Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 864 - Mga Bisita mula sa Beast City (3)

Chapter 864 - Mga Bisita mula sa Beast City (3)

Handa na siyang papasukin ang mga bisita nang may dumating na pamilyar na karwahe na tumigil sa harap ng mga pinto.

Bumaba si Lei Chen sa karwahe at ang anyo ni Jun Wu Xie ang nagpakita sa mga tao. Ang mga kabataan mula sa Thousand Beast City, nang makita si Jun Wu Xie, ay natulala.

"Mahal na Prinsipe…" Napatitig si Jiang Ying Long kay Lei Chen ba biglaan ang pagdating. Nang mapatingin siya kay Jun Wu Xie, kumunot ang kanyang noo at siya'y napasimangot. 

"Gurong Jiang." Tumango si Lei Chen kay Jiang Ying Long. Napansin rin niya na ang karwaheng pagmamay-ari ng Thousand Beast City na nakaparada sa tabi at tinignan ang mga pinto kung saan nakatayo ang mataas na anyo ni Xiong Ba.

"Ito ba ang Hall Chief ng Thousand Beast City, Xiong Ba ng Razing Blaze Hall?" Tinanong ni Lei Chan ng nagulat.

Maaaring magagalitin si Xiong Ba, ngunit hindi siya hangal. Nang marinig ang pagbati ni Jiang Ying Long sa mga dumating bilang "Mahal na Prinsipe," nakilala niya ang pagkatao ng mga dumating. Ngunit dahil nasaktan si Qu Ling Yue sa pangulong bayan ng Bayan ng Yan, hindi handang magpakita ng paggalang si Xiong Ba kay Lei Chen.

"Ako si." Mabilis na sinagot ni Xiong Ba.

"Malayo ang biniyahe ni Hall Chief Xiong at isa siyang mahalagang bisita ng Bayan ng Yan. Sa tingin ko, nagbabakasakali si Hall Chief Xiong na tignan ang kondisyon ni Ling Yue. Nagpunta ako rito nang may parehas na hangarin kay Hall Chief Xiong, kaya sabay na tayong tumuloy sa loob." Sinabi ni Lei Chan ng nakangiti, ang kanyang asal mahinhin at maginoo, ang kanyang ngiti, hindi magpapasama ng koob ng sinuman.

Nagaatubili lang si Xiong Ba na pumasok at makita si Qu Ling Yue kaya't tumango nalang siya. 

Ang mahabang mukha ni Jiang Ying Long ay napasimangot habang nakatingin kay Jun Wu Xie na nasa likod ni Lei Chen. Parang may sasabihin siya ngunit nagpasya nalang na tumahimik, at tumalikod nalang para papasukin ang mga bisita papunta sa kwarto ni Qu Ling Yue. 

Sa pagkakataong iyon sa kwarto ni Qu Ling Yue, ang Imperyal na Manggagamot na si Li ay nakaupo kasama ang iba pang manggagamot at nag-uusap. Mukhang may sasabihin siyang nakakaintriga ngunit biglang humalakhak ang mga kasama niyang manggagamot. Wala sa kanilang nakapansin na binuksan na ang mga pinto ng kwarto at patuloy lang sila sa pag-uusap.

"Ito ang mga manggagamot na tinipon ng Yan para sa aming Binibini?" Pag-pasok ni Xiong Ba na sa kwarto, nakita agad niya ang eksena, at agad na nag-init ang kanyang dibdib.

Nanigas ang mukha ni Jiang Ying Long at hindi niya alam kung anong sasabihin niya. Hindi niya inakalang ito ang dadatnan ni Xiong Ba pagpasok nila.

Kausap ni Li ang iba nang mapansin si Xiong Ba at ang mga kasama niya. Hindi na niya pinansin ang tingin sa kanila nila Xiong Ba nang ang mga mata niya'y maglakbay papunta kay Jun Wu Xie. Napatalon siya at nangitim ang kanyang mukha: "Ano nanaman ang ginagawa ng ignorante at mayabang na babaeng ito dito? Hindi ka pa ba kontento sa mga ginawa mo dito?!"

Nagtaas ng kilay si Jun Wu Xie at tumingin kay Li.

Magsasalita pa sana si Li nang biglang sumabog si Xiong Ba!

"Isang kwarto na puno ng mga manggagamot at may lakas pa kayo ng loob na pabayaan ang aming Binibini at magkwentuhan lang?! Ano'ng nangyayari dito?!" Sinigaw ni Xiong Ba, ang kanyang tingin, nag-iinit kay Li.

Nang masigawan natauhan si Li at nakita na maliban kay Lei Chen at Jun Wu Xie, may iba pa silang kasama.

Ang mga kabataang nakasunod kayla Xiong Ba ay nagtaas ng kilay sa sitwasyon ngunit hindi sumabog tulad ni Xiong Ba. Agad siyang pumunta sa kama at tinignan ang namumutlang Qu Ling Yue na nakahiga.

"Binibini! Ano'ng nangyari?" Lubha ang kalungkutang makikita sa mukha ng kabataang nakatingin kay Qu Ling Yue na walang malay at hindi sumasagot sa kanyang mga tawag.