Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 716 - Ang Galaw Ko (3)

Chapter 716 - Ang Galaw Ko (3)

Hindi alam ni Gu Li Sheng kung anong klase ng ekspresyon ang nagawa niya ng mga oras na

iyon ngunit dahil sa sinabi ng itim na pusa ay napagtanto niya na noong sabihin ni Jun Wu Xie

kay Wen Xin Han na ialis sa pagkakabilanggo si Fan Jin, ang balak niya ay higit pa sa pagligtas

kay Fan Jin!

Nais niya na gamitin ang pagkakataon na ang atensyon ng lahat, kabilang si Gu Ying at Ning

Rui, ay nakatuon sa ginagawa ni Wen Xin Han, upang ilayo ang mata nila sa departamento ng

Spirit Healer.

At iyon ang magiging pagkakataon ng buong departamento ng Spirit Healer upang makatakas!

Hindi na nagdalawang-isip pa si Gu Li Sheng at madali niyang pinaalam sa lahat ng disipulo na

magsama-sama sa likod ng itim na pusa. Ilang saglit lang at lahat sila ay nakalabas na sa

departamento ng Spirit Healer at nakaupo na sa mga karwahe palabas sa kanilang bakuran,

patungo sa Chan Lin Town.

Nang marating nila ang Chan Lin Town, tinipon ni Gu Li Sheng ang lahat ng disipulo at nanatili

sila sa isang kwarto.

Pakiramdam niya ay nakatakas siya sa kamay ni kamatayan at ang buong pagkatao niya ay

ninenerbiyos.

"Kung hindi kita sinabihan na umalis ng mga oras na iyon, kailan mo balak gawin iyon?" tanong

ni Jun Wu Xie kay Gu Li Sheng.

Napanganga si Gu Li Sheng. Ginawa lamang ni Jun Wu Xie na parang natural ang lahat ngunit

hindi niya naisip na dalawang araw pa lamang simula ng magbalik siya sa Zephyr Academy, at

lingid sa kaalaman ng lahat, nakagawa siya ng plano at iyon... ay naisagawa ng maayos!

Ito ba ang kayang gawin ng isang katorse anyos na binatilyo? Nahiling na lang ni Gu Li Sheng na

sana ay magawa niyang makapasok sa isip ni Jun Wu Xie ng mga oras na iyon at tingnan ang

laman ng isip niya.

"Tama ka, iyon nga ang tamang pagkakataon. Kailan mo nabuo ang planong iyon? Ang hayaan

si Wen Xin Han na gumawa ng kaguluhan upang makuha ang atensyon ng lahat na magbibigay

sa amin ng pagkakataon upang makatakas. At ang mga karwaheng iyon, at ang bahay-

panuluyan..." bilib na sabi ni Gu Li Sheng kay Jun Wu Xie. Sa loob lamang ng dalawang araw ay

nakagawa ito ng perpektong plano at maayos na naisakatuparan. Mula sa mga karwahe na

nasal abas ng bakuran ng departamento hanggang sa kanilang tutuluyan pagdating sa Chan Lin

Town, walang naiwan na detalye.

Kung hindi lang niya alam na matagal nawala si Jun Wu Xie sa Zephyr Academy bago nangyari

ang lahat ng ito at dalawang araw pa lamang na nakakabalik, iisipin ni Gu Li Sheng na ang

ginawa ni Jun Wu Xie ang planong iyon ng araw na pinatay si Fan Qi.

"Simula ng malaman ko na nandoon si Wen Xin Han." Walang gatol na sagot ni Jun Wu Xie kay

Gu Li Sheng.

Nanlaki ang mata ni Gu Li Sheng, hindi makapaniwalang napatitig siya kay Jun Wu Xie.

Gaano lang ba katagal iyon, matapos niyang magbalik sa Zephyr Academy? Kalahating araw! ?

"Si Fan Zhuo ay nandito rin. Tungkol kay Fan Qi at Fan Jin... sabihin mo iyon sa kaniya." sabi ni

Jun Wu Xie na nakababa ang tingin. Nang makarating siya doon, hindi muna siya nakipagkita

kay Fan Zhuo dahil hindi niya alam kung paano sasabihin kay Fan Zhuo ang lahat.

[Sabhin sa kaniya na ang ama-amahan niya ay patay na? Ang kaniyang kinakapatid ay wala na

sa sarili?]

Ang kalmado at mahinahon na si Jun Wu Xie ay biglang hindi malaman, ngunit naramdaman

niya na ang mga salitang iyon... ay hindi niya kayang sabihin.

Kaya naman nagtungo siya kay Gu Li sheng upang sabihin na ito ang magsabi.

"Sabihin sa kaniya ngayon?" nang marinig niya ang pangalan ni Fan Zhuo ay napalitan ng pag-

aalala ang kanina lamang ay nakangiting mukha ni Gu Li Sheng.

[Ang mga salitang iyon, para kay Fan Zhuo, ay magdudulot ng matinding sakit sa kaniya!]

[Walang isang buwan, ang pamilya niya ay nasira at isang miyembro ang pinaslang..]

Marahang tumango si Jun Wu Xie.

"Kailangan niyang malaman dahil kung hindiang mga susunod na hakbang ay hindi

maisasakatuparan..."

Nang marinig ni Gu Li Sheng ang sinabi ni Jun Wu Xie, alam niya na marami pa itong plano at

hindi na niya ito tinanong pa. Tinanong niya kung nasaan si Fan Zhuo at madali na siyang

umalis upang puntahan ito.

Hindi gumagalaw na nakaupo si Jun Wu Xie sa lamesa, ang tanging nagawa na lamang niya ay

kagatin ang kaniyang labi.

[Ano ngayon kung isa siyang dakila at matalinong manggagamot? Hindi pa rin niya nagawa na

sagipin ang ama ni Fan Zhuo...]