Empress ang kaniyang mga tauhan upang suriin ang kalagayan ni Lei Fan.
Dalawang oras ang nakalipas nang gumising na nahihilo si Lei Fan.
At ang una niyang sinabi nang magising ay…
Ina! Nais kong mamatay si Jun Xie! Gusto ko siyang mamatay! Nakita niya ang mukha ko! Ang tototo kong mukha!