Saglit na natahimik si Gongcheng Lei at tumingin kay Jun Wu Xie bago tumingin muli kay Gu
Ying, nag-aalangan magsalita.
"Sabihin mo na." naiinip na sagot ni Gu Ying.
Napalunok si Gu Ying bago magsalita: "Ilalayo ni Wen Xin Han si Fan Jin sa lugar na ito!"
Nalarma si Gu Ying at sinabi: "Anong sinabi mo?"
Sumagot si Gongcheng Lei: "Nandoon siya ngayon kung saan nakabilanggo si Fan Jin at ang
Headmaster ay nandoon na ngayon upang pigilan siya. Ngunti ang kapangyarihan ni Wen Xin
Han... Natatakot akong hindi siya mapipigilan ng Headmaster kaya nagpunta ako dito upang
sabihin sa'yo."
Naningkit ang mata ni Gu Ying at madaling tumayo. Paalis na dapat siya ngunit bigla siyang
natigilan.
"Nais mob a sumama Senior upang masaksihan din ang mga kaganapan?" napatingin si Gu
Ying sa gawi ni Jun Wu Xie at napangiti.
Ibinaba ni Jun Wu Xie ang kaniyang mangkok at kubyertos at tumingin sa nakangiting mukha
ni Gu Ying. Marahan siyang tumayo at sumagot: "Sige."
Nagmamadaling sinamahan ni Gongcheng Lei si Gu Ying at Jun Wu Xie. Nang makaalis silang
tatlo, ang itim na pusa na nagtatago sa madilim na sulok ay tumalon palabas at nagmadali na
tumakbo palabas sa Zephyr Academy.
Sa labas ng gusali kung saan nakakulong si Fan Jin ay nag-uupukan na ang mga disipulo ng
Zephyr Academy. Lahat sila ay nagtataka kung ano ang nangyayari.
Dinala ni Wen Xin Han ang wala sa sariling si Fan Jin pababa ng hagdan. Si Ning Rui, Nangong
Xu at ang ibang pang guro ng Zephyr Academy ay hinarangan ang daanan ni Wen Xin Han.
Ang malakas na presensya ni Wen Xin Han ay nagdulot sa lahat ng labis na pagkasindak.
Kanilang napagtanto na sila ngayon ay nakatingin sa nag-iisang tao na may taglay na purple
spirit sa nagdaan na siglo.
Karamihan sa mga kabataan ay naghangad na makita si Wen Xin Han ngunit ng dumating si
Wen Xin Han sa Zephyr Academy ay bihira lamang niya ipakita ang kaniyang sarili. Ang mga
umaasang kabataan ay hindi tinangka na gambalain ang pagpapahinga ni Wen Xin Han at sila
ay umasa na lamang sa pagkakataon. Ang paghihintay nila ng napakatagal sa pagkakataon na
makita si Wen Xin Han sa wakas ay dumating at ang balitang iyon ay kumalat sa bawat isang
kabataan sa Zephyr Academy kaya ang lahat ay nandoon ngayon.
At ang papgpunta nila doon ay may gantimpala na napakagandang palabas.!
Hawak ni Wen Xin Han sa kaliwang braso ang wala na sa sariling si Fan Jin. Kilala si Fan Jin sa
buong Zephyr Academy at alam ng lahat kung anong klaseng lalaki siya. At kahit nagkaroon ng
lamat ang reputasyon nito dahil sa pinili nito ang protektahan si Jun Wu Xie noon bago naging
malinis ang pangalan ng huli matapos lumabas ni Gu Li Sheng upang linawin ang lahat ay
madaling nakuha muli ni Fan Jin ang pagkilala at ang pagiging respetadong Senior.
Ngunit...
Nang panahon na iyon ay pinaslang si Fan Qi at si Fan Jin ang inakusahan na pumaslang kay
Fan Qi!
Ang mabilis na ikot ng mga pangyayari ay nagdulot ng pagkalito at pagkagulat sa maraming
disipulo. Naroong may mga nagsumpa kay Fan Jin dahil sa pagiging ganid nito na makuha ang
posisyon bilang Headmaster, at naroon din na may mga nagduda sa katotohanan sa likod ng
mga kaganapan.
Dinala ni wen Xin Han si Fan Jin upang makita ng lahat at nang kanilang makita ang hiitsura ni
Fan Jin, ang lahat ay natigagal.
Ang dating matangkad at masayahing binata na may matikas na katawan ngayon ay talagang
nangayayat at tila patpat dahil sa kapayatan. Lubos ang panghihina nito na hindi nito kayang
maglakad sa kaniyang sarili at kailangan na alalayan pa ni Wen Xin Han, ang humpak na pisngi
at mga mata na walang buhay, tila hindi alintana ni Fan Jin ang mga pangyayari sa kaniyang
paligid.
Ang mga naniniwala at hindi naniniwala ay napaurong sa gulat matapos makita ang kaawa-
awang anyo ni Fan Jin!
[Totoo ba na si Fan Jin iyan?]
[Paanong nangyaring naging ganiyan siya?]
Kung dati ay pinupuri at kinaiinggitan si Fan Jin, kabaliktaran na ang nangyari ngayon kung
saan ang lahat ay naawa at nahabag…
Iginiit ni Wen Xin Han na isasama niya si Fan Jin palayo at walang magawa si Ning Rui kundi
ang hikayatin na lamang ito.