Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 790 - Simula ng Labanan (5)

Chapter 790 - Simula ng Labanan (5)

"Tulad ng isang may lamat na palayok na binasag ang kaniyang sarili. Dahil alam niyang wala na siyang pag-asa manalo, ay hindi na niya gagwin ang naka-ugalian?" panunuyang sabi ng ibang kabataan. Ang iba sa kanila ay alam na hindi nila malalampasan ang unang labanan ng Spirit Battle Tournament, ngunit kahit gaano pa sila kahina, ay hindi nila magagawa na umalis doon.

Magpapakita lamang iyon ng pagiging mahina nila kaya minabuti nila na manatili upang kahit paano ay makakuha sila ng karanasan kahit imposible na makuha nila ang tagumpay ngunit sila ay mayroong matututunan sa kanilang mga karanasan sa Spirit Battl Tournament.

Ang makita ang ginawa ni Jun Wu Xie na umalis at hindi nanood kahit isang laban ay hindi pa kailanman nangyari.

"Ha ha. Hindi naman siguro niya intensiyon na maging bastos ngunit ang mabunot ang parehong numero ni Senior Lin siguro ay natakot na siya manatili pa rito ng mas matagal." Malakas na sabi ng isang binatilyo na nakaupo malapit sa disipulo ng Dragon Slayers Academy ng makita na umalis sa arena si Jun Wu Xie, nais niyang marinig upang maipakita niya ang paghanga para sa isang disipulo ng iginagalang na Dragon Slayers Academy.

"Marahil natakot siya ng lubusan ni Senior Lin. Sa aking palagay ay hindi na siya lalaban at ipapatalo na niya agad sa oras na siya na ang aakyat sa entablado." Malakas na sabi pa ng isang kabataan, hindi makakapayag na matalo sila walang kahihiyan na pagsipsip.

Mula sila sa isang maliit na paaralan at alam nila na ang kanilang kapangyarihang taglay nila ay maliit at hindi gaanong mahalaga sa lugar na iyon, kaya imposible sa kanila ang makakuha ng resulta na maipagmamalaki nila. Kaya naman, naisip nila na sumipsip sa mga disipulo mula sa malalaki at kilalang paaralan sa pag-asa na makakakuha sila ng benepisyo sa hinaharap sa pamamagitan ng pakikisama sa mga matataas. Si Qu Ling Yue mula sa War Banner Academy ay isang babae at kung lalapitan nila ito sa agresibong paraan, maaaring masampal lamang sila sa kanilang mga pagmumukha para sa kanilang pagsisikap, kaya ang Dragon Slayers Academy ang pinakamabuting piliin doon, na makikita sa karamihan ng disipulo na nakapalibot sa disipulo ng Dragon Slayers Academy, lahat ay nais na mapalapit sa kaniya.

Isang ngiwi ang namutawi sa bibig ni Lin Qi habang tinitingnan niya ang malaking grupo ng mga disipulo sa kaniyang paligid na pinupuri siya hanggang langit, ngunit hindi niya maramdaman ang tuwa o galak sa kaniyang puso.

[Anong seremonya ang sinasabi nila? Ang halimaw na iyon ay hindi mag-aaksaya ng oras sa kumpetisyon na ito pwede ba? Sa mata ng isang green spirit, ang kumpol ng red spirit at orang spirit ay tila mga paslit lamang na naglalaro ng mga pambatang laro! Isang pag-aaksaya lamang iyon ng oras!]

Walang luha si Lin Qi na pinilit mapanatili ang kaniyang mahinahon na hitsura at sa lahat ng direksyon sa kaniyang paligid ay naririnig ng kaniyang tainga ang tunay at maingay na papuri. Kung sa ibang araw nangyari ito malamang ay matutuwa siya sa lahat ng pagsamba na patungkol sa kaniya, ngunit sa pagkakataon na ito… ay wala siya sa kondisyon.

Ni isang sandal ay hindi siya nagduda na pagkatpos ng laban niya kay Jun Wu Xie ay nasa nakakalungkot na sitwasyon siya!

Sinampal sa publiko ng isang green spirit!

Lahat ng pagpupuri sa kaniya ngayon ay magbabaon lamang sa kaniya sa isang hamak na kailaliman matapos ang araw na paglalaruan siya ni Jun Wu Xie!

Ang maisip lamang iyon ay nagpakita na sa kaniya ng isang trahedya na maaaring maganap.

Nang maisip niya na sa ilang araw ay pahihirapan at ipapahiya siya ni Jun Wu Xie sa mata ng lahat, ay hindi na matiis ni Lin Qi na manatili pa ng matagal sa loob ng battle arena. Ninais niyang patayin ang sarili ng malaman na si Jun Wu Xie ang kaniyang haharapin at ng kaniyang maalala ang nangyari sa Crown Prince's Residence kung saan siya at ang kapwa niya mga disipulo ay hinamon sa isang away si Jun Wu Xie, natakot siya na maalala iyon ni Jun Wu Xie at gumanti sa kaniya sa labanan! Nang marating niya ang konklusyon na iyon ay hindi na magawa ni Lin QI na manatili na lamang sa kaniyang upuan. Tumalon siya sa kaniyang upuan at mabilis na tumakbo kasunod ni Jun Wu Xie.

[Hindi dapat mangyari iyon! Kailangan ko isalba ang aking sarili!]

Ang biglaan at mabilis na pag-alis ni Li Qi ay nagdulot ng isa pang kaguluhan sa mga disipulo. At bago mawala ang matataas na boses ng mga nagdedebate ay mabilis na tumayo si Qu Ling YUe at tumakbo rin palabas sa arena.

Ang pag-alis ng tatlong katao ng magkakasunod ay nagdulot ng pagtataka at pagkalito sa mga kabataan na nasa first district. Tinitigan nila ang bawat isa ng may pagtatanong ng mga sandaling iyon, bago nila ibinalik ang kanilang mata sa entablado na nasa harapan nila.

Related Books

Popular novel hashtag