"Ngunit dahil gustong malaman ni Ling Yue kung ang Grand Adviser ba o ang lalaking iyon ang
mas makisig, marahil ay mas mabuti kung tutulungan siya ni Little Xuan upang linawin ang
kaniyang agam-agam at magkukunwari ako na walang narinig na kahit ano at hindi iyon
sasabihin sa Grand Adviser." May tuwa sa mata na sinabi ni Lei Chen habang nakatingin kay Fu
Xuan na nakaupo sa isang tabi, batid sa tono ng boses nito ang lambing.
Namula si Fu Xuan at kita sa mga mata niya ang tuwa at saka sumagot: " Hindi ko masasabi
kung sino ang mas makisig sa kanilang dalawa. Ang mas importante ay ang kalooban, at kung
ating titingnan lamang ang kanilang mga hitsura, maaaring sa huli ay maanda lamang ang
panlabas na anyo nito ngunit isa pa lang hangal."
Maaaring sinabi iyon ni Fu Xuan ng wala sa loob ngunit puwede rin na binansagan niya si Jun
Wu Yao at ang Grand Adviser na hangal na ipinapahiwatig ng kaniyang sinabi.
Ang puro at hindi kumplikado na pag-iisip ni Qu Ling Yue ay walang pasaring ngunit nakuha ni
Lei Chen ang nais nito sabihin. Ngumiti lamang siya at hindi na nagsalita.
Napansin ni Fu Xuan ang reaksyon ni Lei Chen at siya ay napangiti.
"Ang lalaking iyon ay mukhang maginoo. Nang dumating sila ay lagi niyang pinoprotektahan
ang kaniyang kasama. Ako ay nagtataka kung ang munting kasama niya ay ang kaniyang
nakababatang kapatid o anuman, siya ay malambing dito." hindi ganap na nakuha ni Qu Ling
Yue ang punto ni Fu Xuan at siya ay nagtungo sa bintana upang titigan ang gwapong lalaki, ang
kaniyang mga mata ay puno ng paghanga.
Tumawa si Lei Chen at sinabi: "Oh? Anong uri ba ng lalaki ang makapagpapatibok sa puso ni
Ling Yue? Nahulog na ba ang puso mo sa kaniya?"
Namula ang mukha ni Qu Ling Yue at siya ay mabilis na umiling at sinabing: "Isang makisig na
lalaki lamang siya sa aking paningin at walang iba pa!" Hindi niya tinangka pa na tumingin sa
mata ni Lei Chen ng sabihin iyon.
Naningkit ang mata ni Lei Chen ngunit mabilis din iyon nawala. Nagpanggap siya na walang
anuman iyon at sinabi: "Tingin ko ay dapat ay makita ko mismo kung gaano kagwapo ang
lalaking iyon at ikaw ay nahipnotismo at nangingislap ang mga mata."
Pulang-pula ang mukha ni Qu Ling Yue.
Sinundan ng tingin ni Lei Chen ang tingin ni Qu Ling Yue at ngayon ay nakitingin na sila sa
parehong direksyon. At tulad ng inaasahan, sa isang tagong sulok, nakita niya ang isang lalaki
na walang kapantay ang kakisigan. Ang tuwa sa kaniyang mata ay mabilis na napalis at
tumingin siya kay Qu Ling Yue at sinabi: "Kilala mo ba ang lalaing iyon?"
Umiling si Qu Ling Yue.
Sumagot si Lei Chen: "Siya ay mula sa Zephyr Academy."
"Ano?" natigilan si Qu Ling Yue.
Siya ay nagmula sa War Banner Academy at ang Dragon Slayers Academy at Zephyr Academy
lamang ang kayang makipagsabayan sa kanila. Simula noon pa man, ang tatlong akademya na
ito ay matindi ang kumpetisyon sa pagsugpo ng mga kalaban at ang mga disipulo ng bawat
akademya ay hindi nagkakasundo. At kapag may pagkakataon na ang mga disipulo ng tatlong
akademya ay nagkakatagpo ay hindi maiiwasan na lumabas ang kanilang pagiging
magkakakumpetinsya.
"Nagmula siya sa Zephyr Academy? Paano mo ito nalaman Kamahalan?" mabilis na tanong ni
Qu Ling Yue.
Sinagot siya ni Lei Chen: "Kararating lamang nila sa siyudad kani-kanina lang. Nang sila ay
dumating, ang kanilang mga larawan ay ibinigay sa akin. Hindi lingid sa inyong kaalaman na
ang Emperor, ang aking ama, ay inatasan ako na pangasiwaan ang Spirit Battle Turnament
ngayong taon. Bagaman kailangan ko pa makihalo-bilo sa mga tauhan ng Zpehyr Academy
ngunit natatandaan ko ang kanilang mga mukha."
Sumimangot ang mukha ni Qu Ling Yue ng tumingin siya kay Lei Chen at ibinalik ang tingin sa
lalaki na nasa unang palapag.
"Ngunit kung pagbabasehan ang kaniyang edad, mukhang hindi siya makikilahok sa Spirit
Battle Tournament."
"Kahit hindi siya isang disipulo, maaaring nandito siya bilang isang guro o anuman. Nagpadala
lamang ang Zephyr Academy ng sampung katao ngayong taon at kasama doon ang
kasalukuyang Headmaster na si Fan Jin. Kabibigay lamang ni Fan Jin kanina ang listahan ng mga
pangalan na kalahok sa Spirit Battle Tournament ngayong taon, at tangin anim na katao
lamang mula sa Zephyr Academy ang kalahok." Siwalat ni Lei Chen.