Nawala na si Zhao XUn. Simula nang habulin ito ng mga nagtatangka sa kaniya ay tuluyan na itong naglaho. Ang mga huling salitang narinig dito ay isang ebidensya.
Nagbago ang ihip ng hangin sa Yan Country's Imperial Capital at ang insidenteng nangyari noong araw na iyon ay naging dahilan para mawala ang mga usapan tungkol sa Crown Prince.
Noong unang makaabot kay Lei Chen ang balita, hindi niya magawang makaupo ng tuwid. Ngunit alam niyang hindi siya pwedeng basta-basta. Noong gabing iyon ay tahimik siyang nagtungo sa Immortals' Loft para hanapin si Jun Xie.
"Little brother Jun! Pano mo nagawa iyon? Paano mo nagawang pasiputin si Zhao Xun sa Spirit Battle Tournament?!" Sanik na tanong ni Lei Chen kay Jun Xie. Nagpadala ang Crown Prince ng mga tao para makinig at makibalita sa mga kaganapan sa Imperial Capital. Nakahinga siya ng maluwag nang sa wakas ay nalinis na ang kaniyang pangalan.
Karga ni Jun Wu Xie ang itim na pusa at kalmadong nakaupo habang nakatingin sa tuwang-tuwang si Lei Chen.
"Dapat naman talaga siyang sumipot." Kalmadong sagot ni Jun Wu Xie.
Muling nagtanong si Lei Chen: "Asan na si Zhao Xun ngayon? Natatakot akong paniguradong mayroong banta sa kaniyang buhay. Dahil napili niyang kumampi sa'yo, magpapadala na ba ako ng mga guwardiya para magbantay sa kaniya?"
Umiling si Jun Wu Xie at sumagot: "Ang kaniyang paglalaho ay mas makakabuti sa iyong sitwasyon."
Ang pagkawala ni Zhao Xun ay mas lalo lang makakapagpainit sa usapin. Sa bawat araw na hindi pa rin natatagpuan si Zhao Xun, ang huling mga salitang narinig dito ay mananatili sa mga tao dahilan para mas lalong magtaka ang mga ito.
"Talaga...pero...hanggat narito pa si Zhao Xun sa Imperial Capital, matatagpuan pa rin siya. Kung mauna ang aking Ama na mahanap siya, pipilitin nito itong bawiin ang kaniyang mga sinabi at..." Hindi magawang mapalagay ni Lei Chen. Ang mga pagbabagong nangyari ngayon ay unang-una dahil sa pambihirang kapangyarihan ni Jun Xie. Pangalawa dahil sa huling salitang narinig kay Zhao Xun bago ito tuluyang naglaho. Kung mapapalitan ang mga sinabing iyon ni Zhao Xun, malala ang epekto non sa kaniya.
Nagpatuloy si Jun Wu Xie sa pag haplos sa itim na pusang nakakandong sa kaniya. "Walang sinuman ang makakahanap sa kaniya. Hindi na siya kailanman magpapakita."
Para sa isang taong naagnas at naging isang animo'y puti pagkatapos ay ibinuhos sa kung saan, sino ang makakahanap sa kaniya?
Naguguluhang tumingin si Lei Chen kay Jun Wu Xie. Nagawang baliktarin ni Jun Xie ang sitwasyon sa loob lang ng isang araw. Hindi lubos maisip ni Lei Chen kung paano nagawa ni Jun Xie ang ganito.
Pagkatapos ng insidenteng ito, hindi na isang ordinaryong bata lang ang tingin ni Lei Chen kay Jun Xie. Nagawa nitong baliktarin ang mga pinaniniwalaan ng mga tao sa loob ng kalahating araw lang. Labis niyang nirerespeto at tinitingala ang mga taong may ganitong kakayahan.
"Dahil kumpiyansa ka naman Little Brother Jun, hindi na ako mag-aalala. Matapos ng nangyari sa araw na 'to, tingin ko ay mag-iisip muna ng mabuti ang aking Ama bago gumawa ulit ng bagay na laban sa'kin." Natatawang saad ni Lei Chen. Simula nang magsimula ang Spirit Battle Tournament, ngayon lang siya naging ganito kasaya.
Iniisip na lang niya ang reaksyon ng lalaking nakaupo sa trono.
"Huwag kang masyadong maging kalmado." Saad ni Jun Wu Xie.
Nagulat naman si Lei Chen.
"Kahit na hindi naisagawa ng Emperor ang kaniyang plano, sigurado akong hindi ito susuko ng ganun-ganun na lang. Kailangan mong maghanda." Saad ni Jun Wu Xie habang patuloy na hinahaplos ang balahibo ng itim na pusa. Inaabangan niya rin kung ano pang pakulo ang gagawin ng Emperor ng Yan Country.