Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 741 - Ang Ika-walong Sampal (22)

Chapter 741 - Ang Ika-walong Sampal (22)

Hindi pa rin nakakabawi ang mga nakasaksi ng pambihirang lakas ni Jun Wu Yao.

Naestatwa si Ning Rui sa kaniyang kinatatayuan at namumutla ang mukha. Nanlalamig din ang kaniyang buong katawan sa mga oras na iyon.

[Tapos na...Talagang tapos...na tapos na...]

Ilang beses itong nabuhayan ng pag-asa ngunit sa huli ay nabigo din. Nasa kaniyang harapan ang mga katawang naliligo sa sariling dugo. Nakatitig si Ning Rui sa hindi malabong kahahantungan niya rin.

Siya ay binalot ng takot!

"Head...Headmaster...Ano nang...Ano nang gagawin natin..." Nanlambot ang mga tuhod ni Gongcheng Lei. Nang dumating ang mga lalaking iyon, akala niya ay pagkakataon na nila iyon para makabangon. Ngunit umikot ang kapalaran sa paraang hindi nila inaasahan.

Ang lalaking iyon sobrang makapangyarihan ay dinurog ang katiting na pag-asang nasa kanilang mga puso...

Nailigtas si Gu Ying at ang ilang mga natira ay namatay na. At ngayon ay nalaman ng mga itong silang dalawa ay naririto pa sa Zephyr Academy!

Nanginig si Ning Rui dahil sa tanong na iyon ni Gongcheng Lei. Inikot niya ang kaniyang tingin sa mga disipulong nasa kanilang paligid. Nakita niyang ang buong atensyon ng mga ito ay nasa makapangyarihang lalaki.

"Takbo...BIlis, takbo..." Iyon ang pumasok sa isipan ni Ning Rui. Wala na siyang pakialam sa ibang bagay. Yumuko siya na parang kuba at mahinang naglakad para makatakas.

Ngunit para naman siyang pinagkaitan ng Kalangitan.

"Uncle Ning, saan ka pupunta?" Nakatayo sa dadaanan ni Ning Rui si Fan Zhuo. Malapad itong nakangiti, maliban sa mga mata nitong parang demonyong nakatitig!

Lumukso ang puso ni Ning Rui dahil sa gulat saka ito natumba.

Si Gongcheng Lei naman na nasa likod lang nito ay lumuhod sa paanan ni Fan Zhuo, ang mukha nito ay puno ng luha: "Second Young Master, ang lahat ng ito ay kagagawan ni Ning Rui. Nabulag ako ng kaniyang mga pangako at tinulungan ko lang siyang itago ang katotohanan. Ang Headmaster ay pinatay niya at ni Gu Ying, bukod doon, wala na akong ibang alam!"

Hindi man lang tiningnan ni Fan Zhuo si Gongcheng Lei. Sinipa nito papalayo si Gongcheng Lei.

Masyadong nagtiwala at naging mabait ang kaniyang ama. Hindi nito naisip na nag-aalaga pala ito ng isang ahas!

Kahit na namumutla ang mukha ni Ning Rui, nang makita niya si Fan Zhuo, naglaho ang takot sa kaniyang puso. Alam na nito ang magiging kapalaran nito kaya heto at nagmamakaawa ngayon. Tinignan niya ang nagmamakaawang si Gongcheng Lei sa lupa saka napangisi.

"Tanga! Tingin mo may magagawa ang pagmamakaawa mo? Alam mong hindi madaling kalimutan ang ginagawa mo dating paglagay ng gamot sa kaniyang pagkain hindi ba?"

Nanginig ang katawan ni Gongcheng Lei dahil sa sinabing iyon ni Ning Rui.

Nagsalita naman si Fan Zhuo: "Tama si Uncle Ning. Wala sa isip ko ang hayaan at iligtas ka."

"At maging ikaw din." Tumitig si Fan Zhuo kay Ning Rui.

Sumagot naman si Ning Rui: "Winner takes all. Tinatanggap ko ang aking pagkatalo." Nagplano ito ng bawat galaw nito. Ngunit ang isang batang nagngangalang Jun Xie ay bigla na lang dumating at binulilyaso lahat ng kaniyang plano. Kung hindi dahil dito, nagtagumpay sana si Ning Xin na patayin si Fan Jin at napasakamay niya ang pamamalakad sa Zephyr Academy. Hindi sana sila humantong sa sitwasyong ito.

Simula pa lang, nang pinlano ni Ning Xin na gamitin si Jun Xie para dumihan ang pangalan ni Fan Jin, iyon ay isa nang malaking pagkakamali. At huli na para baguhin pa iyon.

Pagkatapos ay sunod-sunod nang nabulilyaso ang kanilang mga plano!

Ilang beses tinanong ni Ning Rui ang kaniyang sarili. Kung walang Jun Xie, nagtagumpay kaya siya?

Bigla na lang sumulpot ang batang iyon at sinira ang kaniyang planong ilang taon na niyang pinaghahandaan! At ngayon inilagay pa siya sa sitwasyong matindi niyang pagdurusahan!

Related Books

Popular novel hashtag