Pagkatapos nilang kausapin si Lei Chen, si Jun Wu Xie at ang kasamahan niya ay umalis na ng palasyo ng tagapagmanang prinsipe. Habang nasa daan pabalik, nasa isip pa rin nila ang mga nangyari sa umagang iyon.
Nabuksan ang kanilang mga mata at naipakita ang komplikasyon sa loob ng Imperial Family.
"Hindi ko naisip na ganoon katuso ang mga nasa loob ng Imperial Palace. Ang gulong ginawa ni Ning Rui ay hindi maihahalintulad sa gusot na mayroon sila ngayon dito." Saad ni Fan Zhuo, tumatawa habang iniiling ang kaniyang ulo. Kumpara sa emperatris ng Yan Country, ang mga pinag-gagawa ni Ning Rui ay naging simple at hindi ganoon kakumplikado.
"Ngunit may isang bagay pa rin na sa tingin ko ay kakaiba." Dagdag ni Fan Zhuo at bumaling kay Jun Wu Xie.
Ibinalik ni Jun Wu Xie ang tingin ngunit nanatiling tahimik ito.
"Kahit na plinano mo Little Xie na ipakita kay Lei Chen na wala siyang ibang pagpipilian kung hindi ang tulong natin, at mabilis niyang ibinunyag ang itinatago niyang madilim na lihim, sa tingin mo ba hindi ba parang napakadali lamang kay Lei Chen? May iba pa kaya itong itinatago na motibo?" maingat na tanong ni Fan Zhuo. Si Lei Chen ay napakadaling ibinunyag ang kaniyang itinatagong sekreto at kulang na lamang aya ang buong buhayb nito ay ikwento sa kanila.
Umiling si Jun Wu Xie bago sumagot. "Sa tingin ko wala."
"Bakit?"
"Dahil ako ang gumawang sabihin niya ang lahat ng iyon." Kalamanteng saad ni Jun Wu Xie.
"…" Sa pagkakataong ito, hindi lamang si Fan Zhuo ang nagpakita ng pagtataka. Lahat sila ay biglang nilingon at tiningnan si Jun Wu Xie.
"Inihanda ko ang lahat ng iyon bago tayo umalis ng kaniyang silid kagabi." Tiningnan ni Jun Wu Xie ang kasamahan, ang kaniyang mga mata ay kalmado.
Ang epekto ng hipnosis ay kapakipakinabang, ngunit ang detalye na alam ni Lei Chen tungko sa mapa ay kaunti lamang. Upang magkaroon sila ng panibagong hakbang para makuha ang mapa, kinailangan ni Jun Wu Xie na maging kakampi si Lei Chensa pinakamadaling panahon. Ngunit… hidni niya gustong maglaan ng maraming panahon para lamang dito kaya napagdesisyonan niyang gamitin ang hipnotismo para magsuhestyon kay Lei Chen na bigyan ng buong pagtitiwala si Jun Wu Xie bago pa sila umalis ng silid nito.
Kahit na ang epekto ng suhestyon habang nahihipnotismo ito ay hindi ganoon kalakas, kung ang taong ito ay may kaunting kagustuhan sa suhestyon, ang suhestyon na ito ay lalakas at magiging mabisa. At iyon ang dahilan kung bakit walang inhibisyon si Lei Chen na sabihin lahat ng kaniyang lihim sa kanila.
Sa huli…
Silang lahat ay napaniwala na naman ni Jun Wu Xie.
"Ahem. Pangako, hinding hindi talaga ako kokontra sa kay Little Xie kahit kailan!" saad ni Qioa Chu habang nataas ang kanang kamay, ang kaniyang mukha ay seryoso habang nangangako sa kalangitan. Habang tumatagal na nakakasama niya si Jun Wu Xie, mas lalo niyang nakikita kung gaano nakatakot ang maliit na batang ito. Lahat ng mga kakaibang gamot na may iba ibang epekto ay siguradong walang ligtas ang makakalaban niya at higit pa dito ay ang hindi kapanipaniwala na maliit na utak nito…
Naniniwala si Qiao Chu na kahit mayroong dalawang siya, hindi pa rin siya mananalo laban kay Jun WU Xie.
"Sang-ayon ako." Sumang-ayon din si Fei Yan, isa sa mga bibihirang pagkakataon na sumang-ayon it okay Qiao Chu.
Tumawa si Rong Ruo at nagsabi, "Mabuti nalang at kakampi natin si Little Xie dahil kung hindi siguradong nasa isang malaking gulo na tayo."
Pino ang galaw, may utak at walang hanggang posibilidad higit kanino man. Ang maliit na taong ito ay ipinanganak upang sirain ang tiwala at pagpapahalaga sa sarili ng ibang tao. Hindi dapat sinusukat ang kaniyang abilidad sa maliit nitong mukha at malamig na pakikitungo. Dahil sa totoo lang, ang maliit na pigura nito ay pangbalat-kayo niya lamang sa napakalakas na kapangyarihang tinataglay.
Tiningnan ni Jun Wu Xie ang mga kasamahan habang nagbibiruan ang mga ito. "Huwag kayong mag-alala, hindi ko gagamitin ito sa inyo."
Mabilis na ngumiti si Qiao Chu at tatalon na dapat sa saya nang magsalitang muli si Jun Wu Xie.
"Hindi ko sasayangin ang mga iyon sa inyo." Seryosong saad ni Jun Wun Xie.
Ang kaniyang kasamahan ay hindi na itinuloy ang pagsasaya at nanatili sa kanilang mga pwesto.
[personal na atake na ganito ay hindi dapat hinahayaan!!]
Pagkatapos niyang panoorin ang iba ibang ekspresyon ng kaniyang mga kasamahan, tumalikod na si Jun Wu Xie at pumunta sa kaniyang silid. Nang makatalikod siya, ang gilid ng kaniyang labi ay kumurba para ngumitui.
Ang makasama ang mga payasong ito ay nakakaaliw.