Ngayon lang ito nakakita ng ganito ka gandang binibini sa tanang buhay niya. Sa isang tingin lang niya dito ay nawala siya sa sarili at nakalimutan ang tumatakbo sa kaniyang isipan.
"Zi Xu, anong tinitingnan mo diyan?" Napansin ni Lei Chen ang titig ni Zi Xu kay Jun Wu Xie. Kaya naman napilitan na siyang magsalita.
Bumalik sa ulirat si Meng Zi Xu, nang masalubong niya ang mala-kristal na mga mata ni Jun Wu Xie, nag-init ang kaniyang mga pisngi.
"Wa...wala naman, Kamahalan." Yumuko si Meng Zi Xu at kinakalma ang sarili. Si Junior Qu ay nakaratay sa loob at heto siya nagkakainteres sa babae. Para pa siyang maglalaway. Dapat lang siguro siyang sampalin!
"Mmm." Walang panahon si Lei Chen na manatili sa labas at makipagkwentuhan pa kay Meng Zi Xu. Nagpatuloy na siyangmaglakad hanggang sa makarating sila sa labas ng silid ni Qu Ling Yue.
Nagulat ang mga duktor na nasa labas ng silid nang kanilang makita si Lei Chen. Agad silang nagsiyuko.
"Hindi ko napansin ang inyong pagdating, Mahal na Crown Prince. Ipagpaumanhin niyo po." Panghihinging paumanhin ni Jian Ying Long. Isa siya sa mga naatasang magbantay sa War Banner Academy para sa Spirit Battle Tournament."
"Wala iyon, Teacher Jian. Naparito ako para kumusta hin si Qu Ling Yue." Nakangiting sagot ni Lei Chen. Hindi niya personal na kilala si Jiang Ying Long. Wala na si Lei Chen sa War Banner Academy nang pumasok si Jiang Ying Long sa academy.
"Ikinagagalak kong malaman na nag-aalala rin kayo sa sinapit ni Qu Ling Yue." Saad ni Jiang Ying Long. Ngumiti ito saka napansin ang nasa tabi ni Lei Chen na si Jun Wu Xie. "Papasok na ang mga duktor para suriin si Qu Ling Yue, halikayo."
Tumango naman si Lei Chen bilang sagot.
Ilan sa mga duktor na narito ay mga Imperial Physician at kilala sila sa kanilang galing sa Medisina.
Pagkapasok na Pagkapasok ni Jun Wu Xie sa silid ay naamoy na niya ang dugo.
Naamoy niya rin ang mga pamilyar na halamang-gamot. Ngunit mas matapang pa rin ang amoy ng dugo.
Nakahinga lang si Qu Ling Yue at hindi gumagalaw. Walang kulay ang mukha nito at ang natural nitong mapulang labi ay maputla at maberde. Isang gabi pa lang ang nakakalipas at parang namayat na ito.
Mayroong maliit na palanggana sa tabi ng higaan ni Qu Ling Yue, ilang mga panyo na may mantsa ng dugo ang naroon. Ang tubig na naroon ay naging kulay pula na dahil sa dugo at makikita rin ang bakas ng mga na tuyong dugo sa sahig.
Nagsalitan ang mga duktor sa pagsuri kay Qu Ling Yue. Tinignan nila ang pulso nito, pagkatapos ay parang mga nanghihina ang mga itong napailing.
"Kamusta si Qu Ling Yue? Bumuti na ba ang kalagayan niya?" Tanong ni Lei Chen sa mga duktor.
"Kamahalan. malubha ang natamo ni Miss Qu, lahat kami ay pinag-usapan at pinag-aralan na iyon buong gabi ngunit wala pa rin kaming magawang mabisang paraan para gamutin siya. Kapag nagpatuloy pa ito, baka hindi na kayanin ng katawan ni Miss Qu." Pinanghihinaan ng loob na sabi ng isang duktor na naroon.
Nagsalubong ang kilay ni Lei Chen.
Habang nakikipag-usap si Lei Chen sa mga duktor, lumapit si Jun Wu Xie kay Qu Ling Yue at sinuri ito. Napansin niya ang sugat sa likod ng tenga ni Qu Ling Yue. Nakatago iyon sa mga hibla ng buhok nito at kung hindi titignang mabuti ay hindi mo ito mapapansin.