Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 839 - Ang Pang-apat na Prinsipe (6)

Chapter 839 - Ang Pang-apat na Prinsipe (6)

"Mmm." Tumango naman si Jun Wu Xie bilang pagsang-ayon.

Namutla ang mukha ni Lei Chen.

Si Qiao Chu na nanunuod sa isang tabi ay humagalpak ng tawa. Ang batang ito ay napaka-prangka. Nakita niya kung pano takasan ng kulay ang mukha ni Lei Chen.

"Pero, ngayong lumapit sa'yo si Lei Fan, ibig sabihin lang ay balak talagang magpatuloy ng aking Ama. May ipapagawa ka ba sakin?" Tanong ni Lei Chen kay Jun Wu Xie.

"Wala naman." Umiling si Jun Wu Xie.

Hindi na nagtanong pa si Lei Chen at nagpatuloy na lang sa pakikipag-usap kina Qiao Chu bago ito umalis.

Nang umalis na si Lei Chen ay nagpatuloy sila sa kanilang pagkain. Habang ang lahat sa Immortals' Loft ay kalmado, mayroong isa sa Imperial Palace ang hindi kalmado.

"Papa! Iyong Jun Xie na iyon! Sino siya sa inaakala niya? Maayos ko siyang inimbitahan para maging study partner ko pero hindi niya lang ako tinanggihan, binalewala niya pa ako! Di kaya'y nakarinig siya ng balita tungkol sa akin at hindi na ako nagustuhan bilang Fourth Prince?" Nakatayo si Lei Fan sa Imperial Study na parang agrabyadong-agrabyado ito! Ang itsura nito ay parang iiyak anumang oras.

Nang makita naman ito ng Emperor ay parang dinurog ang kaniyang puso. Ang mukha nito ay kamukhang-kamukha ng babaeng pinakamamahal niya. Sinubukan nitong kalmahin ito: "Hindi lang talaga siya karapat-dapat sa'yo. Kahit na ibinaba mo na ang sarili mo sa kaniya, hindi niya alam kung anong nakakabuti sa kaniya. Huwag ka nang malungkot, dahil pinalampas niya ang pagkakataong iyon, hahanap nalang si Papa ng mas magaling na study partner mo."

Biglang nagbago ang itsura ni Lei Fan. Kahit na galit siya kay Jun Xie, hanga pa rin siya sa lakas nito. May inutusan na siyang mag-imbestiga sa Zephyr Academy, at nalaman niyang anim lang ang disipulong kasali sa tournament at ang bawat isa sa kanila ay di makakailang magagaling at pambihira!

Sa kanilang lahat, si Jun Xie ang pinaka may potensyal. Bukod sa spirit power level nitong green spirit, napagtanto ni Lei Fan na si Jun Xie ay disipulo ng Spirit Healer Faculty. Dahil sa katotohanang alam ni Jun Xie ang Spirit Healing Technique, hindi madali kay Lei Fan na basta na lang pakawalan si Jun Xie.

"Papa baka nakarinig siya ng hindi maganda tungkol saakin. Kahit na nasaktan ako at nalungkot, hindi pa rin non mabubura ang katotohanang namumukod-tangi ang kaniyang talento. Ang ganong klaseng tao ay dapat pahalagahan ng Yan Country. Huwag kang mag-alala Papa, kaya ko pa naman. Sadyang wala lang talaga akong maisip para malaman niyang seryoso ako." Malungkot na saad ni Lei Fan. Ayaw niyang ang mga taga-Zephyr Academy ay tuluyan na ngang pumanig kay Lei Chen.

"Matalino ka talaga, Little Fan." Sagot naman ng Emperor. "Pangako anak. Dahil gusto mo si Jun Xie, sisiguraduhin kong makukuha mo ang gusto mo."

Naisip na rin ng Emperor na hindi niya basta-bastang papakawalan itong mga taga-Zephyr Academy. Mahirap makahanap ng ganong klase ng talento at di-makakailang makakatulong nga ng malaki iyon sa Yan Country.

Napangisi si Lei Fan sa tuwa.

Binigyan ng pampalubag loob ng Emperor si Lei Fan bago ito pinaalis. Pagkalabas na pagkalabas ni Lei Fan ay agas na naglaho ang ngiti sa kaniyang labi. Tinawag nito ang black robed man.

"Ano pong maipaglilingkod ko, Kamahalan?" Tanong ng black robed man na nakaluhod sa sahig.

"Dahil sa kapabayaan mo sa Crown Prince, bibigyan kita ng pagkakataon na makabawi." Saad ng Emperor.

"Sabihin niyo lang po Kamahalan, at gagawin ko!"

"May malaking interes si Little Fan kay Jun Xie ngunit ang batang iyon ay hindi alam kung anong nakakabuti sa kaniya. Masyadong mayabang ang batang iyon at kailangang turuan ng leksyon." Saad ng Emperor. Masama itong tumingin sa black robed man.