Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 800 - Ang Bali-balita (1)

Chapter 800 - Ang Bali-balita (1)

Lumipas ang araw at dumating na ang oras upang makipaglaban si Jun Wu Xie. Matapos ang malaking pag-inog ng Zephyr Academy, walang nagtangka na maliitian muli ang Zephyr Academy. Maging ang pinakabatang kalahok na si Jun Xie ay tiningnan na isang lubos na bihasang kalahok.

Subalit…

Sa unang laban ni Jun Wu Xie, may hindi inaasahan na pangyayari.

Sa araw ng laban, tumapak si Jun Wu Xie sa gitnan ng entablado ngunit si Lin Qi ay wala doon. Lahat ng nandoon ay inaabangan si Lin Qi mula sa Dragon Slayers Academy na talunin si Jun Xie. Alam nan g lahat na ang lima mula sa Zephyr Academy ay nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan at ngayon ay inuusisa na nila ang pinaka bata sa lahat na si Jun Xie.

Ang nagdaang Segundo ay naging minuto. Ang mata ng lahat ay naghahanap sa buong arena ngunit walang senyales ni Lin Qi. Ang tagahatol ng laban ay patuloy sa pagsulyap sa pasukan ng arena ngunit hindi makita ang kalahok.

Naghintay sila ng dalawang oras bago nagdesisyon na tawagin ang suusnod na pares ng maglalaban.

Ang patakaran ng Spirit Battle Tournament ay hind papayagan ang mga tao na ipagpaliban ang paligsahan ng walang magandang dahilan. Nang ang pagliban ay umabot nan g dalawang oras, ito ay huhusgahan bilang isang pagkatalo!

Hindi nagpakita si Lin Qi sa loob ng dalawang oras, at ayon sa desisyon ng hurado, ang katumbas noon ay isang kusang pagkatalo!

Ang sitwasyon na iyon ay nagbigay ng kalituhan sa maraming tao. Bagaman ang ibang disipulo mula sa Zephyr Academy ay nakakuha ng nakakagulat na resulta sa kanilang laban bago nito at hindi nila ginawang maliitin ang munting si Jun Xie, ngunit… si Lin Qi ay isang disipulo mula sa iginagalang na Dragon Slayers Academy! Ang tumakbo ng hindi man lang lumalaban ang nagbigay sa lahat ng malaking pagtataka.

Tungkol sa pagkatalo ni Lin Qi, si Jun Wu Xie ay hindi man lang naabala tungkolo doon at siya ay umalis na sa entablado at umalis sa arena, nakuha ang tagumpay ng hindi man lang gumagawa ng kahit isang aksyon.

Ang unang labanan ng paligsahan ay natapos na. si Hua Yao at ang iba ay nagpatuloy sa pagdurog sa kanilang mga kalaban gamit ang kamangha-magha nilang kapangyarihan, habang sa panig naman ni Jun Wu Xie ang mga kaganapan ay nagiging kakaiba.

Ang kalaban niya para sa ikalawang labanan ay mula sa hindi kilalang paaralan. Sa araw ng laban, ang kaniyang katunggali ay nagpadala ng kapwa disipulo upang ibigay ang balita ng kusang pagsuko. Nang ang kapwa disipulo na iyon na nagdala ng balita ay makita si Jun Xie, ang mata nito ay puno ng takot.

Ang unang pagkakataon ay isang aksidente, ang pangalawa ay nagkataon lamang.

Ngunit ng dumating ang ikatlong laban at ang kalaban ni Jun Wu Xie ay patuloy sa pagpili na sumuko, ang kapaligiran ng arena ay naging kakaiba!

Maaaring bumangon mula sa abo ang Zephyr Academy. Ngunit ng makita na ang mga katunggali ng pinaka bata nilang kalahok ay patuloy sa pagsuko at magpatalo ng hindi man lanag lumalaban, ang mga tao ay nagkaroon ng hinala! Dapat malaman na walang ganoong pangyayari na sinuman ay magdedeklara ng pagkatalo sa buong battle district ngunit si Jun Xie ay nakakuha nito ng tatlong beses!

Kahit sabihin pa na ang mga tao ay nagkaroon ng tako sa kakila-kilabot na kapangyarihan ng Zephyr Academy, ngunit kung nais nila itong iwasan, dapat ay iniiwasan din nila sila Qiao Chu at ang mga kasama nito. Si Jun Wu Xie ay napakabata at sa mata ng mga tao, siya ay nakitaan na likas na mas magaling kumpara sa mga disipulo ng ibang paaralan, ngunit iyon ay may hangganan, at hindi dapat magresulta sa nakakatawang sitwasyon.

Kung kalian ang mga hinala sa puso ng lahat ay patuloy sa pagusbong, isang balita ang biglang kumalat sa mga academy. 

Ang balita kung bakit karamihan sa kalaban ni Jun Xie ay sunod-sunod na pinapatalo ang laban ay dahil sa Yan Country's Crown Prince, si Lei Chen, ay nagtungo sa mga kalahok bago ang mag-umpisa ang laban at tinakot at sinuhulan sila, pinuwersa na ipatalo ang laban nila kay Jun Xie!

Nang makarating ang balita sa lahat, sila ay talagang nabigla!