Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 860 - Hindi Inaasahang Pagpapahirap (3)

Chapter 860 - Hindi Inaasahang Pagpapahirap (3)

"Hindi talaga natin alam kung kakayanin ng manipis at mahinang katawan ni Ginoong Jun ang pitompu't dalawang pangkat ng gamit sa pagpapahirap ng ating kulungan. Alam naman ng lahat, na ang sinumang dumaan sa lahat ng gamit dito ay naging lumpo at walang silbi kahit na mabuhay pa sila. Sayang, dahil ang taas ng spirit powers ni Ginoong Jun." Sinabi ng tagabilanggong may hawak sa latigo, habang inaangat ito at pinitik sa tabi ni Jun Wu Xie, ng may malakas na putok sa sahig at nag-iwan ng puting marka sa maduming sahig ng kulungan.

Tinignan lang ng malamig ni Jun Wu Xie ang dalawang tagabilanggo na nakatayong may masamang ekspresyon.

Si Qiao Chu na nanatiling nakatago sa dilim ay nanood. Ang dalawang tagabilanggong ito ay siguradong pahihirapan si Jun Wu Xie!

Hirap si Qiao Chu sa pagpipigil sa sarili niya at magpapakita na para gulpihin ang dalawang hayop nang makita niyang nakatingin si Jun Wu Xie sa direksyon ng kanyang pinagtataguan at umiling.

Umigkas ang puso ni Qiao Chu habang pinipigilan ang galit na nagtatangkang sumabog sa looban niya, habang patuloy na nagtatago sa dilim.

Pinalibutan ng dalawang tagabilanggo si Jun Wu Xie, pinagiisipan kung saan magandang ihampas ang unang latigo. Ang katahimikan ni Jun Wu Xie ay nagpakaba sa kanila dahil ang lahat ng pumasok sa kulungan nila ay sumigaw, nagmakaawa, at umiyak, ngunit ang kabataang ito ay iba. Mula sa unang araw ng kanyang pagkakakulong, hindi siya nagsabi ng kahit isang salita. Magmula ng ikulong, hindi siya nagpakita ng kaba o galit.

Sa batang mukhang iyon, nakita lang nila ang parehas na malamig at malayong tingin, ang malungkot na kulungan ay parang wala sa mga mata ng kabataan.

"Ginoong Jun, masasabi niyo ba kung mas marapat na ang unang latigo ay sa hita mo o sa likod mo? Wag kang mag-alala, alam ko kung hanggang saan lang dapat. Hindi ko sasaktan ang iyong mukha. Nakasisigurado akong pagkatapos mong magpalit, walang makakapagsabi na pinahirapan ka." Sinabi ng tagabilanggo ng may masamang tawa.

Tumayo lang si Jun Wu Xie sa kanyang kinaroroonan, hindi kumikibo, ang malamig niyang mga mata ay sumusulyap lang sa dalawang tagabilanggo.

"Sa pagkakataong may gawin kayo sa akin, magsisisi kayo." Ang malamig na boses ni Jun Wu Xie ay umalingawngaw sa kulungan.

Tumigil ng sandali ang dalawang tagabilanggo, at humalakhak sa kulungan.

"Ginoong Jun, nagbibiro ka ba? Kalokohan! Magsisisi?! Huwag mong sabihing hindi kita pinaalalahanan. Alam mo ba kung bakit bago ang mga gapos mo? Ang mga gapos mo ay ginamit na sa isang may asul na spirit level. Kahit na mayroon ka nang berde, para makawala sa gapos na iyan, makikita mong wala kang magagawa." Sinabi ng tagabilanggo ng may pagkutya. Para pahirapan ang isang berdeng spirit user, maghahanda sila.

Malakas ang loob nilang magmayabang, dahil naniwala silang hindi makakalaban si Jun Wu Xie sa kanila.

Tinaas ni Jun Wu Xie ang kanyang baba at hindi na tinignan ang dalawang tagabilanggo.

Tinaas ng tagabilanggong may hawak na latigo ang kanyang kamay, at sa susunod na sandali, ang dulo ng latigo ay pumito sa hangin at pumunta sa likod ni Jun Wu Xie!

Naramdaman ni Qiao Chu na nakatago sa mga anino ang pag-akyat ng kanyang puso sa kanyang lalamunan habang nakasarado ang kamao para pigilan ang paglabas.

Ngunit, sa sandali bago siya lumabas, may malaking anino na lumitaw sa kulungan. Isang malaking halimaw, at sa pagkakataong iyon, nahuli ng bibig nito ang latigo na papunta sa likod ni Jun Wu Xie!

Ang biglaang paglitaw ng itim na halimaw ay nagpatigil sa dalawang tagabilanggo at ang may hawak sa latigo ay hindi nabigyan ng pagkakataong lumaban sa halimaw na binato at hinampas siya sa dingding!