Puno ng pagtataka ang mababakas sa mukha nila Qiao Chu at iba pa habang nakatingin kay Lei Chen. Kung hindi lang sa walang ekspresyon na mukha ni Lei Chen at halos walang buhay nitong mga mata, iisipin nila na sinasadya ni Lei Chen na hindi sabihin sa kanila ang katotohanan.
"Ano ang nangyayari? Wala sa kamay ni Lei Chen ang mapa? Nagsasabi ba siya ng katotohanan?" mabilis na tanong ni Qiao Chu at bumaling kay Jun Wu Xie.
Tahimik si Jun Wu Xie ng ilang sandal bago nagsalita, "Nagsasabi siya ng katotohanan."
Kanina, may kakaibang pakiramdam si Jun Wu Xie tungo sa reaksyon ni Lei Chen ngunit imposible na nagkaroon ito ng espesyal na pagsasanay sa hipnosis. Nang magtanong siya tungkol sa mga taga Middle Realm, nagpakita siya ng kaunting pagkontra at mangayayari lamang ito kung nagkaroon nga siya ng espesyal na pagsasanay, lalo na kung ang tanong ay importante sa tao na nasa ilalim ng hipnosis. Ngunit may isa pang dahilan kung bakit may ganoong reaksyon…
Kung ang taong tinatanong ay walang alam tungkol sa bagay na tinatanong o hindi pa nito naririnig iyon, ang utak ng tao na nasa ilalim ng hipnotismo ay maghihirapan at maguguluhan dahil hindi nito alam ang isasagot.
Kung kanina nanghuhula lamang si Jun Wu Xie, ngayon sigurado na siya.
Ang mapang iyon ay hindi ni minsan nahawakan ni Lei Chen!
"Hindi nakakapagtaka na walang nakitang taga Middle Realm si Little Black sa loob ng pamamahay ng tagapagmanang prinsipe." Mahinang turan sa sarili ni Jun Wu Xie.
"Mayroon ka bang kopya ng mapang iyon?"
Sumagot si Lei Chen, "Iyon lamang ang natatanging kopya. Natakot ako na may makaalam kaya hindi ako gumawa ng iba pang kopya."
NAningkit ang mga mata ni Jun Wu Xie, "Paano mo nakuha ang kopya ng mapang iyon?" kahit wala sa pag aari ni Lei Chen ang mapang iyon, nakakakuha pa rin sila ng impormasyon na ang mapa ay nakalingkis sa eperador ng Yan Counrty at kung totoo man ito, mas mahihirapan sila na makuha ang mapa.
Bilang tagapamahala ng napakalaki at makapangyarihang bansa, ang emperador ng Yan Country ay siguradong may magagaling at makapangyarihang bantay sa tabi nito. Hindi maihahambing sa mga mahihinang bantay ng emperador ng Qi Kingdom.
Mabagal na sumagot si Lei Chen, ang kaniyang mga mata ay hindi gumagalaw. "Nang araw na iyon, pumunta ako kay ina upang bisitahin ito at ang aking ikaapat na kapatid ay nandoon sa palasyo ng aking ina. Hindi ko siya gustong makita kung kaya nag ikot-ikot nalang muna ako Imperial Palace at hindi ko sinasadyang makita ang aking ama na may inabot sa liham sa guwardiya na nakubli sa isang sulok. Hindi ko man marinig kung ano ang kanilang pinag-usapan, batid ko ang kahina-hinalang pagmamasid nila sa paligid. Lihim kong sinundan ang guwardiya palabas ng Imperial Palace at pinatay ito para makuha ko ang liham na iyon. Kasama ng liham ang mapa."
Ang boses ni Lei Chen walang buhay ngunit ang mga sinabi niya ay nagbunyag ng mas malaking isyu.
"Hindi ba ang pang-apat na prinsipe ay sinasabing malapit kay Lei Chen? Bakit… ayaw ni Lei Chen na makita ito?" tanong ni Fei Yan habang ang kamay ay nasa kaniyang baba at pinag-isipan ang mga impormasyong narinig. Ang mg sinabi ni Lei Chen ay nagbunyag ng dalawa pang isyu. Ang isa ay ang relasyon ni Lei Chen sa ikaapat na prinsipe. Ang isa ay mas interesante… si Lei Chen ay nakuhang pumatay para lamang malaman kung ano ang mga ginawa ng emperador kung saan ito ay hindi kapani-paniwala at katakataka.
"Bakit nagkakaroon ako ng pakiramdam na ang posisyon ni Lei Chen bilang tagapagmanang prinsipe ay lingid sa una kong inakala?" tanong ni Rong Ruo na nakataas ang mga kilay.
Tiningnan ni Jun Wu Xie si Lei Chen. Ang mga bagay na sinabi ni Lei Chen nakakabahala at kailangan ni Jun Wu Xie na pag-isipang muli ang mga bagay bagay.
"Sa liham na iyon, maliban sa mapa, may iba pa bang nakasama?"
"Wala."
"Bakit ka nagpadala ng mga tao sa Heaven's End Cliff?"
"Gusto kong malaman kung ano ang hinahanap ni ama doon."