Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 80 - Pinagandang Wood Bead

Chapter 80 - Pinagandang Wood Bead

Agad ipinaliwanag ni Little Lotus kay Jun Wu Xie ang sariling paraan ng cultivation ng mga contractual spirit.

Ang mga contractual spirit ay nakatira na Spirit World, sa oras ng pagkapanganak ng isang tao. Ang contractual spirit ay makakaramdam ng koneksyon sa kaluluwa ng isang tao at sa oras na sinagot nila ito, ang contractual spirit ay ay matutulog dito hanggang sa ang tao ay umabot sa edad labing apat. Sa seremonya ng pagkagising, doon pa lamang sila makakatungtong dito sa mundo.

Sa Spirit World, maaaring maipagpapatuloy ng contractual spirit ang pag-cultivate sa kanilang pag-usbong. Ngunit sa kanilang pagkarating dito sa mundo, maiaasa lamang nila ang kanilang cultivation, sa cultivation ng tao.

Sa pagtawid ng contractual spirit sa mundong ito, magiging napakabagal ng kanilang cultivation.

Ang Pinagandang Wood Bead ay walang anumang kapangyarihan, pero mayroon itong espesyal na kakayahan---ang luminis.

Sa mundong ito, ang ang kapaligiran ay puro na polusyon kaya naman hindi kaya ng mga contractual spirits ang mag-cultivate ng sila lang. Magagawa lamang nila ito sa tulong ng kanilang amo. Ang enerhiyang sinusubukan nilang i-absorb galing sa kapaligiran ay hahaluan ng karumihan na nakakapagpahirap sa proseso.

Sa kabilang banda, ibang iba ang mangyayari kapag ginamit ang Pinagandang Wood Bead! Kaya nitong ilabas lahat ng malinis na enerhiya galing sa maruming kapaligiran. Dahil dito, mapapadali ang pag-absorb ng contractual spirit at agaran nitong magagamit para sa cultivation.

"Paglilinis." usal ni Jun Wu Xie na nakatingin sa beads. Kung titignan ito ay napakasimple lamang pero ito ay may malaking maitutulong.

Ang "medicinal" value ni Little Lotus ay nakakatulong na, kung siya ay mas nakapag-cultivate pa, paano pa kaya siya lalaki at magdedevelop? Ano kaya ang mangyayari? Kaya lang ang kanyang tibay at pisikal na kakayanan ay dapat pang palakasin.

"Ito ay maituturing na kayamanan." Malapad na nakangiti si Little Lotus habang maingat niyang hawak ang bead.

Bagamat siya ay nakaramdam ng matinding sakit nito lamang, ang lahat ng kaniyang dinanas ay sulit naman. Kung sasapitin niya ulit ang kaniyang mga dinanas kapalit ng kayamanang tulad ng bead, walang pag-aatubiling tatanggapin niya ulit na siya ay saktan.

"Basta pakaingatan mo lang 'yan, ipagkakatiwala ko sa'yo para magamit mo sa cultivation." sabay tango ni Jun Wu Xie. Si Jun Wu Yao ay talaga ngang napakamisteryosong tao. Ang kaniyang paglapit ay mapusok ngunit madali lang sakaniya ang magbato ng isang kayamanang tulad nito. Dahil dito, siya ay napapaisip kung san ito nagmula.

Kahit na wala siyang sapat na kaalaman sa Spirit World hanggang sa ipinaliwanag sa kaniya ni Little Lotus, ang pagkakaroon ni Jun Wu Yao ng ganito kahalagang bagay at basta na lamang ipapamigay ay nakapagpagulat sa kaniya.

Kung siya ay magiging kaaway mo---napakahirap...kapag kaibigan naman...

Pinagpalagay ni Jun Wu Xie na si Jun Wu Yao ay isang kaibigan. Mapait siyang napangiti at umiling.

Isang tao lang ang nakakapagpaalala sa kaniya ng salitang 'kaibigan' at ang taong ito ay nakilala niya sa kaniyang naunang mundo. Gumuhit sa kaniyang isipan ang mukha ng taong ito.

"Ang tangang 'yon." Siya ay dating nagtatrabaho sa siyudad bilang beterinaryo, subalit siya ay nadiskubre ng isang misteryosong organisasyon. Hindi nagtagal naging miyembro siya ng organisasyong ito, sila ay nagliligtas ng buhay ng mga tao gamit ang kaniyang lisensya.

Malinaw pa sa kaniyang alaala nang sila ay sugurin ng isang grupo at ang 'kaibigan' niyang ito ay tumalon sa kaniyang harapan para salagin ang aatake sa kaniya.

"Ang iyong mga kamay at binti ay napakaliit at iiksi, anong silbi ng pananatili mo dito?Bilis, umalis ka na...wag ka nang mag dalawang isip pa..." ngumiti ito matapos nitong sabihin iyon pero siya ay...

Kinusot ni Jun Wu Xie ang kaniyang mga mata, wala na siyang gaanong maalala sa kaniyang naunang mundo dahil siya ay madalas lamang na mapag-isa, kahit sa kaniyang pamilya ay wala siyang awa. Hindi siya gaanong nakikihalubilo at wala siyang pakialam maging sa buhay man o kamatayan. Ang tanging malinaw lamang sa kaniya ay nang iligtas siya ng taong iyon kapalit ang sarili nitong buhay.

Ang dahilan kung bakit ayaw niya ang amoy ng dugo ay dahil doon sa araw na iyon --- ang dibdib ng taong iyon ay minarkahan na ni kamatayan gamit ang pulang-pulang bulaklak na bumukadkad sa dibdib nito, habang siya naman ay nalulula sa amoy ng sariwang dugo.

"Hindi ako karapat dapat na iligtas...hindi ang isang tulad ko." sabi ni Jun Wu Xie kasabay na tumungo ito at kinagat ang labi. Kung ang taong iyon ay hindi tumalon sa harap niya para isalba ang buhay niya, maaaring buhay pa ito hanggang ngayon at nagliligtas sa mundong iyon.