Sinamahan ni Jun Wu Xie si Fan Zhuo upang makita si Ah Jing. Tumayo lamang siya sa labas ng
pintuan at m,inabuti na huwag na pumasok sa loob. Habang naririnig niya ang iyak ni Ah Jing
sa loob, ay lumayo siya at naglakad patungo sa ibang silid.
Binuksan ni Wen Xin Han ang pintuan at nakitang nasa labas si Jun Wu Xie, siya ay napangiti.
Saka na lamang niya nalaman na ang plano ni Jun Wu Xie ay hindi lamang ang pagsagip kay Fan
Jin. Nang makita niya si Gu Li Sheng sa tirahan, ay saka niya napagtanto na ang Young Miss ng
Lin Palace ay gumawa ng mas detalyadong plano kaysa sa iniisip niya.
Sa loob ng silid, makikitang nakaupo si Fan Jin na blanko ang matang nakatingin sa kawalan.
Hindi siya nagsasalita at tumangging matulog, naupo lamang siya doon at hindi gumagalaw.
Ang dumi sa kaniyang katawan ay nalinis na at ang damit niya ay napalitan na. Sinuklayan ang
kaniyang buhok at ang anyo niya ngayon ay mas malapit na sa anyo niya noon.
Ngunit ang pres ng mga matang iyon, wala na ang kasiyahan.
Tumayo si Jun Wu Xie sa tabi ni Fan Jin at itinaas ang kaniyang kamay, bago nilagay ang dulo
ng kaniyang daliri sa pulsuhan nito.
Ang tinamo ni Fan Jin na mga pisikal na pinsala ay hindi ganun kalala, kailangan lamang ng
maingat na pag-aalaga upang tuluyang gumaling. Ang pinakamahirap lunasan ay ang kaniyang
utak.
Ang dalawang beses na paghampas ni Gu Ying doon ay nagdulot ng seryosong pinsala na
nagdulot na siya ay mawalan ng pag-iisip.
Gumawa si Jun Wu Xie ng maselan at masusing pagsusuri kay Fan Jin bago nniya tuluyang
bitawan ang kamay nito.
"Kamusta siya?" tanong ni Wen Xin Han na nanonood lamang sa isang tabi.
Simula ng himalamang mapagaling ng elixir ni Jun Wu Xie ang buhay ng kaniyang apo, ay
nagkaroon siya ng malalim at matinding respeto para kay Young Miss Jun. At hindi nagtagal
matapos siyang lumabas sa kaniyang pag-iisa, narinig niya ang tungkol sa pagkawasak ng Qing
Yun Clan. Nakita niya si Mu Chen ng marating niya ang Lin Palace ay kaniyang napagtanto na
ang binitawang salita ni Jun Wu Xie sa mga disipulo ng Qin Yun Clan sa labas ng tarangkahan
ng Lin Palace ay hindi lamang isang pananakot. Nagawa niya lahat ang kaniyang sinabi!
Ang pinaka matatag na angkan sa buong kalupaan, ay nawasak niya ng ganun lamang!
"Magagamot siya, ngunit hindi ganun kabilis." sagt ni Jun Wu Xie.
Ang pinsala na tinamo ng utak ni Fan Jin ay malubha at kailangan ng mahabang panahon
upang iyon ay gumaling. At ang oras na meron siya sa ngayon ay hindi sapat.
May mga bagay pa sa Zephyr Academy ang hindi pa tapos at kung susuko pa siya ngayon,
tanging si Ning Rui lamang ang makikinabang doon.
Tinitigan ni Jun Wu Xie si Fan Jin at hindi na niya inisip kung naiintindihan siya nito, nagsalita
siya kay Fan Jin: " Nang makapasok ako sa Zephyr Academy, talagang maswerte ako na ako ay
protektahan mo. Ang paghihiganti para sa'yo at sa iyong ama, gagawin ko ang lahat upang
makamit ang hustisya."
Nadarang si Wen Xin Han habang nanonood sa isang sulok.
"Ano ang binabalak mo gawin?" naisip ni Wen Xin Han na ang tanging gusto ni Jun Wu Xie ay
masagip si Fan Jin ngunit matapos marinig ang lahat ng tinuran nito, alam niya na hindi pa
tapos ang lahat.
"Muli ay aking gagamabalin si Senior Wen na bantayan si Fan Jin ng mas matagal. Mayroon
akong mga elixir dito at nais kong hilingin sa iyo na ipainom ito sa kaniya tatlong beses sa isang
araw." Habang nagsasalita siya ay inilagay niya ang mga bote ng elixir sa lamesa at maingat na
sinabi ang mga epekto at dosis bago siya tuluyang lumabas ng silid.
Sa labas ng silid, nakita ni Jun Wu Xie si Fan Zhuo na nakatayo. Namumutla ang mukha at
walang kulay, ang bibig niya ay may mapait na ngiti.
Hindi niya alam kung gaano na siya katagal na nakatayo sa tapat ng pintuan, ngunit hindi alam
ni fan Zhuo kung saan hahanap ng lakas ng loob upang buksan ang pintuan.
Hindi niya alam kung kaya niyang harapain si Fan Jin. Kung hindi lamang sa dahilan na gusto
siyang protektahan ni Fan Qi, ay hindi marahil sasabihin ni Fan Qi sa lahat na siya ang tunay na
anak ay hindi marahil magagawa ni Ning Rui na madiin sa kaniyang kapatid ang krimen at
gamitin ang katwiran na tinangka ni Fan Jin kunin ang posisyon bilang Headmaster kaya nito
pinaslang si Fan Qi.
Sa lahat ng mga nangyari, naramdaman ni Fan Zhuo na malaki ang utang na loob niya sa Fan
Family.
"Kaya ko siyang pagalingin." sabi ni Jun Wu Xie, nakatitig siya kay Fan Zhuo.
Nagawa ni Fan Zhuo na ngumiti ng mapait.
"Nais kong gawin mo iyon."
Nanatiling tahimik si Jun Wu Xie. Hindi niya alam kung paano pagagaanin ang kalooban ni Fan
Zhuo, at hindi niya alam kung anong mga salita ang dapat niyang sabihin.
Papaalis na dapat sila ng biglang magpakita si Ye Sha.
"ako ay may balita para sa Young Miss, plano ni Ning Rui na paalisin ang lahat ng estudyante
ng Zephyr Academy papunta sa Heaven's End Cliff pagkatapos ng tatlong araw!"