Kalmadong tiningnan ni Jun Xie si Gu Ying at nagsalita sa malambot na boses "Kahit pa hilingin mo, ikaw ang unang
makakakita at makakaalam kung taglay mo nga ang kakayahan na iyon."
Tumigas ang tingin ni Gu Ying at biglang inatake si Jun Wu Xie!
Sa sabay na Segundo, si Ye Sha ay tumalon sa kaparehong direksiyon ni Gu Ying at sa isang kislap, ang dalawa ay
naglaban na, ang alon ng kapangyarihan ay mararamdaman galing sa dalawang makapangyarihan enerhiya!
SI Jun Wu Xie ay tahimik na nanonood sa labanang nagaganap. Ang kaniyang mukha ay walang ekspresiyon, tila alam
niya na na sila ang magtatagumpay.
Sa kabilang banda, si Ning Rui ay hindi mapirmi. Habang nakikita niyang nahihirapan si Gu Ying sa pakikipaglaban kay Ye
Sha, sa tingin niya mas naging imposible ang patayin ang magkapatid na Fan. Pakiramdam ni Ning Rui ang kaniyang puso
ay bumara sa kaniyang lalamunan.
"Headmaster… aan… ano ang gagawin natin ngayon?" takot na tanong ni Gongcheng Lei, ang kaniyang mga tuhod ay
nanghihina. Maging siya ay natatakot sa kay Gu Ying, pero kapag si Gu Ying ang manalo, mananatili siyang buhay. Ngunit
kapag si Gu Ying ay matalo… ayaw na ni Gongcheng ituloy pa ang naiisip. Nang sinabi ni Ning Rui ang mga panunuya
kanina, iyon ay dahil sa pinanghahawakan nito na makakayang manipulahin ni Gu Ying lahat kaya naman matapang na
inamin lahat niNing Rui ang lahat.
"Tumahimik ka! Hindi matatalo si Gu Ying! Walang makakpantay sa kapangyarihan niya pwera na lang kay Wen Xin
Han!" Mahinang sigaw ni Ning Rui, parang binabalaan si Gongcheng Lei pero ang katotohanan niyan pinapalakas niya
lang ang kaniyang loob dahil sa insekyuridad na dahan dahang nananaig.
Ang katotohang napagtanto ni Gongcheng Lei ay siya ring naiisip niya. [Kung mananalo si Gu Ying, ang lahat ay magiging
maayos para sa kaniya ngunit kapag natalo si Gu Ying, magiging katapusan niya na rin.]
Dahil sa pagsigaw sa kaniya ni Ning Rui, si Gongcheng Lei ay mas lalong natakot. Hindi siya mapakali. Makapangyarihan
ng si Gu Ying, higit na makapangyarihan at walang nakakapantay sa lakas nito maliban kay Wen Xin Han. Pero ang
misteryosong nagpakita na kasama nila Jun Xie ay hindi lamang nakayanang pigilan ang mga atake ni Gu Ying kung hindi
nagawa pa nitong makipaglaban ng matagal kay Gu Ying. Ang lalaking iyon ay may taglay na kakaibang kapangyarihan,
isang kapangyarihan na hindi nabibilang sa ano mang kulay na pamilyar sa kaniya na kadalasang gamit ng mga tao. At
higit na nakakagulat ay ang kulay nito na itim!
Nakikita ng kaniyang mga mata na mas lalong umigting at uminit ang labanan ni Ye Sha at Gu Ying, dahil dito, mas lalong
lumaki ang takot ni Gongcheng Lei sa kaniyang puso.
Ang ikinakatakot ni Ning Rui at Gongcheng Lei ay siya namang pag-asa ng mga disipulo at guro ng Zephyr Academy na
magliligtas sa tiyak nilang kamatayan!
Ang lahat ay nanonood habang ang kanilang mga kamay ay nakakuyom at ang kanilang mga puso ay malakas na
tumitibok at tanging si Jun Xie lamang ang walang ipinapakitang ekspresiyon na tila ang kanilang pagtagumpay o
pagkatalo ay mahalaga.
O…
Alam niya na ang magiging kalabasan.
Maya-maya, isang malakas na pagbagsak ang maririnig!
Ang dalawang magkalaban ay biglang napaghiwalay.
Ang pigura ni Ye Sha ay malinis na lumapag sa tabi ni Jun Wu Xie, may kaunting dugo sa gilid ng kaniyang labi at hindi
mabilang na sugat na walang bakas ng dugo ang makikita sa katawan nito.
Sa kabilang banda, si Gu Ying ay maayos ding lumapagn at ang kaniyang katayuan ay mas maayos kumpara sa kay Ye
Sha. Kaunting sugat lamang ang makikita sa katawan nito at wala ring bakas ng dugo.
Nang makita ni Ning Rui ang kondisyon ng dalawa, ang kaniyang mukha ay naging maliwalas.
[Nanalo si Gu Ying!]
[Si Gu Ying ang nanalo!]
[Sinasabi niya na nga ba! Waloang sino man rito ang papantay kay Gu Ying!]
Nang hahakbang n asana siya papalapit kay Gu Ying para batiin ito, biglang humawak si Guy Ying sa kaniyang tiyan at
biglang lumuwa ng dugo!
Nang mailuwas nito ang dugo sa kaniyang bibig, halos matumba si Gu Ying habang ang kamay ay nakahawak sa kaniyang
dibdib at tumingin sa mga mata ni Jun Xie na nakatayo sa likod ni Ye Sha. Ang kaniyang mga mata ay nagbabaga.
"Sino ka?" ang kaniyang katawan ay nakaramdam ng sakit na kahit kailan ay hindi niya pa naramdaman. Alam ni Gu Ying
na kung titingnan ang panglabas na kondisyon ni Ye Sha, mas malubha ang sinpait nito kumpara sa kaniya. Ngunit, iyon
ay kung ang ikukupara lang nila ang panlabas na anyo at hindi isasama ang sugat sa loob!