Maayos na naisagawa ng Yan Country ang kanilang pagtanggap sa mga academy. Mayroong mga taong nakahanda na para batiin ang pagdating ng mga taga-Zephyr Academy.
Noong nakaraang taon ay tatlumpu ang dalang tao ng Zephyr Academy at ang Yan Country ay pinaghanda sila ng lugar para sa limampung tao. Kaya naman nang makita ng innkeeper ang sampung taong pumasok, nanigas ang ngiti sa mukha nito. Ngunit agad din itong nakabawi saka lumapit at binati sila.
"Mabuhay, aming mga bisita. Nakahanda na ang mga silid at iminumungkahi kong kayo ay magpahinga muna. Ihahanda lang namin ang inyong mga pagkain, pagkatapos niyong magpahinga ay maaari na kayong bumaba sa ikalawang palapag para kumain." Nakangiting saad ng innkeeper.
Tumango naman si Jun Wu Xie at nagtungo na sila sa kani-kanilang silid.
Nang makapasok si Jun Wu Xie sa kaniyang silid, ibinaba lang ni Jun Wu Xie ang kaniyang maleta at kinarga ang itim na pusa.
Isang buwan pa lang ang nakakaraan nang napagdesisyunan nilang sila ay sasali sa Spirit Battle Tournament. Ang sitwasyon sa Zephyr Academy ay gaya ng inaasahan ni Fan Jin. Ang mga disipulong may kakayahan ay hindi na bumalik at nagpadala na lang ng sulat. Ang mga bumalik naman sa Zephyr Academy ay ang mga mayroong sapat lang na lakas at husay na nasa tatlong daan lang ang bilang. Kung idadagdag ang mga napromote sa main division, ang bilang ng lahat ng disipulong iyon ay halos nasa apat na raan lang.
Kumpara sa dating bilang, wala pa iyon sa kalahati at kahit na kanila nang inaasahan iyon, hindi nila maiwasang malungkot.
Ngunit hindi ang pag-alis ng mga disipulo ang kritikal na isyu dito. Ang labis silang naaapektuhan ay ang pag-alis ng mga guro. Mayroon mahigit isangdaan ag guro sa Zephyr Academy noon, at ang nanatili doon ngayon ay halos sampu na lang.
Kaya naman dapat nilang paghusayan sa Spirit Battle Tournament ngayon upang maibalik nila ang dating reputasyon ng academy!
Karga ni Jun Wu Xie ang itim na pusa sa kaniyang bisig, hinahaplos nito ang balahibo nito habang nag-iisip ng kaniyang susunod na plano.
Si Fan Jin naman ay sampu ang inilistang sasali sa Spirit Battle Tournament ngunit nabigo silang makahanap pa ng disipulong may kakayahang makasali. Kaya naman nagdesisyon silang hindi na punuin ang sampu kaysa sa magdagdag pa ng disipulong sa huli ay ipapahiya lang ang pangalan ng Zephyr Academy.
Kaya naman hindi sumang-ayon si Jun Wu Xie sa suhestiyon ni Fan Jin bago sila umalis ng academy.
Sila lang ang kasali sa Spirit Battle Tournament, sila nina Qiao Chu, hindi kasama si Fan Jin.
Sa isang buwan na sila ay naghahanda, hindi lang tuluyang napagaling ni Jun Wu Xie si Fan Jin at Lord Meh Meh, sa tulong ni Jun Wu Yao, umangat din ang kaniyang spirit power at nasa rurok ng green spirit! Ilang araw na lang at makakamit na niya ang blue spirit. Mayroon nang nai handang ring spirit si Ye Sha at Ye Mei para sa maabot niya ang blue spirit. Hinahantay na lang niya ang kaniyang spirit power na magkaroon ng sapat na lakas para makapagpatuloy.
"Meh~" Nagsisimula na ulit tumubo ang balahibo sa katawan ni Lord Meh Meh. Nakahiga ito sa sahig sa may paanan lang mismo ni Jun Wu Xie.
Hindi pa gaanong mapapansin ang pagtubo ng balahibo sa balat ni Lord Meh Meh at makikita mo lang iyon kapag tiningnan sa malapit.
Ilang sandali ang lumipas ay may kumatok sa pintuan ng silid ni Jun Wu Xie. Hindi na hinintay ng kumatok na pagbuksan ito. Agad na itong pumasok sa silid ni Jun Wu Xie.
Nakasandal si Jun Wu Yao sa hamba ng pinto na may mapanuksong ngiti. Malalim ang tingin nito nang lumapit ito at umupo sa tabi ni Jun Wu Xie.
"Mahab ang ating paglalakbay, oras na para kumain." Nakangiting saad ni Jun Wu Yao.
Tumango naman si Jun Wu Xie at iniwan ang itim na pusa at Lord Meh Meh sa silid.