Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 887 - Piging Sa Palasyo (6)

Chapter 887 - Piging Sa Palasyo (6)

Ang ikatlong paraan ang mas nagtatagal kaysa sa una at hindi ito ganoon kadali mapansin ang pagkakaiba. Kumpara sa ikalawang paraan, hindi ito ganoon kasakit.

Lihim na inobserbahan ni Jun Wu Xie ang mukha ni Lei Fan at wala siyang napansin na may inilagay sa kaniyang panlabas at walang anumang marka na nagpapakitang ito ay sumailalim sa operasyon. Kaniyang napagtanto na maaaring ginamit ni Lei Fan ang ikatlong paraan upang maiba ang hitsura nito.

Ang Bone Shifting Technique ay isang abilidad na nagagawa lamang ng Bone Shifters Tribe na mula sa Middle Realm at ang pagbabalatkayo ni Lei Fan ay maaaring nakamit dahil sa epekto ng mga droga at gamot.

At isang plano ang kumislap sa kaniyang mga mata habang patuloys si Lei Fan sa pagsasalita upang makuha ang atensiyon ni Jun Xie.

Ginagawa niya ang lahat upang makapag-usap sila ni Jun Xie, hindi napansin ni Lei Fan na isang ihip ng itim na usok ang nabuo sa tabi ni Jun Xie at tahimik na naging isang itim na pusa. Tahimik na hinulog ni Jun Wu Xie ang isang bote ng gamot mula sa manggas ng kaniyang damit at ang pusang itim ay mabilis na niludag iyon at pinulupot ang buntot sa palibot ng bote bago ito bumagsak sa lupa.

"Bakit labis ang interes sa akin ng Fourth Prince?" isang bihirang tugon ang binigay ni Jun Wu Xie kay Lei Fan at mabilis itong sinagot ni Lei Fan: "Dahil sa ako ay komportable sa iyo! Matapos ang ilang taon ng pagiging punong-abala ng Spirit Battle Tournament, tanging ikaw lamang ang kasing-edad ko. Idagdag pa na ikaw ay may pambihirang kakayahan kaya naman mas lalo akong humahanga sa iyo."

Napataas ang kilay ni Jun Wu Xie at sumagot: "Kung tama ang aking pagkakatanda, ikaw Kamahalan ay nagdiwang ng iyong ikalabing-anim na kaarawan noong nakaraang taon. Kung tungkol sa pagkakapareho ng edad, sa aking palagay Kamahalan ang iba ay mas malapit sa iyong edad."

Napalis ang ngiti sa mukha ni Lei Fan at bigla ay natuliro siya sa sagot ni Jun Xie.

Sasagot na sana si Lei Fan nang isang itim na anino ang biglang lumundag sa kaniyang harapan. Bago pa niya makita kung ano iyon, ay isang likido ang sumaboy sa kaniyang buong mukha!

Sa gabi ng taglamig at ang ginaw na nararamdaman niya sa kaniyang mukha, hindi mapigilan ni Lei Fan na manginig.

"Letse! Ano iyon!?" pinunasan ni Lei Fan ang likido sa kaniyang mukha, galit niyang hinanap kung nasaan na ang anino.

Biglang huminto si Jun Wu Xie sa kaniyang paglalakad at mariing napatitig sa mukha ni Lei Fan.

"Bakit ganiyan ang iyong tingin sa akin Jun Xie?Mayroon bang dumi sa aking mukha?" tanong ni Lei Fan kay Jun Xie habang sinasalat ang kaniyang mukha. Yumuko siya upang sipatin ang likido na nasa kaniyang kamay at nakita niya na iyon ay halintulad sa isang malinaw na tubig. Inisip niyang tubig lamang iyon at hindi na binigyang pansin pa iyon.

"Ang bagay na iyon marahil ay isang pusa o aso na nagtatago dito sa Imperial Garden. Ang mga babae sa Back Chambers ay nakahiligan na kupkupin sila para gawing alaga at dahil hindi pa natutunaw ang mga niyebe, ang hayop na iyon marahil ay nabasa dahil sa niyebe at tumalsik mula sa kanilang katawan patungo sa aking mukha." nakangiting sabi ni Lei Fan, hindi na niya ito inisip pa.

Ngunit si Jun Wu Xie ay biglang nagsalita: "Iyong Kamahalan, ang iyong mukha…"

"Ang aking mukha? Anong mali sa aking mukha?" hindi pa batid ni Lei Fan kung anong nangyayari at nakangiti pa siyang nagtanong. Ngunit makalipas ang ilang sandali, hindi na niya magawang ngumiti pa. Sinuri ng kaniyang mga kamay ang mukha at bigla ay naramdaman niya na ang balat sa kaniyang mukha ay nagbabago at ang mga buto sa kaniyang mukha ay parang may puwersang humahatak dito, na naging dahilan upang makarmdam siya ng hindi mapantayang sakit sa kaniyang buong katawan!

"Argh!!" biglang bumagsak sa lupa si Lei Fan, tinakpan ng mga kamay ang kaniyang mukha habang sumisigaw ito sa sobrang sakit. At sa ilalim ng matindi at nakakayanig na sakit, isang takot ang umusbong sa kaniyang puso.

Ang sakit na iyon ay pamilyar na ngayon sa kaniya. Nararamdaman niya iyon isang beses sa isang buwan at walang ibang nakakaalam tungkol doon kundi siya lamang at kung ano ang resulta ng matinding sakit na iyon!