"Senior Wen, tutal ikaw ay naniniwala na inosente si Fan Jin, bakit nagmamadali ka na ilayo
siya dito? Hindi ba lingid sa iyong kaalaman na oras na siya ay umalis ay hindi na niya malilinis
ang kaniyang pangalan sa pagpaslang sa kaniyang sariling ama?" balisang sabi ni Ning Rui.
Kahit na wala sa sarili si Fan Jin, ngunit sa napakalawak na lupain doon, sinong nakakaalam
baka sakali may isang tao na magagawang pagalingin si Fan Jin isang araw? At higit sa lahat,
ang taong gustong ilayo si Fan Jin ay ang lubos na igina galang na si Wen Xin Han!
Bilang isang purple spirit, isang salita lamang ni Wen Xin Han at lahat ng mga manggagamot ay
magkukumpulan sa kaniya na parang mga bubuyog sa pulut-pukyutan.
May isang bagay lang na nagpalito kay Ning Rui. Bakit biglaan yata ay nais ni Wen Xin Han na
ilayo doon si Fan Jin? Alam niya ang dahilan kung bakit hindi gumawa ng hakbang si Wen Xin
Han ng napakatagal ay dahil nais nito na ingatan ang reputasyon at pangalan ni Fan Jin!
Ano ang dahilan at nagbago ang isip ni Wen Xin Han?
Matalim na tinitigan ni Wen Xin Han si Ning Rui. Bagaman ginagawa ni Ning Rui ang lahat
upang pawiin ang pagkabalisa sa kaniyang puso, at nagpapanggap na labis na nag-aalala kay
Fan Jin, subalit hindi nakatakas kay Wen Xin Han ang takot sa boses nito.
Hindi alam ni Wen Xin Han kung sino ang pumatay kay Fan Qi, ngunit ang mga kinikilos ni Ning
Rui ay nagbibigay sa kaniya ng hinala sa layunin nito.
"Kung ikaw Vice Headmaster Ning ay pumapayag na ipagpatuloy ang pag-iimbestiga doon at
malinis ang pangalan ni Fan Jin, ito ang pinakamagandang bagay na mahihingi ninuman.
Ngunit kung ikaw ay hindi papayag, iyan ang isang bagay na hindi kayang gawin ni Fan Jin lalo
na sa kalagayan niya ngayon." salungat ni Wen Xin Han. Nasa pinaka malalang kalagayan si Fan
Jin sa ngayon. Natuwa siya ng hilingin sa kaniya ni Jun Wu Xie na ilayo sa lugar na iyon si Fan
Jin.
Nagsisimula ng mataranta ni Ning Rui at ang kaniyang mga mata ay panay ang tingin sa labas.
"Tingin mo ba Senior Wen ay nararapat talaga na ilayo mula dito ang pumaslang sa
Headmaster na si Fan Qi?" lumabas mula sa kumpol ng mga tao si Gu Ying. Madaling tumabi si
Gongcheng Lei kay Ning Rui at silang dalawa ya nagpalitan ng tingin habang ang puso ni Ning
Rui ay punatag na.
Biglang tumaas ang kilay ni Wen Xin Han ng makita niyang nagmadali patungo doon si Gu Ying.
"Kung si Fan Qi ay pinaslang ni Fan Jin ay mananatiling dapat na patunayan. Ang tawagin
siyang mamamatay tao ang hindi tama." Namumuhi si Wen Xin Han kay Gu Ying. Ang mga
binitawan na salita ni Gu Ying sa pagpunta dito ay tila sinasampal niya kay Fan Jin na ito ang
tunay na pumatay.
Napansin ni Wen Xin Han si jun Wu Xie na nakatayo sa kumpol ng mga tao. Tinapunan siya ni
Jun Wu Xie ng tingin at muli ay ibinalik ni Wen Xin Han ang tingin sa kaniyang harapan.
Sinabi sa kaniya ni Jun Wu Xie na ialis sa lugar na iyon si Fan Jin anuman ang mangyari.
"Kailangan muna mapatunayan? Nakakatawa ang sinasabi mo Senior Wen. Tanging si Fan Jin
at Fan Qi lamang ang nasa kuwarto ng mangyari ang lahat. Nang dumating doon si Gongcheng
Lei, patay na si Fan Qi at ang espada na pumatay kay Fan Qi ay mahigpit na hawak ni Fan Jin.
Kung ang bagay na iyon ay hindi pa rin sapat upang patunayan na si Fan Jin ang pumaslang kay
Fan Qi, kung gayon ay hindi ko na alam kung anong uri ng pruweba pa ang inaasahan mo
Senior Wen bago ka maniwala na si Fan Jin nga ang pumatay." tumatawang naglakad si Gu
Ying palapit kay Wen Xin Han, tumayo siya mismo sa daanan ni Wen Xin Han. Pinasadahan ng
tingin ang hindi gumagalaw na si Fan Jin at nagpatuloy si Gu Ying sa pagsasalita:
"Baka naman pinagtatakpan mo si Fan Jin Senior Wen? Kahit alam mo na siya ang pumaslang
sa Headmaster, pinipilit mo pa rin na dalhin siya?"
Sinusubukan ni Gu Ying na mabitag si Wen Xin Han. Nais niyang kaladkarin si Wen Xin Han sa
putik kasama ni Fan Jin.
Gayunpaman si Wen Xin Han ay nanatiling kalmado at mahinahon. Mula nang makuha ang
huyat kay Jun Wu Xie, wala na siyang ibang dapat pa isipin kundi ang tungkulin na iniatang sa
kaniya.
"Anuman ang katotohanan at anuman ang kasinungalingan, tanging panahon lamang ang
makpagsasabi. Si Fan Jin ay naging ganito na ngayon at bilang kaniyang elder, hindi ko
hahayaan na maupo lamang at walang gawin sa bagay na iyon, Kahit anong mangyari, ilalayo
ko sa lugar na ito si Fan Jin ngayon." pakiramdam ni Wen Xin Han ay nasabi na niya lahat, at si
Gu Ying ay mayroong masamang tabas ng dila. Kung magpapatuloy si Gu Ying, madidiin lamang
lalo si Fan Jin.
At ang nakakaawang si Fan Jin ay wala na sa sariling pag-iisip, wala na siyang kakayahan na
ipagtanggol ang kaniyang sarili.
"Iginigiit ba ni Senior Wen na ipagtanggol ang mamamatay taong ito?" naningkit ang mata ni
Gu Ying na nagtanong, mapanganib ang kislap ng mga mata.
"Kung nais ko siyang isama, sino ang mang-aahas na pumigil sa akin!?" tawa ni Wen Xin Han,
at ang kaniyang katawan ay biglang binalot ng maliwanag na apoy ng purple spirit energy!