Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 701 - Ang Pagkamatay Ni Fan Qi (4)

Chapter 701 - Ang Pagkamatay Ni Fan Qi (4)

Si Fan Jin ay dinala palayo at ang opisina ay nilinis. Ang kapayapaan at katahimikan ay bumalik

muli sa walang laman na opisina. Nagtago si Ah jing ng tatlong araw pa at takot na takot

lumabas. At sa ikatlong araw, pagsapit ng hatinggabi siya ay lumabas at tumakas.

Nang siya ay makalabas ay nakita niya na tuluyan ng nagbago ang Zephyr Academy!

Si Ning Rui ang gumanap na Headmaster at si Fan Jin ay nakakulong at maaaring mahatulan

anumang oras. Ang binatang si Gu Ying na pumaslang kay Fan Qi ay naghasik ng takot sa buong

Zephyr Academy.

Gustong tumakbo palayo ni Ah Jing dahil hindi na niya alam kung kanino siya lalapit para

manghingi ng tulong.

Naisip niya na magtago at mag-antay sa pagkakataon upang mahanap si Fan Zhou at sabhin

ang katotohanan.

Ngunit si Ah Jing ay nahuli ni Gu Ying.

Hindi alam ni Gu Ying kung nasaan si Ah Jing nang araw na mapaslang si Fan Qi, hinahanap ni

Gu Ying si Jun Xie noon at narinig niya mula kay Ning Rui ang masasamang ginawa ni Ah Jing.

At dahil sa pagkabagot ay pinutol ni gu Ying ang dila ni Ah Jing at binali ang mga daliri ito.

Ang tanging rason kung bakit nabubuhay pa si Ah Jing sa ngayon ay sa kadahilanan… na si Ah

Jing ay tuluyan nang nawala sa katinuan.

Ang pumatay ng isang maruming baliw ay hindi makakapagbigay ng kasiyahan kay Gu Ying

gusto niya ang pumatay ngunit tingin niya ay walang-kwenta ang patayin ito. Bukod doon ay

biglaang nagbalik si Wen Xin Han kaya limitado ang kagustuhan niya sa walang kwentang

pagpatay at dahil doon ay pinakawalan niya si Ah Jing naisip niya na pahihirapan na lamang

niya ito kapag gusto niyang pumatay.

Ilang araw pa lang ang nakakalipas ng tumakas si Ah Jing sa pagtatago. Pagkatapos ng kaniyang

pagtakas ay nagtago siya sa kakahuyan at hindi na tinangka ang maglibot. Nagtago siya doon

hindi dahil sa natatakot siyang mamatay kundi nagbabaka-sakali siya na mabuhay pa upang

makita ang kaniyang Young Master at masabi kay Fan Zhou ang katotohanan sa pagkamatay ni

Fan Qi.

Hindi inaasahan ni Ah Jing na sa paghihintay niya ay si Jun Xie ang kaniyang makakadaupang-

palad at hindi si Fan Zhou!

Nang makita ni Ah Jing si Jun Xie ay ninais na niyang sabihin kay Jun Xie ang lahat. Ngunit

tuwing maaalala niya ang kakaibang lakas ni Gu Ying na kahit ang Headmaster at si Fan Jin ay

hindi siya kayang pantayan ay naaisip niya na hindi rin makakaligtas si Jun Xie kung haharapin

nito si Gu Ying.

Kaya naman pinili na lang niya na itago ang katotohanan.

Hanggang sa biglang nagpakita si Ye Sha at iyon ay nagbigay ng pag-asa kay Ah Jing.

Napakalakas nyang nilalang at maaaring kaya niyang labanan si Gu Ying!

At iyon na nga ang naging dahilan upang maglakas-loob na siyang isiwalat ang lahat kay Jun

Xie!

Matapos basahin ni Jun Wu Xie ang lahat ng isinulat ni Ah Jing na kasalukuyan pa rin na

mababang nakayuko ang noo niya ay nangunot.

Nagmamakaawa ito sa kaniya na iligtas si Fan Jin.

Sinabi nito ang tungko sa kaniyang pagsisisi at kahihiyan. Sinabi rin ni Ah Jing... na kung

maililigtas niya si Fan Jin ay tutugunan niya ang pabor na iyon sa pamamagitang ng pagpatay

niya sa kaniyang sarili.

Hinaplos ni Jun Wu Xie ang kaniyang sintido. Lahat ng isiniwalat ni Ah Jing ay nagbigay linaw sa

kaniyang mga pagdududa.

Bakit hindi tumutol si Fan Jin ng siya ay arestuhin? Nasa academy si Wen Xin Han kaya bakit

hindi sinabi ni Fan Jin ang katotohanan?

Hangga't kayang patunayan ni Fan Jin na siya ay inosente ay sisiguraduhin ni Wen Xin Han ang

kaniyang kaligtasan at maaaring mapaalis din si Gu Ying at Ning Rui.

Ang katotohanan ay...

Hindi dahil sa ayaw ni Fan Jin sabihin ang totoo kundi ang katotohanan na hindi niya ito

magawa at hindi niya kayang sabihin!

Batay sa paglalarawan ni Ah Jing ng mga pangyayari ay hinala ni Jun Wu Xie na ang paghampas

ni Gu Ying ng dalawang beses sa ulo ni Fan Jin ay maaaring nagresulta sa isang malalang

pinsala sa ulo nito.

Nagjunwari si Ah Jing na siya ay nababaliw upang protektahan ang kaniyang sarili ngunit si Fan

Jin...

Maaaring nawala ng tuluyan sa kaniyang sarili at naging isang baliw.

Ang dating maningning at matalinong binata ngayon ay wala na. Ang Fan Jin na nakakulong sa

kaniyang kuwarto ay isang nilalang na walang laman at walang kamalayan!

"Tumayo ka." utos ni Jun Xie kay Ah Jing pagkatapos niyang huminga ng malalim.

Subalit si Ah Jing ay nagpatuloy sap ag-untog ng kaniyang ulo sa sahig at nagmamakaawa. Ang

balat sa kaniyang noo ay nahiwa na at labis na ang pagdurugo at ngayon ay isang maliit na

lawa ng dugo ang nabuo sa harap niya.

Nararapat lamang siyang mamatay, wala siyang muwang at ang kamatayan niya ay dapat noon

pa!

Kahit hingiin ni Jun Wu Xie ang buhay niya ay nararapat lamang iyon.

Ngunit ang Elder Young Master ay dapat mailigtas.

Sino Ang makakapagligtas sa Elder Young Master?

Pakiusap iligtas niyo siya!