Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 778 - Ang Piging (5)

Chapter 778 - Ang Piging (5)

Wala sinuman sa mga disipulo ng ibang paaralan ang magsasalita ng hindi maganda tungkol

kay Lei Chen. Kaya iyon ay napunta lahat kay Jun Wu Xie na nakatnggap ng kakaibang atensyon

mula kay Lei Chen, at iyon ang naging dahilan upang ang karamihan ay magselos sa kaniya.

"Kung ikaw ay masyadong bata, ay huwag ng lumahok sa Spirit Battle Tournament. Hindi tayo

naglalaro lamang dito." Saad ni Lei Yuan, nabaling sa iba ang kaniyang paningin. Ngumisi siya

sa kaniyang sarili at mabilis na gumawa ng dahilan upang makaalis sa piging ng ilang sandali.

Nakita niya ang disipulo ng Dragon Slayers Academy na sumunod kay Jun Xie ng ito ay umalis

sa piging at alam niya na may magandang palabas na magaganap, kaya bakit hindi niya

nanaisin na makita iyon?

Pinanood ni Lei Chen nang umalis si Lei Yuan, bakas pa rin sa mukha niya ang banayad na ngiti,

ngunit sa kaniyang mata ay makikita na nagtagumpay ang kaniyang masamang hangarin.

[Ang matalino at magaling ay hindi kailangang dungisan ang sarili niyang kamay, ngunit gamitin

ang mga nasa paligid niya upang makuha ang inaasam niya!]

...

Ang opisyal na tirahan ni Lei Chen ay nararapat lamang para sa Crown Prince ng

pinakamalaking bansa. Mula sa harap hanggang sa likod, iyon ay binuo ng apat na

magkakahiwalay na parte. May kaniya-kaniya iyong patyo at sa ilalim ng liwanag ng buwan,

makikita ang lawa, at ang hardin na may luntiang damo ay puno ng bato. Napapaligiran ng mga

parol ang paligid at ang liwanag na mula sa buwan, ang lugar na iyon ay nakakamangha, tila

isang magandang larawan na ipininta, ang karangyaan sa Crown Prince's Residence ay

nabigyang-diin.

Sa mga oras na iyon, karamihan ng mga kabataan na dumating sa Crown Prince's Residence ay

nasa piging. Sa halip na hangaan ang ganda ng Crown Prince's Residence, ay mas pinili nila na

makuha ang paghanga ni Lei Chen. Sabagay, ang magkaroon pinakamalaki at pinakamayaman

na bansa, kung makukuha nila ang mata ni Lei Chen, ay magkakaroon sila ng malakas na kapit

sa Yan Country sa oras na umakyat si Lei Chen sa trono. Magkakaroon sila ng pagkakataon

upang mabili na umangat, kaya wala ni isa man sa kanila ang palilipasin ang pagkakataong

iyon.

Tanging si jun Wu Xie lamang ang nasa hardin sa parteng iyon ng Crown Prince's Residence.

May mangilan-ngilang guwardiya ang nagroronda sa lugar, at ng makita nila ang uniporme ni

Jun Wu Xie, at nasigurong siya ay isang bisita sa piging, ay hindi na nila ito pinansin.

Sa katahimikan ng gabi, ang hardin ay tahimik. Kumpara sa ingay ng piging, mas naramdaman

ni Jun Wu Xie na komportable siya sa lugar na iyon.

Inilapag niya ang pusang itim sa lupa at bumulong: "Humayo ka at mag-imbestiga."

Saglit na sinulyapan ng itim na pusa si Jun Wu Xie at mabilis ng tumakbo, ang munti nitong

katawan ay humalo sa dilim ng gabi. Dahil sa munti nitong katawan, ay hindi mapapansin ng

karamihan ang presensya ng itim na pusa.

Kung hawak ni Lei Chen ang mapa, ibig sabihin ay nakikipagsabwatan siya sa isa sa Twelve

Palaces. Walang intensyon si Jun Wu Xie na makipaglaban sa Twelve Palaces sa ngayon,

kailangan lamang niya masiguro na walang miyembro ng Twelve Palaces sa loob ng Crwon

Prince's Residence.

Kaaalis lamang ng pusang itim ng may marinig na mga yabag ng paa mula sa kaniyang likod si

Jun Wu Xie.

"Masasabi ko na ang Zephyr Academy ay talagang bumabagsak na mula sa hindi mabuti

papunta sa mas malala pa. Nagawa pa nilang magpadala ng isang munting bata upang

lumahok sa Spirit Battle Tournament! Hindi maganda kung ang manipis na mga braso at payat

na hita na yan ay mabali sa paligsahan." Isang boses na puno ng sarkastiko ang narinig niya,

binasag nito ang katahimikan sa hardin, at ilang kabataan na nakasuot ng uniporme ng Dragon

Slayers Academy ang biglang nagpakita.

Lumingo si Jun Wu Xie upang titigan ang matatangkad na kabataan, ang mata niya ay malamig

at kasing linaw ng tubig.

"Bata, masarap ba sumipsip sa Crown Prince?" saad ng isa sa mga disipulo ng Dragon Slayers

Academy, may pangmamata na tiningnan si Jun Wu XIe, makikita sa kaniyang ekspresyon na

wala siyang balak makipagkaibigan.

Ang relasyon ni Lei Chen sa tatlong piling paaralan ay nanatiling pareho, mas malapit lamang

siya ng bahagya sa War Banner Academy. Ngunit ang bagay na iyon ay madaling intindihin

sapagkat nag-aral si Lei Chen sa War Banner Academy noon. Subalit, sa pagkakataon na iyon

nagawa ni Lei Chen na maging malapit sa Zephyr Academy at ang mga tao mula sa Dragon

Slayers Academy ay hindi iyon ikinatuwa.

"Bumagsak na ang Zephyr Academy at ang gagawin ninyo ay magsulsol ng mga tao?

Nakakhiya." Nakangising sabi ng isa pa, ang mata niya ay binista si Jun Wu Xie mula ulo

hanggang paa.