"Sabi ko nga." Tumawa si Jun Wu Xie.
"Nagmamakaawa ako! Sumusunod lang kami sa utos!" Lumuhod ang tagabilanggo, hindi na pinansin ang kanyanng mga sugat.
"Ngumanga ka." Sinabi ni Jun Wu Xie.
Nagulat ang tagabilanggo at tumigil bago umungol ang itim na halimaw, na nagpanganga sa tagabilanggo. Hinitsahan ni Jun Wu Xie ng elixir ang bibig nito at napalunok ang tagabilanggo sa gulat.
"Buksan mo ang bibig niya." Tinignan ni Jun Wu Xie ang tagabilanggong walang malay sa sahig. Agad na binuksan nito ang bibig ng kanyang kasama, at naghitsa rin si Jun Xie ng elixir dito.
"Kung nais mo pang mabuhay, ingatan mo na manatiling nakatikom ang bibig mo. Matapos ang dalawang araw, bibigay ko sa inyo ang lunas." Sinabi ni Jun Wu Xie.
Tumango ang tagabilanggo.
"Layas."
Agad na hinila ng tagabilanggo ang kanyang kasama at lumabas sa kulungan.
Matapos nilang umalis, tumalon si Qiao Chu mula sa kanyang pinagtataguan.
"Mukhang hindi ko na pala kailangang mag-alala. Wala ka palang problema sa tulad ng mga iyon." Nahiya si Qiao Chu nang maalala kung paano siya muntik magpakita. Kung hindi kaya ni Jun Wu Xie ang dalawang tagabilanggo, may problema na siguro doon.
"Ngunit mapangahas talaga ang Pang-apat na Prinsipe. Bakit ka niya ninais na pahirapan?"
"Nagpunta siya dito kagabi. Sinagot ni Jun Wu Xie.
Naalala ni Qiao Chu, na sinubukan siguro uling sungkuin ng prinsipe si Jun Wu Xie at nakatanggap ito ng isang pagtanggi, at nagalit ito, na dahilan ng nais na pagpapahirap kay Jun Wu Xie.
[Nakakaawa…..]
[Maling tao ang pinili niya!]
"Pag dumating ang mga tao mula sa Thousand Beast City, sabihan mo si Hua na magpalit kami." Sinabi ni Jun Wu Xie kay Qiao Chu.
"Sige." Natututo na si Qiao Chu. Anumang hindi niya maintindihan, hindi na siya magtatanong at susunod nalang.
Tumango si Jun Wu Xie at sumulyap kay Qiao Chu. Alam na ni Qiao Chu ang kanyang gagawin at agad na umalis.
…..
Ang grupo mula sa Thousand Beast City ay pumasok sa Imperial Capital sa susunod na gabi. Nang pumasok ang mga karwaheng mayroong mga bandera ng Thousand Beast City sa pangulong bayan ng Yan, marami ang napatingin.
Ang Thousand Beast City ay hindi nakasailalim sa anumang bansa at nakakatayo sa sarili nito. Bagaman hindi maikukumpara ang lupa nito sa ibang bansa, ang kanilang pwesto ay mahusay. Nakapalibot sa kanila ang maraming bansa, ngunit hindi sila inaabuso ng mga nakapaligid sa kanula. Ang rason ay dahil mayroon silang dalawang purple spirits na mayroong pinakamalakas na kapangyarihan, at kasama na rin dito ang kakaibang kakayahang mayroon ang Thousand Beast City.
Nakalugar ang Thousand Beast City sa tuktok ng isang bundok na napapalibutan ng makapal na gubat. Mula sa baba hanggang tuktok ng bundok, mayroong mga Spirit Beast. Hindi sila aatake sa sinumang taga-Thousand Beast City dahil ang pinuno nila ay mayroong Spirit Tamer Bone Flute. Maraming sabi-sabing kaya ng bone flute na gamitin ang lakas ng mga Spirit Beast at gawing alipin ang libo-libong Spirit Beasts. At ito ang naging paraan ng pagtaas ng reputasyon ng Thousand Beast City.
Kahit ang pinakamakapangyarihang bansa ng Yan ay walang balak na guluhin ang Thousand Beast City. Bagaman maliit na lungsod lang sila, ang numero ng mga Beast Spirit ang nagsisilbing kalasag ng Thousand Beast City. Matatalo ang mga sundalo, ngunit ang bilang nga mga Spirit Beasts ay masyadong marami at habang ang Beast Tamer Bone Flute ay nananatili sa Thousand Beast City, walang maglalakas ng loob na lumaban sa kanila.
Hindi malayo ang Thousand Beast City mula sa bansa ng Yan at ang dalawang kapangyarihan ay mayroong maayos na relasyon. Ngunit ang mga tao ng Thousand Beast City ay madalang magpakita at ang paglitaw ng mga karwahe nila ay nagpaalala sa mga tao sa panahong nasaktan ng malala ang Binibini ng Thousand Beast City.