Isang nakapalaki at mabigat na alon ng kapangyarihan ang tumangay sa lahat ng sumunod na
sandali. Lahat ng disipulo sa Zephyr Academy ay nakita na lamang ang kanilang mga sarili na
basang-basa sa malamig na pawis. Ang nakakasulasok na pagpahirap ay naghatid sa kanila ng
hirap sa paghinga at ang kanilang mga mukha ay namutla, habang ang kanilang mga dibdib ay
nanikip na para bang mahigpit na hawak inyon ng isang hindi nakikita na malaking kamay,
habang sila ay nagpupumiglas upang makahinga!
Iyon ang malupit na aura ng kapangyarihan ng tunay na purple spirit!
Bukod kay Ning Rui at sa iba, ang lahat ay makikitang walang tigil ang pag-ugoy sa kanilang
kinatatayuan sa ilalaim ng nakakasulasok na aura ng kapangyarihan na inilabas ni Wen Xin
Han.
Ni sa hinagap ay hindi naisip ni Ning Rui na si Wen Xin Han ay magkakaroon ng duminanteng
paraan upang ilayo si Fan Jin sa lugar na iyon. Bagaman naging tagapangalaga ni Fan Jin si Wen
Xin Han, ito ay naging mahinahon at mabait noon. Ang Wen Xin Han na nakikita niya ngayon ay
ganap na nagbago. Hindi na nito ninais na ipaunawa ng lubusan ang lahat at bigla na lamang
nitong inilabas ang nakakatakot na kapangyarihan ng kaniyang purple spirit!
Tinitigan ni Gu Ying si Wen Xin Han, may galit sa kaniyang mga mata. Naningkit sandali ang
kaniyang mga mata bago humakbang ng isa paurong.
"At dahil si Senior Wen ay nagpupumilit na iligtas si Fan Jin at ipinagwawalang-bahala na ang
katotohanan tungkol sa bagay na ito, wala ni isa man sa amin ay may kakayahan na pigilan ka."
Pagkatapos sabihin ang mga iyon, binaluktot ni Gu Ying ng bahagya ang kaniyang likod at
inunat ang kaniyang mga kamay na ang mga palad ay nakabukas, sa isang kilos na
"iniimbitahan" si Wen Xin Han na magpatuloy na.
Tinitigan ni Wen Xin Han si Gu Ying habang inaakay na si Fan Jin upang umalis. Lahat ng
disipulo ay takot na tumabi upang magbigay ng daan at wala ni isa man sa kanila ang
nagtangka magsalita.
Pinanood ng lahat si Wen Xin Han na umalis at sa wakas ay nakawala na sila sa hindi nakikitang
malupit na puwersa sa kanilang katawan. Ang basang-basa sa pawis na si Ning Rui ay madaling
lumapit at tumayo sa tabi ni Gu Ying at nababahalang nagtanong: "Hahayaan ba natin na
dalhin niya si Fan Jin ng ganoon lamang?"
Ngumisi si Gu Ying kay Ning Rui at sinabi: "Kung sa tingin mo ay may kapangyarihan ka upang
pigilan ang isang purple spirit, sige gawin mong mag-isa."
Natigilan si Ning Rui, at hindi na siya nagsalita pa, tinitigan na lang niya si Gu Ying nang
maputla niyang mukha.
[Siya, pipigilan ang isang purple spirit? Nakakatawa!]
[Ang tanging tao dito na kayang tapatan si Wen Xin Han ay si Gu Ying kaya nga inutusan niya si
Gongcheng Lei na dalhin doon si Gu Ying. Dumating si Gu Ying, ngunit hindi niya inaasahan na
hahayaan lamang ni Gu Ying na umalis si Fan Jin ng ganoon kadali.]
"Kung isang araw ay bumalik ang malay ni Fan Jin at sabihin ang lahat, iyon ay magiging pinsala
sa atin!" alalang-alala at kinakabahan si Ning Rui. Ngunit dahil maraming disipulo ng Zephyr
Academy ang nasa paligid, ang tanging nagawa lamang niya ay maupo at sabihin iyon ng
pabulong.
Ngumiti si Gu Ying. "Tingin mo makakaligtas si Gu Ying doon?"
Natigilan si Ning Rui.
"Ang dahilan kung bakit ko siya hinayaan mabuhay ay upang hindi ako maabala. Wala sinuman
sa Lower Realm ang may kakayahan na ibalik ang malay niya. Bukod dito… kahit na magising
siya isang araw, ano ngayon? Kahit sabihin niya sa lahat ang katotohanan, tingin mob a ay
mayroong maniniwala sa kaniya?" palki ni Gu Ying.
Matapos marinig ang sinabi ni Gu Ying, ay napalagay na ang kalooban ni Ning Rui.
[Tama! Si Fan Jin ay namarkahan na bilang ang pumatay kay Fan Qi. Kahit na magsalita siya
upang depensahan ang sarili, iisipin lamang ng mga tao na nagsisinungaling siya upang
protektahan ang kaniyang sarili at hindi paniniwalaan ang anumang sabihin nito.]
"Hindi natin kailangan matakot kay Fan Jin. Kailan mo mahahanap si Fan Zhuo?" tanong ni Gu
Ying at bakas sa boses nito ang pagkainip. Hangga't buhay si Fan Zhuo, ay hindi nakakasiguro si
Ning Rui na siya ang magiging Headmaster ng Zephyr Academy, hindi niya magagawa na
papuntahin ang lahat ng mag-aaral ng Zephyr Academy na bumaba sa Heven's End Cliff. Iyon
ang ayaw masaksihan ni Gu Ying.
"Kumuha pa ako ng mas maraming tao upang tumulong, bukod kay Fan Qi at Fan Jin, wala ng
nakakaalam kung saan nagtungo si Fan Zhuo... baka alam ni Jun Xie! Umalis si Jun Xie ng
Zephyr Academy noon kasama si Fan Zhuo, at ngayon umalis sila ng magkasunod. Maaring
alam niya kung nasaan ito!" nasisiyahang sabi ni Ning Rui nang maalala niya na si Jun Xie at Fan
Zhuo ay umalis noon ng Zpehyr Academy.