Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 783 - Ang Piging (10)

Chapter 783 - Ang Piging (10)

"Ayos lang ako." Hindi inabala ni Jun Wu Xie ang kaniyang sarili upang hulaan ang dahilan kung bakit bigla ay nagbago ang asal ni Lei Yuan kaya tinapunan lamang niya ito ng dalus-dalos na sagot bago nagmadaling tumalikod upang ipagpatuloy ang kaniyang paghanga sa napakagandang hardin na iyon sa ilalim ng liwanag ng buwan.

Kahit naging suplada si Jun Wu Xie sa kaniyang pagsagot ay hindi sumama ang loob ni Lei Yuan doon kahit kaunti at sa halip ay naglakad palapit at nagpatuloy na makipag-usap. "Mabuti naman at ayos ka lang. Kami ang tagapangasiwa ng Spirit Battle Tournament at magiging kakulangan namin kung hahayaan namin na magkaroon ng pinsala ang mga kalahok bago ang paligsahan."

Sinulyapan lamang ni Jun Wu Xie si Lei Yuan habang patuloy sa paglago ang paghihinala sa kaniyang puso.

Ang pakikitungo ni Lei Chen ay naging palaisipan na sa kaniya dahil ang pagbagsak ng Zephyr Academy ay walang maidudulot na maganda dito ngunit nagpumilit si Lei Chen na dumikit sa kanila. Ang bagay na iyon ay kasuklam-suklam kaya minabuti niyang iwasan si Lei Chen. At ngayon, isang Lei Yuan naman ang lumalapit. Sadya nga ban a lahat ng prinsipe ng Yan Country ay ganito? Pinanganak ba sila na matigas ang mga ulo?

Bukod sa kaniyang kapamilya at mga kasama ay wala ng iba pa na gusting kausapin si Jun Wu Xie. Patuloy sa pagdaldal si Lei Yuan kaya pumakli si Jun Wu Xie sa pagsasabi ng: "Babalik na ako."

At tahimik na siyang naglakad pabalik sa piging.

Naumid si Lei Yuan at bakas iyon sa kaniyang mukha na aninag sa liwanag ng buwan. Ang buong akala niya ay nakakaramdam si Jun Xie ng pagkadisgusto kay Lei Chen kaya ganun na lamang ang pakikitungo ni Jun Xie kay Lei Chen ngunit sa naging pakikitungo nito sa kaniya ngayon, naisip niya na ang batang iyon ay may malamig na personalidad at hindi magbabago iyon kahit sino pa ang lumapit.

"Second Prince?" mahinang tanong ng tagapagsilbi na nasa tabi ni Lei Yuan ng makita niya na nanigas ang matabang mukha ng Second Prince sa kalagitnaan ng pagsasalita.

"Balik sa piging!" biglang sabi ni Lei Yuan sa ilalim ng nangangalit niyang panga. Bukod kay Lei Chen, wala ni isa man ang nagtangka na hindi siya pansinin ng ganoon. Muntik na siyang magwala sag alit ngunit ng maalala niya ang maliwanag na pagbabaga ng green spirit na lumabas mula sa katawan ni Jun Xie kanina ay pinigilan niya ang kaniyang galit at hindi na naglakas-loob na umakto ng masama.

Kahit anupaman ang maging tugon ni Jun Xie kay Lei Chen, naisip ni Lei Yuan na hindi tama na kalabanin ang isang bata na mayroong abot langit na kapangyarihan.

Ang piging ay nagsimula na at si Lei Chen ay masayang nakikipag-usap kay Qu Ling na nasa kaniyang tabi ng mahagip ng kaniyang mata na noong umalis si Jun Xie ay ilang disipulo ng Dragon Slayers Academy ang mabilis na sumunod sa kaniya. Malinaw sa kaniya kung ano ang tunay na pakay ng mga disipulo ng Dragon Slayers Academy at walang balak si Lei Chen na pigilan iyon. Sa dalawang pagkakataon na nakasalamuha niya si Jun Xie ay naintindihan na niya na ang bata ay hindi ganun kadaling malapitan at kung nais niya talaga na makuha ang loob ni Jun Xie, kakailanganin niya gumamit ng mga hindi karapat-dapat na paraan.

At walang kamalay-malay ang Dragon Slayers Academy na sila ang magbibigay sa kaniya ng "tulong" sa bagay na iyon.

Sabik ng makita ni Lei Chen kung anong uri ng "libangan" ang ibibigay ng mga disipulo ng Dragon Slayers Academy kay Jun Xie. Kung pahihirapan ng kaunti ang malamig at hindi malapitan na batang iyon at kaniya itong ipagtatanggol ay mas madali upang ang kaniyang relasyon kay Jun Xie ay maging maayos.

Ngunit habang iniisip ni Lei Chen ang iba't ibang senaryo kung saan ay darating siya upang ipagtanggol si Jun Xie, ay bigla niyang nakita ang mga disipulo ng Dragon Slayers Academy na nagtatakbuhan pabalik, ang mga mukha nila ay putlang-putla. Nagbalikan sila sa kanilang mga kinauupuan ng walang salita, ang balat nila ay namumutla, ang kanilang hitsura ay hindi mukhang nagtagumpay mula sa isang matamis na pagganti.

Nagdikit ang kilay ni Lei Chen. [Bakit ang reaksyon ng mga disipulo ng Dragon Slayers Academy ay ibang-iba sa inaasahan niya?]

[Hindi ba umalis sila upang harapin si Jun Xie? Bakit ang hitsura nila ay mukhang nakakita ng isang multo?]

Patuloy na bumubulong si Lei Chen sa kaniyang sarili ng Makita niya ang isang maliit na anyo na naglalakad sa daanan papunta sa piging.

Wala siyang nakita na kahit isang sugat o galos kay Jun Xie at maging ang damit nito ay maayos pa at walang lukot na makikita. Ang ekspresyon sa mukha nito ay kalmado pa rin, katulad ng hitsura niya nung siya ay umalis.

[Hindi kaya na ang mga disipulo ng Dragon Slayers Academy ay hindi nagawa na mahanap si Jun Xie?]