Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 831 - Patawad,‌ ‌Ako‌ ‌Naman (6)

Chapter 831 - Patawad,‌ ‌Ako‌ ‌Naman (6)

Umaga pa lang kaya marami pa ang nagkalat sa Imperial Capital ng Yan Country. Sa abalang lansangan isang nakakabinging sigaw ang narinig ng mga tao. Lahat sila ay napalingon sa pinanggalingan noon.

Nakita nila ang namumutlang itsura ng lalaki ang nagkakandarapang lumabas sa eskenita.

Nagulat ang mga tao sa pagmamakaawa ng lumalabas sa bibig ng lalaki.

Base sa damit na suot nito, mukhang isa ito sa mga kalahok sa Spirit Battle Tournament. Ang lahat ay nagtataka sa biglang pagsulpot nito at nagsisisigaw sa takot.

Ang Spirit Battle Tournament ay madalas na nakakakuha ng atensyon ng mga taga-Imperial Capital taon-taon. May nalaman din ang mga tao tungkol sa pangyayaring nagaganap ngayon sa Spirit Battle Tournament.

Ang Crown Prince ay nag-utos na protektahan ang isang disipulo ng Zephyr Academy, lihim kuno nitong kinakausap at pinapaatras ang mga makakalaban ng disipulong iyon. Ang balitang iyon ay kumalat sa bawat sulok ng Imperial Capital.

Ngunit ang mga sigaw ng batang ito...ay naging dahilan para maghinala ang mga tao sa bali-balitang kumakalat.

Nandilim ang mukha ng lalaking humahabol kay Zhao Xun nang marinig ang mga pinagsisigaw ng huli. Ang black robed man naman ay halos mahimatay sa galit nang kaniyang marinig ang mga pinagsisigaw ni Zhao Xun!

[Ano ang pinagsasabi ng lalaking iyon?!]

"Patahimikin mo siya! Ngayon din!" Nanggalaiti ang black robed man dahil sa galit. Hindi niya inakalang magiging ganito kapalpak ang kanilang pano nang dahil lang sa lalaking ito. Nagsisiksikan ang mga tao sa daan at dinig ng lahat ang mga sigaw ni Zhao Xun. Ngayong narinig iyon ng lahat, anong susunod na mangyayari!?

Ilang kalalakihan ang dumamba kay Zhao Xun sa gitna ng daan. Tinutukan nila ng patalim si Zhao Xun dahil kailangan nila ito agad patahimikin bago pa man magdagdag ng kung ano.

Ngunit sa hindi nila malamang dahilan ay nakadulas nanaman si Zhao Xun galing sa kanilang pagkakahawak. Nakasiksik ito sa gitna ng mga napakaraming tao. Kaya naman hindi nakalapit ang mga humahabol dito. Gayunpaman, nagpatuloy ito sa pagsisigaw ng mga bagay laban sa kanila!

Tuluyan na ngang naglaho ang katawan ni Zhao Xun sa gitna ng mga tao sa loob lang ng ilang minuto. Ang mga humahabol dito ay walang nagawa kundi ang bigong bumalik.

Ngunit hindi nakalimutan ng mga tao ang bagay na sinisigaw kanina ni Zhao Xun. Kaya naman angg lahat ay masamang nakatingin sa kanila. Agad na kumalat ang mga sinabi kanina ni Zhao Xun sa buong siyudad.

Ang batang laging inaatrasan ng makakalaban ay sa wakas nakita na nilang makipaglaban! Nagpakita ito ng green spirit na labis na ikinagulat ng lahat!

Dahil sa nalaman nilang spirit level ni Jun Xie, labis nilang ipinagtaka kung bakit pinapaatras ang mga makakalaban nito. Sa kakayahan nito ay sigurado silang hindi na nito kailangang gawin iyon!

Sabay sa pagtataka ng mga tao, isa pa ulit balita ang nagsimulang kumalat!

Umaga noong araw ding iyon ay nakita ng mga tao ang isang lalaking nakasuot ng uniporme ng Hua Wan Academy ang pinagtangkaang patayin sa kalsada sa Imperial Capital! Dahil sa mga bagay na isinigaw ng lalaki, nagbigay iyon ng isang importanteng balita sa mga taong naroon!

Ang paag-atras ng mga dapat na makakalaban ni Jun Xie ay hindi kagagawan ng Crown Prince. Kundi ibang tao na sinasadya ang mga makakalaban ni Jun Xie at pinipilit na umatras pagkatapos ay isisisi iyon sa Crown Prince.

Kapag pinagtagpi-tagpi ang mga pangyayaring naganap sa araw na iyon, panibagong balita at konklusyon ang kakalat sa buong Yan Country's Imperial Capital!