Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 858 - Hindi Inaasahang Pagpapahirap (1)

Chapter 858 - Hindi Inaasahang Pagpapahirap (1)

Ikalawang gabi nang tumakas papasok sila Qiao Chu para makipag-usap kay Jun Wu Xie.

"Mukhang natutuwa ka dito ah? Magulo sa labas, akala mo sasabog ang lahat. Samantalang ikaw, heto at kalmado." Kalmadong nakaupo si Jun Wu Xie sa kaniyang kulungan habang hinahaplos ang itim nitong pusa.

Tumingin si Jun Wu Xie kay Qiao Chu: "Kamusta sa labas?" 

"Matapos mong tingnan si Qu Ling Yue kasama si Lei Chen, patuloy nang bumuti ang kalagayan ni Qu Ling Yue. Pero kaninang umaga, biglang bumagsak ulit ang kaniyang katawan at lumala ang pinsala sa kaniyang katawan. Nagsusuka pa rin siya ng dugo at halos mabaliw ang mga duktor. Si Imperial Physician Li ay ipinagkakalat na mayroong nagpunta doon na Young Miss at nagngangalang Jun. Sabi niya ay dahil daw dito kaya lumala si Qu Ling Yue. Maging si Lei Chen ay hindi nakaligtas. Walang magawa si Jiang Ying Long, kaya naman noong bumisita ang Crown Prince ay hindi na ito pinapasok sa War Banner Academy. Mukhang ang ginawa mo kahapon ay hindi lang binigo ang mga taga-War Banner Academy, lahat sila ay kinamumuhian si Lei Chen." Kwento ni Qiao Chu. Si Fei Yan na nagtungo roon ay nakita ng personal ang sitwasyon doon ngayon.

Si Lei Chen ay hindi pinapasok sa pinto. Minura-mura siya ni Imperial Physician Li sa labas ng pintuan ni Qu Ling Yue. Kung ano ang surpresang ibinigay ni Jun Wu Xie doon kahapon, napalitan iyon ng pagmumura at pagsumpa.

"Gaya ng inaasahan." Napangisi si Jun Wu Xie.

Naguluhan namang tumingin si Qiao Chu sa reaksyon ni Jun Wu Xie. "Alam mong mangyayari ito?"

Marahang sumagot si Jun Wu Xie: "Hindi ako sigurado noong una. Pero ngayon, siguradong-sigurado na ako."

"Pero kalmado ka pa rin? Kumpiyansa ka ba sa mga pinsalang ni Qu Ling Yue? Ngayon lang ako nakakita ng pasyenteng dumaan sa kamay mo na lumala ang kondisyon." Nagkakamot-ulong tanong ni Qiao Chu.

Sa kakayahan at galing ni Jun Wu Xie sa Medesina, malaki ang kaniyang tiwala. Ngunit ang nangyari kay Qu Ling Yue ay nakita mismo ni Fei Yan.

"Sabi nga nila, 'mayroon laging unang karanasan sa buhay', wala iyon." Hindi nagpapakita ng gaanong reaksyon ni Jun Wu Xie.

Nagpatuloy si Qiao Chu magsalita: "Bukas daw ng gabi darating ang mga taga-Thousand Beast City sa Yan Country's Imperial Capital. Sa oras na iyon, kapag nakita nilang nakikipag-agaw buhay pa rin si Qu Ling Yue, baka sugurin ka nila dito at sa'yo ibunton ang lahat ng sisi. Hindi ka ba maghahanda?"

Umiling si Jun Wu Xie.

"Wala na silang oras para puntahan pa ako."

Natigilan si Qiao Chu, hindi niya maintindihan ang sinasabi ni Jun Wu Xie.

"Alam ko namang kinukulang ka sa ideya ngayong narito ka, gusto ko lang sabihin sayo na huwag mong hayaan ang sarili mong magdusa dito. Iyon ang mahalaga."

"Mayroon na akong plano." Marahang sagot ni Jun Wu Xie.

Habang nag-uusap ang dalawa sa kulungan, nakarinig sila ng papalapit na yabag. Agad na tumalon si Qiao Chu palabas at itinago ang sarili sa dilim.

Dalawang guwardiya ang huminto sa kulungan ni Jun Wu Xie. May hawak silang kadena sa kanilang mga kamay habang binubuksan ang kulungan ni Jun Xie.

"Ipinag-utos ng Kamahalan na palitan ang kandado at kadena sa iyo Young Master Jun. Hihilingin naming makisama kayo sa amin." Nakangiti ang guwardiya kay Jun Xie.

Ang kakayahan ni Jun Wu Xie bilang green spirit user ay isang bagay na hindi kayang labanan ng dalawang guwardiyang ito. Sa ilang araw na pamamalagi ni Jun Wu Xie sa kulungan , ang mga nagbabantay ay hindi siya pinahirapan. Normal ang lahat maging ang paghatid sa kaniya ng pagkain.