Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 816 - Ang Kumplikadong Sikreto ng Imperial Harem (2)

Chapter 816 - Ang Kumplikadong Sikreto ng Imperial Harem (2)

Iniisip pa rin ng emperador na si Lei Fan ang kaniyang biolohikal na anak at hindi siya natuwa na si Lei Chen ang naging tagapagmanag prinsipe. Ang gusto niyang maging tagapagmana aay ang anak niya sa kaniyang pinakamamahal na babae na kung saan ikinatuwa naman ng emperatris. Ngunit siya lamang ang nakakaalam na si Lei Chen ay isang anak ng isang katulong at guwardiya ng palasyo habang si Lei Fan na man na siyang paborito ng emperador ay anak ng emperatris sa punong ministro ng bansa. Dahil sa tinamong malamig na pakikitungo sa kaniya ng emperador, gusto ng emperatris na magdusa ang emperador sa kaniyang mga ginawa.

Sa gitna ng lihim na pagpaplano laban sa isa't isa, si Lei Chen ang naipit sa sekretong away ng dalawa.

At habang mabagal na lumalaki si Lei Fan, dahil sa tahimik na pagpayag ng emperatris, nagsimula nang gumalaw ang emperador upang pabagsakin si Lei Chen. Ang pagbigay niya sa pamamahala ng Spirit Battle Tournament sa kamay ni Lei Chen ngayong taon ay ang unang hakbang ng emperador upang sirain ang reputasyon ni Lei Chen.

At kapag may nagawa nang mali si Lei Chen sa pamamahala ng Spirit Battle Tournament, magkakaroon ng rason ang emperador upang alisin ito sa pwesto.

"Ang liham na ito ay iniwan ng aking totoong ina bago siyaa namatay. Nanatili siya sa tabi ng emperatris upang magsilbi dito at hindi ko alam nag bagay na ito ng mga panahong iyon. Maraming beses akong bumibisita sa palasyo ng emperatris, ngunit kahit isang beses ay hindi ko siya nasilayan at tinatawag ko pang ina ang isang mamatay tao." Naging magaspang ang tunog ng boses ni Lei Chen habang mariing umiling at mapait na tinawanan ang sarili.

Nag-alala ang emepratris na mabubunyag ang kaniyang sekreto kung kaya inakusahan niya ang biolohikal na ina ni Lei Chen ng isang krimen na walang katotohanan. Binugbog nito ang biolohikal na ina ni Lei Chen hanggang san namatay ito ilang taon na rin a g nakalipas. Hanggang sa punto ng mamatay ang biolohikal na ina ni Lei Chen, hindi niya pa rin nalalaman ang katotohanan. Si Lei Chen ay pumupunta madalas sa Imperial Palace ng mga panahon iyon at doon siya namamlagi sa palasyo ng emperatris. Isang beses sa mga maiikling pamamalagi niya sa palasyo ng emepratris nang may nadiskubre siyang liham sa ilalim ng kaniyang unan. At dahil dito, naintindihan niya na kung bakit pagkatapos maipanganak ni Lei Fan, hindi na siya binibigyan ng atensyon ng emperatris…

SI Hua Yao at ang iba pa sa kanila ay binasa ang nilalaman ng liham at nalungkod sila sa trahedya sa likod ng intriga sa palasyo. Hindi nila naisip may ganoong komplikasyon sa loob ng Imperial Harem at ngayon naiintindihan na nila ang pag-analisa ni Jun Wu Xie sa sitwasyon mula lamang sa pinagtagpi-tagping impormasyon.

Ito ay sa kadahilanang nasaksihan rin ang lahat ng ito ni Jun Wu Xie sa kay Mo Qian Yuan.

"Para ipaglaban at mapanatili ang mataas na posisyon sa loob ng Imperial Harem, kinakailangan ng maigi at detalyadong pagpaplano ngunit para sa akin, ito ay nakakatawa. Ni hindi ako lehitimong anak ng Imperial Family ngunit dahil sa kasakiman ng emperatris, naidawit ako at naipit sa gitna." Nang malaman ni Lei Chen ang katotohanan, nagsimula siyang lumayo sa emperatris at gumawa ng paraan para manirahan sa palasyo ng tagapagmanang prinsipe na nasa labas ng Imperial Palace.

"Gusto mo bang makuha ang trono?" kalmanteng tanong ni Jun Wu Xie.

"Hindi! Wala akong pakialam sa kapangyarihan or sa trono! At kahit pa ibigay nila iyon sa akin, wala akong pakialam! Ngunit ang gusto ko ay magbayad ang emperador, ang emperatris at si Fei Yan! Ayokong maging isang kakawang manika na pinapasunod lamang nila sa gusto nila!" ang mga mata ni Lei Chen ay puno ng pighati at poot.

"Kailangan ko ng tulong mula sa inyong lahat. Ang emperador ay nagsisimula nang gumawa ng hakbang para sirain ang reputasyon ko. Kung maghihintay lang ako at hindi gumawa ng hakbang, siguradong kamatayan na ang nakaabang sa akin. Hindi ako papayag! Nagmamakaawa ako sa inyo na tulungan niyo akong labanan sila!" Si Lei Chen ay maiging nakatitig kay Jun Wu Xie, ipinakita niya na ang lahat sa kanila ngayong araw, wala siyang itinago para lamang makaahingi ng tulong sa kanila.

"Pumapayag ako." Sagot ni Jun Wu Xie at tumango.

Nakahinga ng maluwag si Lei Chen, isang ngiti ang masisilayan sa kaniyang mga labi.

Pagkatapos niyang makita ang mga taglay na kapangyarihan ng mga disipulo mula sa Zephyr Academy, sigurado na siyang mananalo ang mga ito. Kailangan niya lamang siguruhing nasa kaniyang panig ito, at hindi na niya poproblemahin ang Spirit Battle Tournament. Ang kabataang ito ay may taglay ng kapangyarihan na kakayaning talunin ang ibang mga kalahok sa Spirit Battle Tournament. At kahit pa gamitin ng emeprador ang palaro laban sa kaniya, sigurado siyang hindi na ito mananalo laban sa kaniya.