Samantalang si Jun Wu Xie ay hindi man lang natakot ni katiting at kalmado pa niyang nilingon si Feng Yue Yang.
"Senior Feng, maaari mo na ulit tingnan ang pulso niya."
Patuloy na pinandilatan ni Xiong Ba si Jun Wu Xie, hindi niya alam kung anong plano nito.
Bahagyang sumimangot si Feng Yue Yang at saglit na natigilan bago marahang naglakad patungo sa gilid ng higaan ni Qu Ling Yue at kinuha ang kamay upang muling tingnan ang pulso nito.
"Kung ang aming Young Miss ay mapahamak, kahit isang munting bat aka lamang ay pagbabayarin kita!" galit na pinandilatan ni Xiong Ba si Jun Wu Xie, ang mata niya ay nag-aapoy sa matinding galit.
Ngunit ang nag-aapoy sag alit na tingin na iyon ay hindi nagpatinag ni kaunti kay Jun Wu Xie at sa malamig na boses ay sumagot siya: "Hindi ka magkakaroon ng pagkakataon na gawin yan."
"Hall Chief Xiong! Ang batang yan ay may lakas ng loob na gumawa ng aksyon kay Miss Qu sa harap ng iyong mga mata! Sinong nakakaalam kung ano ang tunay na intensyon niya! ?" galit na humakbang paharap si Imperial Physician Li, palihim siyang nagnakaw ng tingin kay Lei Chen. "Sa araw na iyon, ang batang iyan ay naging arogante at walang galang! Nakipagtalo tayo sa kaniya nang matagal ngunit dahil sa kagustuhan ng Kamahalan, ang Crown Prince ay hinayaan natin na gamutin niya si Miss Qu, tayo na isang hamak na mga manggagamot lamang ay walang kapangyarihan upang tumanggi. Narinig ko noon ang sinabi nang Kamahalan, ang Crown Prince. Itong tinatawag na Miss Jun, ay ang Young Miss ng Qi Kingdom's Lin Palace, na si Jun Wu Xie. At alam ng buong mundo, ang Lin Palace ay hindi kilala sa kanilang kakayahan sa panggagamot, kaya ang intensiyon ni Young Miss Jun ay talagang nakakaduda! Walang kasiguraduhan na hindi siya gagawa ng kahit ano upang mapahamak si Miss Qu."
Saglit na nagulat si Xiong Ba at may pagtatanong na tumingin kay Jun Wu Xie.
"Ikaw ay mula sa Lin Palace?"
Itinaas ni Jun Wu Xie ang kaniyang kilay upang sagutin ang tanong.
"Ang Lin Palace at Thousand Beast City ay walang pakialam sa kani-kaniyang buhay noon pa man at wala silang koneksyon sa bawat isa. Ngunit kung nandito ka upang gumawa ng gulo, kahit sa daang libong malakas na Rui Lin Army ng Lin Palace, ang kawan ng Thousand Beast City na Spirit Beast ay hindi ito palalagpasin!" sabi ni Xioang Ba sa nangangalit na ngipin.
Isang tuso at malisosyong ngiti ang lihim na lumabas sa mukha ni Imperial Physician Li.
Ngunit tulad ng inaasam ni Imperial Physician Li na makita ang matinding galit ni Xiong Ba na mas lalong sumidhi at sumabog matapos malaman ang tunay na pagkakakilanlan ni Jun Wu Xie, isang gulat na boses ang pumailanlang!
"Paano nangyari ito! ?" ang boses ni Feng Yue Yang ay umalingawngaw sa tainga ng lahat na nasa loob ng silid.
Lahat ng mata ay natuon kay Feng Yue Yang. Hindi na ninais ni Xiong Ba na ituloy ang pakikipagtalo kay Jun Wu Xie at mabilis siyang lumingo ng may pag-aalala.
Nakita niya ang kamay ni Feng Yue Yang na nasa pulsuhan pa rin ni Qu Ling Yue at bakas sa matanda at tuyot na mukha ay isang ekspresyon ng hindi makapaniwala at gulat. Nanlaki ang kaniyang mata at ang bibig niya ay lumaylay na para bang may gumulat dito.
Nang makita ni Imperial Physician Li ang reaksyon ni Feng Yue Yang, ay nagalak ang kaniyang puso, nakakauyam na tingin na nilingon niya si Jun Wu Xie na nakabiting hawak pa rin ni XIong Ba.
Isang matinding galit ang sumabog sa dibdib ni Xiong Ba. Nanlilisik ang mata at sumigaw sa malaki niyang boses: "Anong ginawa mo sa aming Young Miss! ? Kung may mangyari sa aming Young Miss ngayon ako ay…"
"Hall Chief Xiong!" malakas na sigaw ni Feng Yue Yang.
Mabilis niyang isinantabi ang gulat sa kaniyang puso at madaling lumapit sa tabi ni Xiong Ba upang sabihin: "Hall Chief Xiong! Ibaba mo ngayon din si Miss Jun! Paanong naging mayabang ka! ?" Ang boses niya ay puno ng paalala.
Natahimik si Xiong Ba. Lumingon siya kay Feng Yue Yang, bakas sa mukha na naguguluhan at pagkalito, hindi maintindihan kung bakit naghahayag si Feng Yue Yang sa pangngalan ni Jun Wu Xie.
"Senior Feng! Ano bang pinagsasabi mo! ?"
"Ibaba mo ngayon din si Young Miss Jun!" mariing ulit ni Feng Yue Yang.
"Pero… pero…" walang masabi si Xiong Ba.
Napalitan ng galit ang mukha ni Feng Yue Yang at sinabi: "Kailan mo babaguhin ang pag-uugali mong iyan!? Anumang bagay ay dinadaan mo sa dahas sa umpisa pa lamang. Walang duda kung bakit iginiit ng Chieftain na sumama sa iyo si Qing Yu. Ang ugali mong iyan ang magpapahamak sa atin isang araw!"