Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 699 - Ang Pagkamatay Ni Fan Qi (2)

Chapter 699 - Ang Pagkamatay Ni Fan Qi (2)

Kinakabahan na lumuhod si Ah Jing sa harapan ni Jun Wu Xie may nais itong sabihin kaya

iwinasiwas nito ang kaniyang mga kamay at nag-ingay gamit ang kaniyang bibig. May gustong

sabihin sa kaniya si Ah Jing ngunit dahil putol na ang dila nito ay hindi na nito kayang magsalita

ng maayos at puro alungawngaw na tunog lamang ang maririnig mula rito.

"Ah! Ah! Ah!" tinuturo ni Ah Jing ang labas ng pinto at paulit-ulit na inuuntog ang ulo nito sa

sahig. Kumalabog ang sahig dahil sa pulit-ulit na ginagawa nito hanggang sa ang balat sa noo

nito ay nasugatan. Umagos ang dugo mula sa sugat ngunit hindi iyon alintana ni Ah Jing at

nagpatuloy siya sa ginagawa niya gamit ang natitirang lakas na mayroon siya.

"Hindi ka baliw." Saad ni Jun Wu Xie na kalmadong nakatingin kay Ah Jing.

Itinaas ni Ah Jing ang kaniyang ulo at ang dugo mula sa sugat nito sa noo ay umagos papunta

sa kaniyang ilong. Nagliwanag ang mukha ni Ah Jing sa tuwa at masigla itong tumango.

"May nais kang sabihin sa akin?" patuloy na tanong ni Jun Wu Xie.

Muli ay tumango si Ah Jing.

"Tumayo ka." nagtungo sa lamesa si Jun Wu Xie at naglabas siya ng panulat at papel at nilagay

sa lamesa.

"Kung hindi mo masabi, isulat mo."

Hindi tumayo si Ah Jing ngunit lumuhod ito sa tabi ng lamesa. Hinawakan niya ang panulat sa

kaniyang mga kamay at mabilis na nagsulat hanggang sa mapuno ang papel. Ang kamay na

may hawak na panulat ay nanginginig ng bahagya at hindi iyon matukoy kung dahil ba sa

pagkabalisa o dahil sa ibang rason.

Sa maikling oras ay nagawa ni Ah Jing na magsulat ng tatlong pahina at inilagay ang mga iyon

sa harap ni Jun Wu Xie. Muli ay bumalik siya sa pagyuko at pag-untog ng kaniyang ulo sa sahig

na para bang nagmamakaawa kay Jun Wu Xie na ito na lamang ang nag-iisa at tangi niyang

pag-asa.

Kinuha ni Jun Wu Xie ang piraso ng mga papel at binasa ang mga nakasulat doon. Sa isang

tingin lamang niya doon ay bahagyang nanlaki ang kaniyang mga mata.

Ang rason kung bakit naging kahabag-habag ang itsura ni Ah Jing ay hindi dahil sa pagkainip ni

Gu Ying. Iyon ay dahil sa... lihim na alam ni Ah Jing.

Ang lihim sa pagkamatay ni Fan Qi!

Noong araw na iyon sa loob ng opisina ni Fan Qi bukod kay Fan Qi at Fan Jing ay mayroong

isang tao pa na naroon at iyon ay si Ah Jing!

Simula noong mapalayas si Ah Jing sa kakahuyan ay naging palaboy siya at malungkot. Labis

ang pagkagusto niya na paalisin si Jun Xie sa kakahuyan upang protektahan si Fan Zhou at

mayroon siyang poot na nararamdaman kay Jun Xie. Nagpatuloy iyon hanggang sa isang araw

ay tinipon ni Gu Li Sheng ang lahat sa Zephyr Academy at inilantad sa lahat ang tunay na

katauhan ni Jun Xie kaya lahat ng usap-usapan na puminsala kay Jun Xie ay tuluyang iwinaksi

at lahat ng mapanlinlang na pahayag laban kay Jun Xie ay nabigyang linaw noon. Nandoon

noong araw na iyon si Ah Jing at narinig niya ang lahat ang puso niya ay nakonsensya at

nadismaya sa kaniyang sarili.

Maraming pagkakataon na naramadaman niyang gusto niya tumakbo sa kakahuyan at humingi

ng tawad kay Jun Xie ngunit naramdaman niya na hindi siya karapat-dapat patawarin.

Kailanman ay hindi naging masamang tao si Jun Xie tulad ng mga kumalat na usap-usapan.

Hindi siya gumawa kailanman ng masamang gawain. Ibinigay niya ang lahat ng kaya niya upang

malunasan ang kondisyon ni Fan Zhou. Ngayon ay napagtanto ni Ah Jing na nabulag siya ng

mga mapanirang kuwento at pinaniwalaan iyon at dahil doon ay nagkamali siyang akusahan

ang isang napakabuting tao.

Kahihiyan at dismaya sa sarili ang pinagdusahan at lumamon sa kaniya ng walang hanggan.

Gustong isalba ni Ah Jing ang lahat ngunit pakiramdam niya ay hindi siya nararapat patawarin

at hindi na niya kayang harapin si Jun Xie.

Ang konsensiya na naramdaman niya ay unti-unting lumago sa pagdaan ng panahon. Ang mga

saloobin niya ay napansin ni Fan Qi at noon pa man ay alam ni Fan Qi na si Ah Jing ay isang

matapat at maaasahan na bata. May mga nagawa man siya na kamalian ay wala siyang

masamang hangarin sa kaniyang puso. Nang makita si Ah Jing na malungkot ay tinulungan siya

ni Fan Qi na lutasin ang mga bagay.

Kaya lamang si Jun Xie at Fan Zhou ay wala na sa Zephyr Academy kaya tinago muna ni Fan QI

si Ah Jing sa kaniyang opisina at pinatawag si Fan Jin na pumunta sa kaniyang opisina. Gusto

niyang marinig ang opinion ng kanyang anak tungkol sa bagay na iyon at gusto niyang

malaman kung posible kaya na makarating kay Jun Wu Xie ang pagsisisi at paghingi ng tawad ni

Ah Jing.

Gayunman…

Nang araw na iyon ay nagtatago si Ah Jing sa isang lihim na kuwarto sa loob ng opisina. Sumilip

siya sa maliit na butas sa kuwarto upang makita ang mga nangyayari sa loob ng opisina.

Related Books

Popular novel hashtag