Marahang tumango si Jun Wu Xie kay Lei Chen, bagama't walang ngiti sa kaniyang mukha, masasabi pa rin naman na isa iyong tanda ng paggalang.
Ang sagot ni Jun Wu Xie ay nagdagdag ng galit kay Lei Fan. Nilabanan niya ang nagwawalang galit sa kaniyang puso, pinanatili niya ang ngiti sa kaniyang labi.
Kung hindi lang dahil sa hindi inaasahang aksidente sa insidente ni Qu Ling Yue, malamang si Jun Wu Xie ay nasa kaniyang tabi, at mawawalan ng pagkakataon si Lei Chen na ipakita ang kaniyang pakikipagkaibigan doon.
Ang poot na kaniyang nararamdaman ay napakatindi na nais niyang sipain si Lei Chen upang makalimutan ito ngunit napilitan siyang panatilihin ang inosenteng ngiti sa kaniyang mukha at halos masuka na si Lei Fan sa pagpapanatili nito.
Sa wakas matapos ang saglit na paghihintay, ang Emperor ay nakita na marahang naglalakad papasok sa piging. Ang mahabang roba nito na may matingkad na kulay ng dilaw ay napalamutian ng gintong dragon na may limang kuko sinamahan din ito ng isang makintab na kapa na kita ng lahat habang ito ay marahang naglalakad patungo sa kaniyang trono.
"Sa aking mga bisita, ipapaumanhin ninyo kung kayo ay aking pinaghintay. Ang Spirit Battle ngayong taon ay sadyang kagila-gilalas at bagama't hindi ako sinuwerteng mapanood lahat ang mga naggagalingan at talentadong mga kabataan sa paligsahan, kahit paano ay nakarating sa akin ang tungkol doon sa Imperial Palace. Ngayong gabi, inimbitahan ko kayong lahat dito upang kayo ay aking batiin at hiling ko para sa inyo ang panalong tagumpay at pagkilala, magkamit ng sarili niyong lugar sa buong lupain!" saad ng Emperor na may maamong ngiti at itinaas ang kaniyang kopita.
"Salamat Your Majesty!"
Ang sampung kabataan ay sabay-sabay na tumayo at ininom ang alak sa kanilang kopita.
"Maupo kayong lahat. Hindi ninyo kailangan pigilan ang inyong mga sarili dito ngayong gabi." Tumatawang sabi ng Emperor, palihim na tumingin sa direksyon ng anim na taong mula sa Zpehyr Academy, isa-isa niya itong binista at nakita na lamang niya ang kaniyang sarili na nagulat.
Bagama't kaniya ng nakita ang larawan ni Jun Xie at ng iba pa, at alam niyang lima sa anim na iyon ay nagmamay-ari ng kaakit-akit na hitsura at pagmumukha, ng nadiskubre na ang mga nilalang na nakikita niya ngayon ay isang milyong beses na mas kaakit-akit kumpara sa mga nasa larawan.
At silang anim ay nagtataglay ng tanyag na presensiya at sa isang tingin lamang kaniyang napagtanto, ang mga kabataang iyon ay iilanlang sa pambihirang taas sa mga darating na araw!
Nang maisip niya na ang anim na kakaiba at kapuri-puring mga kabataan na ito ay nakuha ni Lei Chen, naramdaman ng Emperor ang hindi maipaliwanag na paninikip ng kaniyang dibdib, at kung sakali man na ang taong kinaibigan ng mga kabataan na ito ay si Lei Fan, siguradong hindi mapantayang tuwa ang mararamdaman niya.
Kakaupo pa lamang ni Fei Yan nang bumaling ang katawan niya upang makalapit kay Jun Wu Xie.
"Ang Fourth Prince na si Lei Fan ba ang katabi ni Lei Chen?"
Bahagyang tumango si Jun Wu Xie. Dalawang beses nang lumapit sa kaniya si Lei Fan at sa parehong pagkakataon ay wala sa paligid ang kaniyang mga kasama.
"Sa gayon, mas lalong kakatwa ang mga bagay-bagay." Namutawi ang isang ngiti na may pag-aalala sa labi ni Fei Yan.
"Ano?" mahina ang boses na tanong ni Jun Wu Xie.
"Alam mo bang nagsagawa ako ng imbestigasyon upang makakalap pa ng mga impormasyon tungko sa Yan Country? Nagkataon na nakita ko ang larawan ng kerida na napaboran noon ng Emperor. Nakita ko at masasabi kong kaakit-akit ang babaeng iyon. Ayon sa sinabi sa atin ni Lei Chen noon, si Lei Fan ay hindi isinilang ng babaeng iyon. Ngunit... ang hitsura at mukha ni Lei Fan ay katulad ng babae na nakita ko sa larawan." bigla ay naging interesante kay Lei Chen ang kaniyang nadiskubre.
Isang bastardong anak ng Empress at isang mataas na opisyal na kawangis ng babaeng pinaboran at minahal ng Emperor? Ano ang tunay na nangyayari dito?
Naningkit ang mata ni Jun Wu Xie. Nang makasalamuha niya si Lei Chen noon ay hindi na niya nabigyang-pansin ang hitsura ni Lei Fan.
"Hindi nakapagtataka kung bakit sobrang mahal ng Emperor ang Fourth Prince. Ang magkaroon ng mukhang katulad niyan, ay patuloy na makapagpapaalala sa Emperor ng babaeng minahal niya at siguradong pauulanan ng Emperor si Lei Fan ng walang hanggan na pagmamahal at pag-iingat tama ba?" lihim na tumawa sa kaniyang sarili si Fei Yan.
"Face Changing Technique?" marahang sabi ni Jun Wu Xie.
"Maaari bang lutasin iyan?" tanong ni Fei Yan na labis ang galak.
"Kailangan ko malaman ang mga paraan na ginawa." minabuti ni Jun Wu Xie na hindi muna iyon sabihin na katunayan. Maraming paraan upang isagawa ang Face Changing Technique sa mundo at upang mailantad ito, kailangan munang malaman ang paraang ginamit.
Napansin ni Lei Fan na nataingin sa gawi niya si Jun Xie at iyon ay ikinabigla niya, bumakas sa kaniyang ang isang malaking ngiti. Binuhat niya ang kaniyang kopita at itinaas iyon sa direksiyon kung nasaan si Jun Xie at sinabi: "Ako ay nahihiya dahil sa uri ng tingin Jun Xie sa akin. Isang bihirang pagkakataon para sa atin na makasama siyang nagsasaya sa iisang lugar, umaasa akong mapagbibigyan ni Jun Xie."