Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 820 - Huwag Mong Hilingin Ang Kamatayan at Mabubuhay Ka (3)

Chapter 820 - Huwag Mong Hilingin Ang Kamatayan at Mabubuhay Ka (3)

Ang mabigyan ng "back door" sa Spirit Battle Tournament ay isang bagay na hindi pa nila kailanman narinig noon.

Walang pakialam si Zhao Xun at sumimsim ka kaniyang iniinom na alak at nagsabing, "Sa tingin niyo ba ang pag-atras sa kumpetisyon ay sisira sa inyo? Ang isang pangako galing sa tagapagmanang prinsipe ay isang paraan para maisalba kumpara sa hirap na daranasin mo sa kumpetisyon. Para sa ating lahat dito na sumali sa palaro, hindi rin natin makakamit ang pag-akyat sa sampung baitang ngunit nandito pa rin tayo, umaasa na mananalo para sa magandang kinabukasan. Kung mabibigyan ako ng ganoong pangako, ano naman kung umatras ako?"

Ang mga kabataan ay nagtinginan. Dahil sa mga sinabi ni Zhao Xun, napansin nila na parang may mali.

Ngunit si Zaho Xun ay tila walang napansing mali sa kaniyang sinabi at nagpatuloy sa pagsasalita, "Naalala niyo pa ba kung gaano karangya iyong salu-salo bago magsimula ang palaro? Ang mga lugar na iyon na kadalasan ay hindi tayo pinahihitulutang pumunta. At ang oportunidad katulad nito, hindi ko ito isusuko. Ang pag-atras sa isang palaro ay hindi rin naman ganoon kalaki…"

Pagkatapos sabihin ang mga salitang iyon, ngumiti siya at muling uminom ng ilang baso pa ng alak.

Ang iilan sa mga kabataan na nasa kaparehong hapag ni Zhao Xun ay iniisip na kakaiba ang mga sinasabi nito at lihim na nagpalitan ng tingin.

"O siya! Kailangan ko nang bumalik! Burp… Galingan niyo bukas sa kumpetisyon! Hindi na ako sasali pa sa inyong pagsasaya." Ang medyo lango na sa alak na si Zhao Xun ay mabuway na tumayo at umalis sa kainan. Pagkalabas ni Zhao Xun ay nagsimulang magdiskusyon ang mga naiwang disipulo.

"Sa tingin niyo bas a mga sinabi ni Zhao Xun, nilapitan na siya ng tagapagmanang prinsipe?"

"Hindi na ako nagtaka kung bakit parang tinatamad siya. Mukhaang totoo nga ang bali-balita! Ang tagapagmanang prinsipe ay ginagamit ang lahat ng paraan para lamang makapasok sa sampung mataas anta sang paslit na si Jun Xie!

"Nakita ko si Jun Xie, maliit lamang siya at payat pa! Ano kaya ang nakita ng tagapagmanang prinsipe sa kaniya?!"

"Hay, pinakaaabangang Spirit Battle Tournament pa naman ito at naging katatawanan at hindi pantay na palaro. Ito ay…"

Pagkainggit, panghihinayang at walang humpay na panghuhula. Iilan lamang iyon sa napansin nila kay Zhao Xun ngunit ang diskusyon tungkol dito ay hindi matapos tapos.

Lumabas ng kainan si Zhao Xun ng may mabuway na paglalakad. Hindi siya bumalik agad sa nakalaang silid ng Hua Wan Academy at oumunta sa isang maliit at walang tao na pasilyo. Ang kaniyang pagkalasing ay naglaho. Sa madilim na laiit na kalsadang iyon, isang lalaking nakasuot ng roba ang tila naghihintay sa pagdating ni Zhao Xun.

"Aking panginoon!" pagkakita ni Zhao Xun sa lalaki, mabilis siyang yumukod.

Ang lalaking nakasuot ng itim na roba ay tiningnan lamang si Zhao Xun na ang buong katawan ay nangangamoy alak at nagtanong habang nakakunot ang noo, "Nagawa mo na ba lahat?"

Napilitan ng seryosong ekspresyon ang mukha ni Zhao Xun at nagsalita, "Ang iyong mapagpakumbabang tagapaglingkod ay naikalat na ang balita. Sa tingin ko bago matapos ang gabing ito, kahit hindi na maghintay sa laban bukas, alam na ng lahat ng akademiya na lihim kong tinanggap ang suhol ng tagapagmanang prinsipe at nagdesisyon akong umatras sa laban."

Tumango ang nakitim na robang lalaki. "Magaling. Huwag kang mag-alala, kapag natapos mo ang iyong trabaho, mapapasaiyo ang ipinangakong gantimpala ngunit kung hindi mo ito nagawa ng maayos… Kung ano ang sinapit ng disipulo sa naunang laban ay ganoon din ang iyong sasapitin." Naging malamig ang boses ng nakarobang lalaki.

Nanginig si Zhao Xun at ang lkamig ay kumalat sa buong katawan niya. Lumunok siya at mabilis na tumango sa pagsang-ayon. 

Related Books

Popular novel hashtag