"Anim na katao?" tanong ni Qu Ling Yue, nanlaki ang kaniyang mga mata, naisip niya na ang
bilang na iyon ay hindi kapani-paniwala.
Hindi mahalaga kung anong akademya man iyon, nais sana ng lahat na punuin ng maraming
kalahok ang Spirit Battle Tournament. Ni minsan ay hindi pa nangyari na ang isang akademya
ay nagpakita na kulang sa sampung katao ang kalahok para sa paligsahan. Ang kaganapan na
iyon ay hindi pa nangyari kalianman sa Zephyr Academy, hindi sa kasaysayan ng paligsahan.
Tumango si Lei Chen. "Ang pangyayari sa Zephyr Academy sa huling nakaraang tao ay
masyadong malaki, at nagdulot iyon ng malaking pagkaubos ng mga disipulo at guro. Nakita ko
ang listahan na ibinigay ng Zephyr Academy para sa Spirit Battle Tournament. Hindi pamilyar
sa akin ang anim na pangalan at hindi ko pa narinig ang tungkol sa kanila noon. Ang tanging
tao na kilala ko lamang sa listahan ay ang kapatid ni Fan Jin, si Fan Zhuo."
"Hindi maaari... Ang taong iyon na may malubhang sakit ay kalahok sa paligsahan ngayong
taon?" Ang binata na nanatiling tahimik simula kanina ay gulat na nagsalita ng marinig niyang
banggitin ang pangalan ni Fan Zhuo na tila nakakita siya ng isang multo.
Natatawang sumagot si Lei Chen: "Tama. Lahat ng nakakakilala kay Fan Zhuo ay batid na ito ay
mahina at sakitin. Ngunit kahit ano pa man ang kaso tila pinilit siyang lumahok ngayong taon
na ito. Ipinadala na yata lahat ng Zephyr Academy ang mayroon sila upang makilahok sa Spirit
Battle Tournament ngayong taon at natatakot ako na ang anim na kalahok ang
pinakamagagaling nila matapos nilang masagad sa kanilang limitasyon."
Pumalatak ang dila ng binata at nagsalita: "Tingin ko ay walang balak ang Zephyr Academy na
makakuha ng anumang puwesto ngayong taon. Hindi… sa madaling sabi, wala silang taglay na
kakayahan na makipaglaban. Naisip ko na hindi magtatagal, ang Zephyr Academy ay
matatanggal bilang isa sa tatlong napili na magandang akademya. " Habang sinasabi iyon, ang
binata ay inoobserbahan ang ekspresyon ni Qu Ling Yue at sinadya niyang sabihin: "Ang
magagaling na guro noon ng Zephyr Academy malamang ay nag-alisan na at ang mga natira ay
iyong mga wala gaanong kakayahan. Sa aking palagay ay hindi mas may edad ang lalaking iyon
sa atin, kaya gaano siya katalino? Tingin ko ay tama si Senior Fu, na kahit anong ganda ng
hitsura ng panlabas na anyo ng isang tao, ito ay panlabas lamang. Kung siya ay walang
kakayahan ay mananatili siyang mangmang."
Pinandilatan ni Qu Ling Yue ang binata at lumabi bago tumalikod, hindi niya nais na kausapin
pa ito.
Nang makita na hindi siya pinapansin ni Qu Ling Yue ang binata ay walang ibang magawa kundi
ang maupo at magmaktol sa isang sulok.
Si Fu Xuan ang nakapansin niyon at tinapunan niya ng tingin ang nakangiting si Lei Chen bago
ngumiti at nagsalita: "Ling Yue, hindi ka dapat nagagalit dahil lamang sa isang tao na mula sa
Zephyr Academy alam mo ba iyon?" Huwag mo sabihin sa akin na talagang nagustuhan mo
siya? Dapat mong maintindihan na kahit gustong-giusto mo siya, kung tungkol sa kaniyang
pagkakakilanlan ay hindi papayag ang iyon ama na magsama kayo."
"Senior Fu! Ano ba angsinasabi mo! ? Akin lamang… Akin lamang naisip na siya ay talagang
makisig at hinahangaan ko ang kaisigan niya, yun lamang! Ayoko ng pag-usapan pa ang tungkol
dito! Ako… Ako ay kailangan ng umalis!" Namula ang mukha ni Qu Ling Yue kasing pula ng
isang beetroot at siya ay mabilis na tumakbo.
Sinulyapan ni Fu Xuan ang binata na blankong nakatingin sa kabilang dako ng silid at sinabing:
"Ang hayaan si Ling Yue na umalis mag-isa ay delikado. Ikaw ay humayo na upang samahan
siya."
Tumango ang binata at madali ng umalis.
Tanging si Lei Chen at Fu Xuan ang naiwan sa pribadong silid.
"Isnag mangmang? Naisip ko na papasa ang hitsura ng lalaking iyon sa pamantayan ng aking
Junior Fu, hindi ba?" naglakada si Lei Chen upang maupo sa tabi ni Fu Xuan, isang ngiti ang
nasa kaniyang mukha. Ang kaniyang mga kamay ay walang pasubali na pumunta sa balikat ni
Fu Xuan at malambing siyang niyakap.
Bantulot na tumanggi si Fu Xuan habang siya ay nahulog sa mga braso ni Lei Chen at
nahihiyang sinulyapan ito bago itinaas ang kaniyang daliri at nilagay dibdib ni Lei Chen.
"Ang hitsura ba niya ay talagang papasa sa aking pamantayan o ikaw ang may nais na ang
kaniyang hitsura ay pumasa sa aking panlasa? Bakit? Nakita mo si Ling Yue na nagugustuhan
ang lalaking iyon at ikaw ay nagseselos?"
Ngumiti si Lei Chen at nagsalita: " Kilalang-kilala mo talaga ako Little Xuan, tingin ko alam mo
na ang dapat gawin."
Tumingala si Fu Xuan kay Lei Chen at malanding tumawa bago niya inihiga ang kaniyang ulo sa
dibdib nito.