Ang amoy ng dugo ay nagsasabi kay Jun Wu XIe na sa mga oras na wala si Gu Ying ay nagpunta
ito sa departamento ng Spirit Healer at gumawa ng gulo sa Zephyr Academy.
"Kahit si Gu Li Sheng ay hindi alam kung ano ang mga itinuro mo sa akin Senior." Natatawang
sabi ni Gu Ying at nakatingin ng diretso kay Jun Wu Xie.
Hindi nagsalita si Jun Wu Xie ngunit nagpatuloy lamang ito sa pagpapakitang muli kung paano
ibahin ang anyo ng spirit power.
Katulad na lamang ni Li Mi Zu noon kahit na gabayan ni Gu Li Sheng kung ang isang tao ay
walang kakayahan ay hindi nito magagawa na maging mahusay kahit na alam nito ang lahat
tungkol sa Spirit Healing Technique.
Katulad ng kay Gu Ying. At walang pakialam si Jun Wu Xie sa bagay na iyon.
Nang sumapit ang hapunan ay saka napansin ni Gu Ying na wala si Ah Jing. Tinawanan lamang
niya iyon, nagmaktol ng konti ngunit hindi na niya iyon binigyan ng pansin.
Ngunit…
Kung wala si Ah Jing walang magluluto sa kakahuyan.
"Inimbitahan" ni Gu Ying si Jun Wu Xie na sumama sa kaniya upang "kumain sa labas". Nang
sila ay makalabas ay mababakas ang malamig na tingin sa mata ni Jun Wu Xie.
Dinala ni gu Ying si Jun Wu Xie sa patyo ng Headmaster. Dati iyong tahanan ni Fan Qi ngunit
lahat ng nandoon ngayon ay pagmamay-ari na Ning Rui.
Walang emosyon ang mukha ni Jun Wu Xie nang makita si Ning Rui habang si Ning Rui ay
katulad pa rin ng dati na matikas, magalang at palakaibigan. Gayunman, ang lahat ng iyon ay
pagkukunwari lamang ni Ning Rui.
Nankangiting tumingin si Ning Rui kay Jun Wu Xie subalit sa puso niya ay wala siyang
maramdaman na tuwa. Kaibigan ng magkapatid na Fan si Jun Wu Xie at naging parte rin si Jun
Wu Xie sa pagkamatay ni Ning Xin. Ngunit upang magkaroon ng matinding interes si Gu Ying
at ang iba pa ay walang ibang maisip si Ning Rui kundi ang painan sila ng katotohanan na alam
ni Jun Xie ang Spirit Healing Technique, ngunit alam niya na ang ibig sabihin noon ay hindi na
niya maaaring saktan si Jun Xie.
Nang maalala niya ang nakakaawa at kahabag-habag na itsura ni Ning Xin ng namatay ito ang
kaniyang ngiti na piniliti niyang panatilihin ay medyo nawala. Mag-uumpisa na ang hapunan ng
ibaba ni Ning Rui ang kaniyang chopsticks at sinabi kay Jun Wu Xie: "Medyo matagal na din ng
nawala ka dito sa Zpehyr Academy. Kahit na noong nag-aaral ka pa lamang dito ay hindi ka
masyadong nagpapakita kaya hindi kita madalas na makita. At ngayon na narito ka ay hindi ka
nagsasalita. Hindi ka ba komportable o ikaw ba ay may sakit? Hindi mo kami gaanong kilala ni
Gu Ying kaya ako ay nangangamba na hindi ka masiyahan sa ating pagkain. Bakit hindi natin
gawin ang ganito?"
Isang masamang balak ang nabakas sa mata ni Ning Rui. Lumingon siya kay Gongcheng Lei at
sinabi: "Puntahan mo si Fan Jin at "imbitahan" mo siya na maghapunan dito."
Kalmado lamang ang mata ni Jun Wu Xie at walang mababakas na kahit anong emosyon. Hindi
rin niya tinapunan ng tingin si Ning Rui.
Labis na ikinagulat iyon ni Gongcheng Lei at ilang sandaling lumipas ay umalis na siya.
Kinuha ni Gu Ying ang kaniyang chopsticks at nakangiting tumingin kay Jun Wu Xie.
"Narinig kong magkasundo kayo ni Fan Jin?"
Alam niya ang intensiyon ni Ning Rui at wala siyang balak na pigilan iyon. Mas interesado si Gu
Ying na makita kung ano ang magiging reaksyon nito kapag nakita niya ang estado ni Fan Jin.
[Mababasag ba ang walang emosyon na maskarang iyon?]
Nagsimulang kumain si Jun Wu Xie at wala siyang balak na makipag-usap kay Gu Ying.
Samantalang si Ning Rui ay malaki ang ngiti sa kaniyang mukha. "Nang makapasok si Jun Xie
dito sa Zephyr Academy ay si Fan Jin ang nagsilbing guro nito. Sa umpisa ay maraming naging
usa-usapan tungkol kay Jun Xie dito sa Zephyr Academy at lahat ng iyon ay talagang masama.
Ngunit si Fan Jin ay nagpatuloy na protektahan siya at dinala pa nga niya ito upang doon
manirahan sa maliit na tahanan sa may kakahuyan. Ang pagtira ni Jun Xie doon ay nagbigay sa
kaniya ng kapayapaan."
Habang nagsasalita si Ning Rui ay malisosyosong kislap ang makikita sa kaniyang mga mata.
Tulad ng sinabi ni Gu Ying kanina, alam ni Ning Rui na walang pakialam si Gu Ying kung galitin
man niya si Jun Xie. At kung iyon man ang kaso ay wala ng pumipigil pa sa kaniya.