Halos baliktarin na ni Mo Quian Yuan ang buong bahay nya kakahanap ngunit wala talaga siyang makitang kaduda duda. Pagkatapos ng matinding paghahanap, nararamdaman na niya ang epekto ng lason galing sa wheat night flower na lumusob sa sistema nya at sirain ang kalusugan nya. Ang malakas nyang katawan ay nanghihina na.
Nang siya'y napaupo at nagpahinga, makikita na ang pawis nya sa kanyang nuo.
"Sigurado ka bang nasa bahay ko talaga yan?" Tanong niya na pasuko na.
Nainom lang si Jun Wu Xie ng kanyang tsaa. Nang ibaba nya ito, sinagot nya ang tanong ni Mo Qian Yuan. "Para magamit ang lason ng wheat night flower, kailangan ito pumasok sa katawan galing sa bibig."
Makikita mo ang inis sa mukhani Mo Qian Yuan. Itong babaeng to! Oo, inamin nya na hindi siya nagtanong at inakala na malapit lang ito sakanya. Pero, bakit wala man lang siya sinabi habang siyang naghahanap ng naghahanap kanina pa?
"Gutom na ako." Sabi ni Jun Wu Xie, tila walang pakielam kung nangingitim na ang mukha ni Mo Qian Yuan.
Nagngalit si Mo Qian Yuan habang pinapaalala nya sa sakanyang sarili na sila ang magkakampi. Pinipilit nyang kumalma habang inutusan nya ang mga katulong na lutuan sila ng tanghalian at dalhin sa kanilang silid.
"It…what does it want to eat?" Mo Qian Yuan looked at the black fur ball that was now curled up on her lap, swishing its tail as it looked back at him. His eyes twitched.
"Yan.. anong gusto nyan kainin?" Tinanong ni Mo Qian Yuan habang nakatingin sa itim na pusa ni Jun Wu Xie na nasa hita niya habang ito'y nakatingin sakanya.
Itong pusang ito...
Pagkatapos ng pangyayari kahapon, itong itim na pusa ay nagiwan ng anino sa kanyang puso. Hindi nya parin maisip kung saan nanggaling ang itim na pusa na ito.
Kung kontraktwal na espirito ito-- teka, hindi ito maari. Alam ng buong bansa ang ugnayan ni Jun Wu Xie sa isang kontraktwal na espirito kung meron man. Wala nga siya nuong seremonya ng pamukaw.
"Gusto mo bang kumain?" Tinanong ni Jun Wu Xie habang nakatingin sa maliit na itim na pusa sa kanyang hita.
"Meow." napakisap lamang ang itim na pusa habang hinagod ang buntot nito sa braso ni Wu Xie.
[Isda! Gusto kong kumain ng isda!]
"Isda" Sumagot si Wu Xie.
Kumibot ang mga labi ni Mo Qian Yuan. Sa panonood nya sa kakaibang paguusap ng pusa at ng dalagang ito ay nakapagbigay sakanya ng panibagong pagtingin sa mundo.
Matapos ang ilang sandali, ipinasok ng mga katulong ang silid at pinuno ang kanilang lamesa ng maraming klase ng pagkain. Sa isang gilid nakalagay ang walong treasure mandarin fish. Wala nang kailangan pang magsabi bago tumalon ang itim na pusa sa lamesa at kinain ang isdang hinanda para sa kanya.
Umupo si Jun Wu Xie para kumain ng tahimik, ngunit si Mo Quan Fei ay walang gana kumain dahil hindi nya nakita ang pinagmulan ng lason. Naglagay lamang siya ng alak sa isang baso habang nakapatong ang kanyang baba sa kabila nyang kamay. Pinagmamasdan nyang kumain si Jun Wu Xie kumain sa harap nya.
Kahit maliit lamang na babae si Jun Qu Xie, hindi maipagkakaila ang kanyang pagkatanyag na umiiwas at kinakatakutan siya ng tao ng hindi nila napapansin.
Pero kahit ganoon, itong dalagang ito ay isang simpleng batang babaeng kumakain lang sa harapan niya.
Kung hindi siya isinilang sa palasyo ng Lin, tahimik at madali ang magiging buhay nya.
Dahan dahan tinitikman ni Jun Wu Xie ang bawat pagkain na nakahain, at ang dami ng kanyang kinain ay di nagkakalayo sa dami ng kinain ng kanyang pusa.
Lalong naging interesado si Mo Qian Yuan sa "babaeng maniniil "na kung tawagin ng buong kapitolyo. Kahit ito palang ang kanilang pangatlong pagkikita, ang pakiramdam na kanyang ibinibigay sakanya ay iba.
Kaarawan niya noong pinakaunang beses sila magkita. Malinaw ang pagkakaalala niya sa magandang ngiti nito at ang mga mata niyang may siklap na laging nakasunod sa kayang mas nakakabatang kapatid kahit saan man siya magpunta. Tunay na isang dalagang umiibig.
Ang pangalawang pagkakataon ay ang kahapong bangkete, ngunit sa panahong iyon, ang reputasyon nya ay mas naging tanyag sa masamang paraan. Ang pangalan niya ay laging binabanggit ng mga tao. Kahit sa palabas ni Mo Xuan Fei at Bai Yun Xian, hindi siya natilag at nakaupo lamang siya na parang nasa ibang mundo siya.
Nang makita niya uli ito sa hardin, nagulat siya na itong batang babaeng ito ay mayroon matatag na katauhan.
Ang pangatlong pagkakataon ay ngayon, at naramdaman nya na may nakita siyang panibagong bahagi nito. Nanood lamang ang dalaga ng tahimik sa gilid, buong oras na nagpapakatanga siya kakahanap sa lason. Etong dalagang ito ay may pagkapilyo rin.