Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 772 - Ang Saloobin ng Bawat Isa (2)

Chapter 772 - Ang Saloobin ng Bawat Isa (2)

"Bilang Crown Prince ng Yan Country, naniniwala ako na lahat ng kalahok ay ngayon pa lang

nakarating dito sa Yan Country at nararapat lamang na maging punong-abala ako kaya nais ko

na imbitahan kayong lahat na sumama sa piging na mangyayari bukas at ako ay mag-iimbita

din ng mga dsipulo sa iba't ibang paaralan upang hangaan ang kabilugan ng buwan." Walang

abog na pag-iimbita ni Lei Chen habang sila ay naguusap-usap.

Walang reaksyon si Fan jin tungkol sa bagay na iyon dahil ito ay naging tradisyon na ng Yan

Country. Matapos magtipon-tipon ng mga paaralan ay magsasagawa ng piging ang Yan

Country at iimbitahan ang mga disipulo mula sa iba't ibang paaralan. Itinuring iyon na tila isang

pista upang salubungin ang iba't ibang paaralan, ngunit sa totoo lamang, sa pamamagitan ng

piging na iyon ay magkakaroon ng pagkakataon ang Yan Country na obserbahan ang mga

disipulo upang malaman kung sino ang mas may higit na talento at may malaking potensyal na

maaaring kunin ng Yan Country.

Iyon dapat ay isang magandang balita ngunit…

Lihim na tumingin si Fan Jin kay Jun Wu Xie at sa iba pa. Matapos nila magbalik mula sa

bulwagan ay hindi sila gaanong nag-usap at ang asal na pinapakita nila kay Lei Chen ay

masasabing hindi gaanong masigla.

Kung ang ibang disipulo mula sa ibang paaralan ay magdudumali upang makadikit sa isang

nakakataas na tulad ni Lei Chen, iba ang kila Jun Wu Xie at mga kasama niya…

Nararamdaman ni Fan Jinn a karamihan sa kanila ay walang pakialam sa posisyon ni Lei Chen

bilang Crown Prince.

Tahimik na nagmumuni-muni si Fan Jin kung tatanggapin o hindi ang imbitasyon ng biglang

magsalita si Jun Wu Xie: "Kami ay makakagambala pa sa inyo."

Tumalon sa tuwa ang puso ni Lei Chen at sumagot siya sa sinabi ni Jun Wu Xie na may banayad

na ngiti sa labi: "Hindi, ako ay hihingi ng tawad sa aming mga bisita sa huling pagbibigay ng

mga imbitasyon. Ang munting binatang ito ay mukhang bata pa ngunit nagawa mo ng

makakuha ng puwesto upang lumahok sa Spirit Battle Tournament, kung gayon ay isa kang

talentadong bata. Maaari ko ba malaman ang iyong pangalan?"

Matiim na tumingin si Jun Wu Xie kay Lei Chen bago sumagot: "Jun Xie."

"Ah… Ang munting Jun. Kung hindi ako nagkakamali, ikaw ay wala pa sa edad na labing lima

tama ba? Nakita ang listahan ng mga kalahok mula sa Zephyr Academy para sa Spirit Battle

Tournament at nagulat ako ng mabasa ko ang imprmasyon tungkol sa iyo, hindi ko inaasahan

na mayroong batang kalahok. Ngayon na nakita na kita, masasabi ko na ang Headmaster na si

Fan Jin ay may kakaibang mata upang makakita ng talento." Saad ni Lei Chen, sinubukan niya

kunwari ang maging mabait at pamilyar, ang banayad na tono ng boses niyo ay pinuri pa si Jun

Wu Xie. Wala siyang panahon sa iba pa na mula sa Zephyr Academy at kundi dahil kay Jun Xie,

ay hindi siya mag-aabala na pumunta doon ngayong gabi.

Ngunit nanatiling tahimik si Jun Wu Xie at hindi nagsasalita, ang kaniyang mga mata ay kasing

linaw ng tubig, kung kaya inakala ni Lei Chen na ang bata ay walang muwang sa mundo,

nagtataglay ng kakaibang abilidad at hindi kapani-paniwala na talento ngunit dalisay at payak

ang pag-iisip, ang ganitong uri ng tao ay madaling manipulahin.

Masayang-masaya ang puso ni Lei Chen kaya sinubukan niya na paglipitin ang distansya sa

pagitan nila ni Jun Xie. Malakas ang paniniwala niya na walang makakatanggi sa pagkakaibigan

na dala ng Crown Prince!

Subalit ng marinig ni Jun Xie na tinawag siyang "munting Jun" ng Crown Prince, ay hindi

naiwasan na magtaas siya ng kilay, nagpakita iyon ng pagkadisgusto, at wala siyang pakialam

kahit na Crown Prince pa si Lei Chen.

Bukod pa doon, ang dalawang salita na "Crown Prince" ay isa lamang ang ibig sabihin para kay

Jun Wu Xie… Tanga!

Si Mo Qian Yuan ay isa ring Crown Prince at kung hindi dahil kay Jun Wu Xie ay hindi mapag-

uusapan ang tungkol sa trono dahil hind nito magagawa na ibalik ang sarili niyang buhay.

Maaaring ang akala ni Lei Chen ay praktikal ngunit sa harap ni Jun Wu Xie ito ay mali.

Bilang isang tao na nagtaas ng isang walang silbi na Crown Prince upang maging isang Emperor

sa Eldest Young Miss ng Duke palace, ang titulo ni Lei Chen ay hindi nagpabilib sa kaniya.

Nagawa nga niyang alisin sa trono ang isang Emperor, ano pa kaya ang isang Crown Prince

lang?

Nang tanggapin ang imbitasyon, ay hindi na binigyang pansin pa ni Jun Wu Xie si Lei Chen at

binaba na lamang ang tingin niya upang haplusin ang pusang itim na nasa kaniyang braso.

Nang maramdaman ni Lei Chen na hindi na siya binigyang pansin apkiramdam niya ay sinampal

siya at higit pa roon ay naging palangiti at magiliw siya sa mga ito. Ninais ni Lei Chen na

makipag-usap pa kay Jun Wu Xie upang lumiit ang distansya sa pagitan nila, upang maging

malapit si ni Jun Xie, ngunit ang mga salitang iyon ay nanatili na lamang sa kaniyang

lalamunan!