Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 798 - Ang Muling Pagningning ng Zephyr (7)

Chapter 798 - Ang Muling Pagningning ng Zephyr (7)

Sa kabila ng kaniyang pagkagulat, si Lei Chen ay may presensiya pa rin ng isip upang umakto ng nararapat. Hindi niya ipinakita na ang imibitasyon niya kay Jun Wu XIe at sa mga kasama nito sa Crown Prince's Residence ng may tambol at trumpeta, inutos lamang niya ang isang lamesa na puno ng pagkain na ihain doon sa Immortal's Loft.

Si Qiao Chu at ang iba pa ay nagtungo na sa kanilang mga silid upang maghanda habang si Lei Chen ay nakaupo sa lamesang nasa bulwagan sa ikalawang palapag, at nakaupo sa parehong lamesa ay si Jun Wu Xie!

Kinuha ni Lei Chen ang pagkakataon na makusap si Jun Wu Xie ng bahagya. Bagaman iniisip niya na ang pagkuha sa mga blue spirits, hindi niya hahayaan na mawala ang isang taong magaling sa Spirit Healing Technique.

"Bukas ba ang iyong laban kapatid na Jun?" nakangiting tanong ni Lei Chen.

Tumango si Jun Wu Xie, bagaman ang ekspresyon ng kaniyang mukha ay malamig pa rin, kumpara sa hindi pagpansin sa kaniya noon, nagulat si Lei Chen na sinagot nito ang kaniyang tanong.

"Narinig ko… ang iyong kalaban bukas ay si Lin Qi mula sa Dragon Slayers Academy? Maaaring walang hawak na mataas na ranggo si Lin Qi sa Dragon Slayers Academy ngunit hindi dapat makapampante. Kapatid na Jun, maging maingat ka. Ang Dragon Slayers Academy at Zephyr Academy ay nagpapaligsahan nan g matagal na panahon upang malaman kung sino ang mas maningning at hindi nagkikita ang kanilang mga disipulo. Umaasa ako na ikaw kapatid na Jun ay magbibigay ng atensyon bukas at hindi masaktan." Ang mukha ni Lei Chen ay puno ng pagkabahala nang tumingin siya kay Jun Wu Xie na mukhang nag-aalala habang siya ay nagsasalita.

Katatapos lamang magsalita ni Lei Chen nang pumasok sa bulwagan si Qiao Chu at ang iba pa na nakabihis na.

"Ang kalaban ni Little Xie bukas ay mula sa Dragon Slayers Acadmey?" tanong ni Qiao Chu, hinatak niya ang isang upuan upang maupo, ang mata niya na namamangha ay nakatingin kay Jun Wu Xie.

Bagaman… Hindi na sila gaanong umaasa sa kanilang mga kalaban mula sa Lower Realm, ngunit ang Dragon Slayers Academy ay isa sa mataas na paaralan at ang kanilang mga disipulo kahit paano ay malalakas. Kahit paano… hindi sila matatalo sa isang kilos ng ilang segundo lamang… tama?

Ang katotohanan, sa Spirit Battle Tournament, ang laban nila ay naging… nakakabagot. Lalo na kay Qiao Chu, siya ay isang tao na hindi nagpipigil. Si Yan Bu Gui ay mariing pinagbawalan sila na lumaban ng matagal, at ng magkaroon na siya ng lehitimong rason na bugbugin ang iba, nalaman niya na ang mga iyon ay mas mahina pa sa mga sisiw na hindi mabubuhay sa isang hampas, siya ay talagang nabigo. Ang mataas at nangangalit na lukso ay biglang namatay at naging kalmado sa parang isang lawa na wala ni munting alon sa ibabaw.

Nang Makita ni Lei Chen si Qiao Chu at ang iba na nakaupo na, ang kislap sa kaniyang mata ay nagliwanag.

Naramdaman niya na nasaring niya ang isang mahalagang paksa ngayon.

Spirit 

Inisip niyang nag-aalala si Qiao Chu sa kalagayan ni Jun Xie, ngumiti si Lei Chen at sinabi: "Isang mula sa Dragon Slayers Academy nga. Ngunit may kilala akong ilang tao mula sa Dragon Slayers Academy at si kapatid na Jun ang pinaka bata na kalahok sa buong paligsahan, ngunit ang kalabanin ang isang tulad niyon sa unang sabak ay hindi nararapat. Magtutungo ako sa Dragon Slayers Academy upang kausapin sila at sasabihin na maghinay sa laban bukas."

"Kahit nais nila na maging matindi… hindi iyon imposible." Bulong ni Qiao Chu sa sarili. Bagaman ang spirit power level ni Jun Wu Xie ay mas mababa sa kanila, ang pagdusahin ang grupo ng Dragon Slayers Academy ay hindi magiging mahirap sa kaniya. Hindi man segundo, ngunit ang lalaking iyon mula sa Dragon Slayers Academy ay hindi magtatagal ng tatlong laban.

"Ano iyon?" tanong ni Lei Chen, hindi niya malinaw na narinig ang sinabi ni Qiao Chu.

"Wala! Wala!" sagot ni Qiao Chu at mabilis na iwinasiwas ang kaniyang kamay.

Ang serbidor ng Immortal's Loft ay nagsilbi ng mabango at masarap na pagkain sa lamesa. Nakipagkwentuhan at biruan si Lei Chen sa kanila, sinasadya at hindi na inilapit ang sarili sa grupo. Maging ang tahimik na si Jun Xie ay nagsalita ng ilang linya sa kaniya at lihim iyong nagbigay ng kasiyahn sa kaniya, pakiramdam niya ay makukuha niya si Jun XIe at ang mga kasama nito.

Nagkaroon sila ng masayang oras at ang lahat ay napainom ng sobra. Lihim na sinulyapan niya si Jun Xie na ngayon ay nakayukyok sa lamesa at tuwa ay biglang nakita sa kaniyang mga mata.

Malalim na ang gabi at ang medyo lasing na si Lei Chen ay tinulungan ng kaniyang mga guwardiya upang makasakay sa kaniyang karwahe at makaalis sa Immortal's Loft.

Samantala sa loob ng Immortal's Loft, inilabas ni Jun Wu Xie ang elixir na makakaalis ng kalasingan at ininom iyon. Ang kalasingan niya ay unti-unting nawala hanggang sa wala ng bakas na natira.